KABANATA 24

51 10 20
                                    

Maagang bumangon si Laude kahit na medyo puyat siya dahil sa party nila.

Sabado ngayon at napag-usapan nilang tumambay kina Jhoana.

Sa totoo lang ayaw niya sanang pumunta, pero dahil kailangan na naman ng kasama ni Jea ay napilitan siyang gumayak at bumaba ng kuwarto.

"Akala ko hindi ka na bababa," bungad ni Jea. Nakasuot ito ng maong na short at off shoulder na kulay mint green. Naka-flat shoes itong brown habang dala naman nito ang maliit niyang back pack.

"You're gonna go there wearing that?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Yeah. Better than wearing loose shirt and jogging pants," anito na nakatingin sa kaniya.

Napairap na lang siya at sumunod na sa pinsan.

Nakarating sila sa bahay nina Jhoana. Tulad ng dati ay iginaya sila ng katulong papunta sa library.

Pagdating nila ay nandoon na sina Louise at Kyra. Nakaharap naman sa computer si Kyzha habang nakangiti silang sinalubong ni Jhoana.

Ngayon ay nagpunta sila rito para makipag-bonding. Hindi gaya noong una na para gumawa ng assignment.

Naupo sila sa sahig habang naglalaro ng Uno cards. Hindi sumali si Kyzha dahil naglalaro ito sa computer.

Nakailang rounds na sila nang lumapit si Kyzha at manood. Tumabi ito kay Jhoana.

"Nakakabagot," aniya.

Nilingon siya ni Jhoana. "Hoy, Zen! Nakita ko kayo ni Ken. Lagot ka kay Kuya."

"What? You saw me, pero you helped me escape," inis nitong sabi.

"Yeah. But when the lights turned off, I saw you again," ulit niya.

Namula ang pisngi nito saka sumagot. "It's normal. Didn't you and Jah kiss?"

Napayuko si Jhoana. Napatingin naman ang mga kasama niya lalo na si Jea. "Hoy, kilaka ko 'yang mukhang 'yan. Nag-kiss kayo?"

Hindi nakasagot si Jhoana. Sisigaw sana si Jea sa excitement nang takpan nito ang bibig niya. "Baka marinig ka ni Kuya. Mabilis lang naman 'yon. May tumulak kasi sa amin, tapos 'yon."

"Sinadya niyo 'yon," sabi ni Kyzha.

"Hindi ah. It was an accident," pagpupumilit ni Jhoana.

Napangisi si Kyzha. "Hamak tangkad ni Jah sa 'yo, Sissy. Kung may tumulak man hindi agad 'yon sa lips."

"May punto siya," ani Laude na binaba ang huling uno card niya.

"Ang daya, panalo ka na naman?" reklamo ni Jea.

Nagkibit lang siya ng balikat.

"How about you, Kyra? Did you two kiss?" tanong ni Louise.

Namula ang mukha nito bago sumagot. "Hindi. Hindi pa naman kami. Saka alam ni Stell na hindi pn'ko ready."

"Mabait na bata. Sana all," ani Jea.

Agad napatingin si Laude. "Bakit? Nakahalik na agad sa'yo si RJ?"

Umiling si Jea ng umiling. "Of course not! Asa siya, Ate Kim. Magpapahalik lang ako sa taong gusto ko."

"Mabuti 'yong nagkakalinawan tayo," banta ni Laude.

"There is someone who kissed me," nahihiyang sabi ni Louise.

"Hindi ba ko magtataka. Ang haba ng buhok mo kahapon, Ate Rein," sabi ni Jea na para bang kilig ba kilig.

"Maybe, it's Chael," sabi ni Laude. "Halos hindi ka na paupuin no'n kagabi."

Umiling lang si Louise. "No. I don't think so. Hamak tangkad niya sa akin. I don't think siya 'yon."

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon