Kumanta pa sila ng tatlo pang kanta bago ang kanilang individual performances.
"Magandang gabi po ulit! Nag-e-enjoy ba kayo?" tanong ni Ken ng mahalatang papasok na naman si Sofia sa eksena.
Masaya at masigla namang sumagot ang mga audience.
"We'll give you more- performances. Gusto niyo ba kaming makitang kumanta isa-isa?" sigaw naman ni Josh.
"Yes!"
"Daming energy ah. 12:45 na buhay pa rin," komento ni Laude matapos tingnan ang oras sa cellphone niya.
"Siyempre, SB19," sagot ni RJ na minamasahe ang kamay ni Jea.
"Paos 'yang mga 'yan bukas," sabi naman ni Jea.
"Let's get in!" sabi ni Pablo bago nag-strum. Nagsimula na ulit silang tumugtog.
Inayos ni Ken ang mic. Siya ang unang kakanta.
"This song is dedicated to A'TIN. Dahil sa inyo kaya kami nagpalatuloy. Kayo ang inspiration namin. I love you," anito habang seryosong nakatingin kay Kyzha.
"Kilig 'yan?" ani RJ nang mapansin ang malapad nitong pagngiti.
"Manahimik ka," sabi ni Kyzha habang nakangiting nakatingin kay Ken.
"I love you too," aniya.
"Hindi niya naririnig," basag ulit ni RJ kaya binatukan niya ito bago ulit bumaling kay Ken.
Say it's true, there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it tooNapangiti nang tuluyan si Kyzha. Kahit tumitingin si Ken sa ibang direksyon dahil sa nakabantay na press ay bumabalik din sa kaniya ang atensyon nito.
And I would run away
I would run away, yeah... yeah
I would run away
I would run away with youNapangiti si Ken habang buong pusong kumakanta. Nakisabay na rin ang mga nanonood sa pagkanta niya.
'Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you"Thank you. I hope you like it baby girl," pabiro nitong sabi kaya naman kinilig ang mga babaeng nanonood.
"Baby girl pa nga," tukso ni Jhoana sa kakambal niyang parang na-plaster na ang ngiti sa pisngi.
"Ingit ka lang," sagot nito.
"Malamang hindi," sabi ni Jea na tinuro si Jah na inayos na rin ang mic.
"Siyempre hindi ako papatalo kay Ken," bungad nito habang nakangiti.
"Nag-practice din ako para naman hindi ako mapahiya. Pero ang totoo nahihiya talaga 'ko. Mahirap mag-solo kaya baka p'wedeng dalawa tayo," banat niya kaya naghiyawan na naman ang mga babae sa kilig.
"Ayyyyyeeeiiiiiihhhhh! Best, kinikilig," sabi ni Jea na tinutusok pa sa tagiliran si Jhoana.
"'Wag kang maingay, best," saway ni Jhoana na hanggang tainga ang ngiti.
"Sana ay magustuhan niyo 'to, A'TIN. Alam niyo namang para sa inyo 'to," makahulugang sabi ni Jah habang nakangiti at pasimpleng sumulyap kay Jhoana. Sumenyas ito kay Ken para sa cue na magsimula na.
Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y walaNagtilian ang mga babaeng nanonood dahil nakangiti si Jah habang kumakanta kasabay ng pagkindat nito.
"Jah, ako lang 'to si Yuna! Wala akong boyfriend!" sigaw ng isa senior high school.
"Sa akin ka na lang, Justin!" sigaw naman ng isang babaeng halos mapugto na ang ugat sa leeg.
'Di mi ko masisisi
Sumulyap palagi
Sa 'yong mga matang
O kay ganda o binibiniHindi na naitago ni Jhoana ang kilig niya. Napangiti na siya nang tuluyan kahit pa pilit niyang itinatago ang pagmumula ng mukha niya.
"Hinay-hinay. Yari ka kay kuya," banta ni Kyzha.
"Kanina nga kinilig ka rin, sinumbong ba kita?" sagot naman niya saka ibinalik ang tingin kay Jah.
O ang isnag katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kuta bibitawanNangiti si Jhoana ng kindatan siya ni Jah.
"Gosh! Kindatan ako ni Jah!" sabi ng babae sa likod nila.
"Ambisyosa! Ako 'yong kinindatan!" sabi naman ng isa.
Aalagaan at 'di pababayaan
Pagkat ikaw sa akin ay prinsesa..."Ang sweet naman ni Jah," sabi ni Jea nang matapos itong kumanta.
"Mas sweet pa sa akin," ani RJ na nakangiti habang taas baba ang makapal nitong kilay.
"Parang tanga," sabi ni Jea na napangiti na lang din.
Hindi naman mabura ang ngiti ni Jhoana. Hindi pa rin kasi siya maka-move on sa kinanta ni Jah.
"Ang galing naman ni Jah," papuri ni Josh.
"Siyempre, inspired," sabi naman ni Ken.
"Approve ba, Pablo?" pang-aasar naman ni Stell kaya sinamaan siya ni Jah ng tingin habang tumawa naman si Pablo.
"Approved. P'wede na," nakatawang sabi ni Pablo.
"Parang napilitan naman," pabiro na lang ni Jah.
Inayos ni Josh ang mic at buwelo. "At least, approved. Sige, ako naman. Gusto niyo bang ako na ang kumanta?" tanong nito.
"Yes, Ssob. Ang pogi mo!" sabi ni Jam na kaklase nila.
"Ang pogi ni Ssob. Sarap mong ibulsa," sabi naman ng babaeng nasa sulok.
"Para sa inyo 'tong kantang 'to. Dati ko pa sana 'to gustong kantahin, pero walang chance, kaya ngayon na lang. Hindi ako gano'n kagaling, ah. Patyagaan niyo na lang, mahal ko naman kayo," sabi niya habang nakangiti at sumulyap kay Louise.
"Mahal din kita, Ssob!" sigaw ni Saira na ka-batch nila.
Agad tumaas ang kilay ni Louise kaya naman tumawa sila. "Possessive 'yan?" sabi ni Laude.
"Bakit, ikaw ba hindi?" bakik niya rito.
Itinigil na nila ang pagbabangayan nang simulan ni Ken ang pagpalo sa drums kasunod ng buong grupo at kumanta na si Josh.
Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salitaNgaumiti ito at kumindat kaya halos magwala na rin ang mga nanonood. Mabuti na lang talaga at binawalan ang outsiders at may policy ang school kung hindi ay baka dinumog na sila.
'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapalaHindi na naalis ni Louise ang tingin kay Josh. Amg guwapo nitong tingnan lalo pa't mukha itong nag-e-enjoy sa pagkanta at pagtugtog niya. Hindi rin mawala ang pagiging mukhang maangas nito kaya naman nakdagdag ito sa appeal niya.
'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Amimin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtinginNakangiti lang sa buong performance si Louise kahit pa nakikisabay na ang mga tao sa pagkanta ng kasintahan. Sapat na sa kaniya iyon. Masaya na siya kahit pa patago kung anong meron sila.
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana 'di magbagong pagtingin...A/N
Chill muna ang vibes. Bawal muna ang nega dahil mamaya pa 'yon. Hahahaha enjoy muna sa haply vibes dahil baka mamaya hindi na happy. Charot!
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...