KABANATA 13

55 10 2
                                    

Ilang araw na rin nangangampanya ang bawat partido. Araw-araw silang nagpupunta sa mga classrooms at nagpapaliwanag ng plataporma nila. Namimigay rin sila ng flyers at nagsasabit ng mga tarpaulins.

Ngayong araw na ang huling araw ng pangangampanya dahil botohan na kinabukasan kaya naman may tapatang magaganap sa gymnasium ng school.

Pasado ala una na at nasa loob na ang mga estudyante. Lahat sila ay nakaayos kada section.

Hindi naman mainit sa loob kahit halos mapuno na ito dahil sa nga estudyante dahil na rin sa anim na aircons.

Alas dos na pasado nang magsalita si Ms. Luna. "Good afternoon, students."

Bumati ang mga estudyante at sinumulan na ang programa.

Sinimulan ito ng isang panalangin at pagpapakilala ng bawat partido gayon din ang kanilang plataporma.

Matapos ang paglalatag ng kanilang plano ay sinundan ito ng mga tanong galing sa mga estudyante.

"Magandang hapon po. Ang tanong ko po ay para kay Jhoana. Anong masasabi mo sa sinasabi nila na ganda lang naman ang maiaambag ng muse sa eskuwelahan?" tanong ng isang lalaking mula sa grade 10.

Tumayo si Jhoana at tumikhim. "Magandang hapon. Para sa akin hindi ganda lang ang ambag ng isang muse sa kahit anong paaralan. Tama po, kailangan ay maganda ang isang muse, pero hindi ibig sabihin nito na kailangan ay gandang pisikal lamang. Kailangan mayroon din siyang magandang kalooban dahil sa kaniya sasalamin ang ating paaralan. Kailangan isabuhay ng isang muse ang mabubuting gawa at pagtulong sa kapwa upang maipakita na ganito tayong kaseng mag-aaral na bunga ng ating paaralan," aniya saka bumalik sa kanilang puwesto.

Napapalakpak si Jah kaya siniko siya ni Josh. "Saan ka ba naka-line up?"

Sumunod na tanong at para sa tunatakbong vice president. Hindi pinangalanan kaya naman required sina Stell at Josh na sumagot.

"Ano ang ibig sabihin ng panunungkulan para sa inyo?"

Naunang tumayo si Stell at kinuha ang mikropono. "Para sa akin, ang panunungkulan ay parang commitment. Kailangan ay committed ka sa ginagawa mo, sa panunungkulan mo. Kailangan kahit anong mangyari ay naka-set ka sa goal mo. Na kahit mahirap mananatili kang tapat. Na kahit hindi mo na kaya, kakapit ka at kalaban ka para sa commitment mo sa tao o bagay na ginagawa mo," straight forward nitong sagot. Pero hindi nakaligtas kay Louise ang pasimple nitong tingin kay Kyra.

Sumunod na nagpunta si Josh sa harapan. "Magandang hapon sa inyong lahat," bati niya habang nakangiti. "Ang masasabi ko lang, siguro hindi niyo masusukat o makikita ang pananaw ko sa salitang panunungkulan base sa sasabihin ko. Malalaman niyo lang 'yon sa kilos ko. Minsan kasi hindi naman natin kailangang sabihin o ipaliwanag sa iba. Hindi natin kailangan ng salita dahil makikita naman sa kilos natin. Kung kilala n'yo ko, alam kong nakikita niyo kung paano ko maglingkod. Kaya naman hindi ko na kailangan pang magsalita, makikita n'yo sa kilos ko kung ano ang nasa puso ko," dirediretso niyang sabi.

Tiningnan niya si Louise bago siya tuluyang bumalik sa puwesto.

"Double meaning, ah. Para kanino 'yon?" pang-aasar ni Jah.

"Shut up!"

May nagtanong rin kay Ken. "Hanggang kailan mo kayang makipaglaban para sa puwesto mo?

Kinuha niya ang mikropono at pumunta sa gitna. "Para sa akin hangga't kaya. Hanggang kaya ko lalaban ako para sa puwesto ko. Kahit sino, kahit ano babanggain ko. Kaya lang kung hindi talaga para sa akin at marami nang masasaktan o maapektuhan baka 'yon na 'yung senyales na susuko na 'ko. Hindi naman kasi kailangan laging nakasugod. Minsan kailangan din nating huminto. Hindi naman porque huminto tayo o bumitaw, ayaw na natin o hindi na mahala sa atin 'yon. Sumuko tayo dahil 'yon yung makakabuti at mas tamang gawin."

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon