KABANATA 56

43 6 14
                                    

Nagsimula na ang foundation week. Lahat ng estudyante ay abala sa iba't-ibang booths. Ilan sa kanila ay abala sa pagbabantay habang 'yong iba ay gumagala at ine-enjoy ang mga pakulo ng mga booths.

Naglalakad sina Jea at Jhoana. Naisip nilang maglibot muna dahil hindi naman sila ang naka-assign sa pagbabantay ng booth ng section nila gayon din ang booth ng council dahil sina Laude ang nandoon.

Napahinto sila sa isang booth. Nagbebenta iyon ng iba't-ibang klase ng kape habang may mga librong nakasalansan sa isang estante.

"Tara pasok tayo?" ani Jea na hinila si Jhoana papasok.

Namangha sila sa loob ng booth dahil vintage ang design at set-up nito. Nag-order sila ng iced coffee. Nagpunta sila sa book shelf at pumili ng Wattpad books na babasahin bago pumunta sa isang sulok.

"Ang cute ng idea nila. Ayos na ko rito kahit maghapon," komento ni Jhoana habang binubuksan ang Hell University na book.

"Same. Pero mas okay kung may kasama sana tayo," sagot ni Jea. Hawak nito ang He's into Her book at sinimulan nang basahin.

"Naku! Miss mo lang si pinsan, eh. Napakain ka lang ng adobong anemic hinanap hanap mo naman," pambubuska ni Jhoana.

Inirapan lang siya ni Jea. "Palibhasa lagi kayong magkasama ni Jah. Sana mahuli kayo ni Ate CJ, tingnan ko lang."

Agad itong tinampal ni Jhoana sa braso. "Hoy! Ang sama mo sa amin!"

Napahinto sila nang may huminto sa harap nila. "Two iced coffee and two chocolate cakes."

"Ay, wala po kaming cake na in-order," sabi ni Jea na busy sa pagbabasa.

"Plus two handsome boyfriends, all free," dugtong ng kasama nito.

"Ay sorry, kuya. Taken na kami..." napahinto si Jhoana nang makita si Jah na nakangiti sa kaniya. Kasama nito si RJ na may hawak tray ng coffee at cakes. "Ay, kayo pala."

"Yeah, kami nga," ani Jah at tumabi na kay Jhoana at niyakap ito.

Naupo rin si RJ sa tabi ni Jea at agad itong inakbayan.

"Buti hindi ka hinahanap ng council," baling ni Jhoana kay Jah.

Tumawa ito. "Tumakas ako."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Lagot ka kay kuya."

"Walang kinatatakutan 'yan, insan. Kahit si Kuya Pablo pa," singit naman ni RJ na ibinaba ang kape at cake.

"Lagot ka," pananakot ni Jhoana kay Jah.

Inabot ni Jah ang iced coffee kay Jhoana. "So? Kahit magalit si Pablo makasama lang kita, sweetheart."

Kahit sanay na si Jhoana ay pinamulahan pa rin siya ng mukha.

"Aray, ang sakit. Kinagat ako ng langgam," pang-aasar ni Jea.

Kinabig naman siya ni RJ. "Moo, 'wag kang mainggit sa kanila. Nandito naman ako, sa'yo lang ako."

Napayuko si Jea. Hindi niya naisip na sasabihin iyon ni RJ. Sanay naman siya sa ka-sweet-an nito, pero hindi niya in-expect na magiging sweet ito sa harap ng iba.

"Mamaya na 'yan, please? P'wedeng ako muna harapin mo, sweetheart?" pangungulit ni Jah. Pilit nitong isinasara ang binabasang libro ni Jhoana.

Napangiti ito. "Oo na po."

Nagkuwentuhan pa sila at inubos ang cake at kape bago nila naisipang maglibot sa iba pang booths.

Nang mapagod ay nag-offer sina Jah at RJ na bibili ng makakain kaya naupo sina Jhoana at Jea sa isang bench.

Naagaw ang interest nila nang makita ang isang booth na puno ng stuffed toys.

"Tara," yaya ni Jea.

Nagpunta sila sa booth at nagtingin ng mga stuffed toys. May nakita silang ring sa gitna kung saan kailangang maka-shoot para makakuha ng stuffed toy

"Ang cute nito," sabi ni Jhoana sa isang malaking Bulbasaur. Naalala niya si Jah dahil mahilig ito sa Pokemons.

