Nawindang ang lahat nang sapakin ni Pablo si Ken matapos itong makatanggap ng sampal kay Jhoana.
"Ilayo niyo muna si Ken," sabi ni Josh na pigil pigil ang galit na galit na si Pablo.
Natigilan sila nang lumabas ang doctor mula sa ER.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"
Lumapit sina Jhoana at Pablo. "Kami po."
"How about your parents?" dagdag nitong tanong.
"Nasa Cebu po. P'wedeng ako na lang? I'm her older brother."
Tumango ang doctor at iginaya sila nito sa opisina. Hindi naman nagtagal ay inilabas na ng mga nurse si Kyzha sa ER at inilipat na sa isnag private room.
Si Jah naman ang naglayo kay Ken. Nagpunta sila sa mga bleachers malayo sa ER at doon pinakalma ni Ken ang sarili.
"Ayos ka lang?" tanong ni Jah.
Sinamaan siya ng tingin ni Ken. Hinawakan nito ang labi niyang nagdugo. "Nasapak ako, tingin mo ayos ako?"
Hindi na sumagot si Jah dahil alam niyang mainit ang ulo nito.
"Mag-usao tayo, Ken."
Napatingin silang dalawa sa babaeng nasa harap na nila habang nakapamulsa ito.
"Nasapak na nga ako ni Pablo andito ka pa? Gusto mo bang masapak ulit ako, Laude?" inis na sabi ni Ken.
"Jah, p'wedeng iwanan mo muna kami?" baling ni Laude kay Jah. Ngumiti ito saka sila iniwanan.
Naupo si Laude sa tabi ni Ken. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila?"
Gumalaw ang labi ni Ken. Tumingin ito kay Laude. "Paano ko masasabi kung sinampal na agad ako ni Jhoana tapos sinapak pa ko ng gago mong boyfriend?"
Napakalukipkip si Laude. "Normal lang 'yong reaksyon nila. Kapatid nila si Kyzha."
"Normal ba na manakit agad kahit hindi nila alam 'yong totoo?" inis na sabi ni Ken.
"Kakausapin ko sila. You have to explain it. Wala namang may gusto no'n."
"Pa'no mo nalaman ang tungkol do'n?" takang tanong ni Ken.
Umayos ng upo si Laude. "Nakita ko kayo last time. Papunta ko sa psychologist ko tapos nakita ko kayo sa ospital. Kailangan nilang malaman 'yon. Kailangan mong sabihin. Hindi biro 'yong sitwasyon ni Kyzha."
"Sasabihin naman talaga namin. Kaso ayaw pa ni Kyzha. Hindi pa raw niya kaya. Natatakot siya," napahilamos na si Ken.
"Hindi niyo kaya ng dalawa lang kayo. Kausap na nila Jhoana ang doctor kaya alam kong alam na nila ngayon. Ihanda mo 'yang sarili mo dahil malamang magagalit sila sa'yo dahil hindi niyo sinabi sa kanila," sabi ni Laude bago tumayo at iniwan siya.
NAILABAS din agad si Kyzha sa ospital. Hindi na ito nakasali sa pageant dahil hindi na rin siya pinayagan ng kuya niya at ni Jhoana.
Nagalit ang dalawa sa kanila ni Ken, pero hinayaan na lang muna nila dahil makakasama ito sa kondisyon niya.
Umayos naman agad ang pakiramdam niya kaya naman pumasok na rin siya. Last day na ng foundation week kaya naman ayaw niyang absent siya sa main event.
Nadatnan niya sina RJ at Jea sa music room. Napahinto ang mga ito sa pagkukulitan nang makita siya.
"Nandito ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo?" bungad ni RJ.
"Fine," walang gana niyang sabi saka nahiga sa sofa.
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...