Lumipas ang maghapon na puro introduction ang nangyari. Laude felt restless even they did nothing but sit and listened. Tumayo siya ng i-dismiss na sila ng teacher nila.
“Mare, saan ka?” tanong ni Louise.
“Uuwi,” walang gana niyang sagot.
Napakunot ang noo ni Louise habang nakasunod lang sa kaniya.“Ang bilis niyong maglakad,” komento ni Kyra na humahabol sa kanila.
Napangisi si Louise. “Congrats! Hindi na mapapanis ‘yang laway mo. Si Laude lang pala ‘yung susi para magsalita ka.”
“Woi, grabe ka,” sagot ni Kyra. Hindi na niya napansin na napangiti na siya sa biro nito.
“Bagay sa iyo ‘yung nakangiti.” Nagulat si Kyra sa paglapit at pag-akbay sa kaniya ni Stell. Nakangiti itong tumingin sa kaniya.
“I’m not smiling,” cold niyang sagot sabay alis ng akbay ni Stell. “Bakit andito ka?”
Tumawa ulit ito. “Malamang, uwian na, magkaklase tayo at iisa lang ang daan palabas ng gate.”
Napabuntong-hininga siya. Bakit ba kasi nagtatanong pa siya? Sadyang makulit lang talaga ang isang ito.
Nagulat siya ng agawin nito ang bag niya.
“Hoy! Snatcher ka? Bakit mo kinukuha ang bag ko?”
Ngumiti lang ito ng matamis. “Tulungan na kita. Mukhang mabigat, eh.”
“Para-paraan,” bulong ni Laude habang nauunang maglakad. Bumungisngis naman si Louise na binilisan para maabutan ang nauna.
“Mabigat? Isang notebook lang laman niyan saka yellow pad. Akina,” pagpupumilit niya.
Iniangat ni Stell ang bag ng dalaga. Dahil matangkad siya rito ay hindi ito maabot. Itinaas lang niya ang bag habang naglalakad.
“Ibigay mo nga kasi ‘yan. Ang kulit mo naman, eh,” ani Kyra sa pagitan ng pagtalon upang abutin ang kaniyang bag.
“Ako na nga,” ani Stell habang tumatawa. Tumakbo siya kaya naman hinabol siya ni Kyra para makuha ang bag niya.
“Kapag nahabol talaga kita kakalbuhin kita, bwisit ka!”
“Gusto ko nga iyon. Ako naman ang habulin mo,” pabiro nitong sabi habang naghahabulan sila papuntang gate.
NAKAALIS na sina Kyra. Dumating na ang sundo nila kaya naman mag-isa na si Laude. Maglalakad lang siya pauwi dahil walking distance naman ang bahay nila papuntang school.
“Alone?”
“Ay kabayo!” halos mapatalon si Laude nang marandaman ang kaklase niya.
Tumawa ito. “Magugulatin ka pala.”
“Get lost, Ken,” walang ganang sabi ng dalaga.
“Hindi ka lang pala palaban, masungit ka rin.”
“Ano naman ngayon sa ‘yo?” mataray niyang tugon.
“P’wede ‘wag ka rito?”
Binilisan niya ang lakad niya, pero dahil matangkad ito ay halos sabay lang sila.
“Ano ba? Bakit k aba sumusunod?” irritable niyang sabi sa binata.
He smirked. “Sinong may sabing sinusundan kita?”
Napahilamos si Laude. “Then, why are you here?”
“Simple lang. Naiwan ko ‘yung sasakyan ko, at dito rin ang way ko pag-uwi. Stop assuming things,” anito saka tumakbo na palayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...