"Ito man ang cute," sabi naman ni Jea sa isang pink na life sized Teddy bear.

"Gusto niyong subukan, miss? Kailangan niyo lang magbayad ng 50 pesos. Tapos kailangan niyong mai-shoot ang sampong bola kapalit ng stuffed toy na mapipili niyo," paliwanag ng isang estudyanteng bantay ng booth.

Laylay ang balikat ng dalawa na isinauli ang hawak nila. Sayang kasi ang pera dahil hindi naman sila marunong.

"Bakit ang lungkot niyo naman, miss? Gusto niyo ba 'yan?" aning matangkad na lalaki na palapit kina Jhoana. May kasama pa itong isa pang lalaki na hindi nalalayo sa tangkad nito.

"Oo sana, kaso hindi naman kami marunong," sagot ni Jea.

"Gusto niyo kuhanin namin?" sabi ng lalaking kasama nito.

"Talaga? Sige kami na lang magbabayad," masayang sabi ni Jhoana.

"'Wag na. Kami na lang. Basta makikipag-date kayo sa amin pagkatapos," sagot ng unang lalaki at umakbay kay Jhoana.

Agad naman itong lumihis at inalis ang pagkakaakbay nito. "Hindi na pala, kuya. Aalis na kami."

"Huwag na kayong magpakipot, miss."

"Isang akbay ko pa babaliin ko 'yang braso mo," may diing sabi ni Jah na biglang sumulpot sa harap nila. Madilim ang itsura nito. May hawak itong shawarma at dalawang milk tea.

"Mga brad, ayaw namin ng gulo.  Baka p'wedeng lumayo kayo sa girlfriends namin," mahinahon namang sabi ni RJ na tintantya si Jah na halatang galit.

Nagkibit balikat ang lalaki. "'Wag niyo kasing pinababayaang wala kasama 'yang girlfriends niyo. Ang gaganda pa naman."

"Hindi namin pinababayaan. Kaya nga bumili kami ng pagkain nila. Anong gusto niyo? Sabihin niyo lang," pagbabanta ni Jah. Kung tutuusin ay ngayon lang ito nagsalita ng ganoon at natakot sina Jea at Jhoana dahil nakakatakot ang dating niyon

"Brad, ako nang nakikiusap," sabi naman ni RJ.

"Bakit ka makikiusap?" iritadong sabi ni Jah.

Mabuti na lamang at umalis na ang nga lalaki at hindi na nakipagtalo pa.

"Magkano 'yan?" seryosong tanong ni Jah sa bantay.

Napakamot ito. "Hindi po p'wede. Kailangan maka-shoot ng sampung sunod-sunod."

"Ako na lang," sabi ni RJ na kumuha na ng bola at kumuha ng pera sa wallet nito. Pero pinigilan siya ni Jah. Kinuha ito ang wallet niya.

"Twenty thousand para sa dalawang stuffed toys. Hindi na kayo lugi diyan dahil hindi naman branded 'to," pagdidiin ni Jah saka kinuha ang stuffed toys.  Wala nang nagawa ang taga bantay na estudyante kung hindi hayaan na lang siya.

Ibinigay ni Jah kay Jea ang Teddy bear habang kay Jhoana ang malaking Bulbasaur.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon. Baka mapagalitan 'yong bantay," nakanguso si Jhoana habang yakap ang Bulbasaur.

"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang kayo na makipag-date sa mga iyon? Alam mo namang hindi ako magaling mag-Basketball," inis na sabi nito at tahimik na umalis.

Napasunod naman si Jhoana rito habang sina RJ at Jea ay umiiling na sumunod sa kanila.

"Hey! Jah!" pahabol na sigaw ni Jhoana pero hindi siya pinansin nito.

"Bahala ka nga! Nakakinis ka!" sabi niya sabay martsa palayo sa mga ito.

"Patay. LQ," bulong ni RJ.

"LQ nga. Lagot na," sagot naman ni Jea.

A/N

Hallooo. Good afternoon. Here is my first UD today. Hehehe medyo busy lang. Sana nag-lunch na kayo mga mare. 😘
































HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon