KABANATA 1

113 17 4
                                    

LAKAD takbo sina Jhoana at Kyzha habang hinahabol ang malalaking hakbang ng kuya nilang si Pablo.

"Kuya, bagalan mo naman. Pawis na ko, oh," maarteng sabi ni Kyzha habang hinahabol ang kuya niya.

"Is it my fault if I'm long-legged?" Tumaas ang kilay nito at nagpatuloy lang sa paglakad. Hindi na nila pinapansin ang nagtitilian at kinikilig na mga babae sa hallway.

"Kuya, I have to go to the library first. P'wedeng mauna na kayo?" alanganing sabi ni Jhoana.

Sa dalawa, mas mabait at mas masipag si Jhoana. Medyo mataray kasi si Kyzha gaya ng kuya niya.

Napahinto si Pablo at nabunggo sa likod niya si Kyzha.

"Ouch! Biglang humihinto?!"

Hinarap ni Pablo ang kapatid na alanganing nakatingin sa kaniya. "Why?" he coldy asked.

"Usapan kasi namin ni Jea magkikita kami sa library. Sabay kaming maghahanap ng classroom."

Namaywang ang binata. "Fine. But make sure papasok ka on time. First day of school, you shouldn't be late."

Tiningnan ng binata si Kyzha at sinenyasang sumunod sa kaniya. He's sending her to her classroom.

Kyzha and Jhoana are twins. They're on their eleventh grade habang grade 12 naman si Pablo sa isang exclusive school. Kilala siya sa pagiging cold, stikto at masungit pero mapagmahal naman siyang kapatid, kaya naman sinisuguro niyang nasa tamang landas ang mga ito.

Hinatid na niya si Kyzha bago siya tuluyang pumasok sa kanilang classroom. Ayaw rin naman niyang ma-late dahil kasama siya sa student government officers. Ayaw niyang maging masamang ehemplo sa mga estudyante.

NAPAKUNOT ang noo ni Kim nang harangin siya ng guard sa gate.

"I.D. mo?" tanong nito.

Napatapik siya sa kaniyang noo nang maalalang wala pa pala siyang I.D.

Transferee lang siya sa unibersidad na iyon. Ayaw nga sana niyang mag-enrol dito dahil mahal ang tuition fee, pero dahil dito lang mayroong special section for Arts ay napilitan siya. Kumuha na lamang siya ng scholarship para na rin kayanin niya ang bayarin sa paaralan.

Nagkamot siya ng kilay. "Manong wala pa po, eh. Pasensya na po. Transferee po kasi ako."

"Naku! Hindi p'wede 'yang ganiyan. Kailangan may I.D. ka. Hindi ka makakapasok," iritable nitong tugon.

"Manong, transferee nga po ako. Wala pa 'kong I.D. Mamaya po magpapagawa ako sa AVR, promise," pakikiusap pa niya. Nagrereklamo na rin ang mga kasunod niya kaya naman gusto na rin niyang nakaalis doon.

Napakamot na ng batok si manong. "Eh, hindi nga p'wede. Akong mapapagalitan nito. Dapat kasi nagpagawa ka ng no'ng enrolment."

Napairap na lang si Kim. Ayaw sana niyang sumagot pero hindi siya makakapasok 'pag nagkataon.

"Manong, transferee nga po ako. Paano naman ako makakapagpagawa ng I.D. kung 'di niyo ko papapasukin? May pagawaan ba rito sa gate?" hindi na niya napigilan ang sarkasmo.

"Makulit ka rin, eh. Nabasa mo ba 'to? No I.D. No Entry," anito sabay turo sa nakapaskil sa gate.

Sasagot pa sana si Kim nang may lumapit na lalaki sa kanila.

"Manong Jerry, ano pong problema?" nakangiting sabi ng kararating na lalaki.

Maputi ito at hindi katangkaran, naka-brush up ang buhok kaya naman kita ang makinis nitong mukha, makakapal na pilik at kilay na bumagay sa maganda nitong mga mata, matangos na ilong at mamula-mulang mga labi. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, tipikal na unipormeng pinarisan ng itim na sapatos.

Ay guwapo!

"Ito kasing babaeng ito, Josh. Nagpupumilit pumasok. Wala namang I.D.," paliwanag ng guwardya.

Napairap na ang dalaga sa inis. " Eh, manong, transferee nga po ako. Malay ko bang bawal pala kahit first day. Magpapagawa naman ako mamaya after class, eh. Gusto mo, pagawan mo 'ko sa loob ako magbabantay rito?"

Napangiti si Josh sa inasta ng babae. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng palaban at hindi pabebe sa paaranlang ito.

She's different.

"Eh, bawal nga. Bawal," ayaw magpatalo ni manong.

"Kahit may valid reason?" paghahamon ni Kim.

Sasagot pa sana ang guwardya nang pigilan siya ni Josh. "Ako na po. Sasamahan ko na lang siya sa AVR." Ngumiti ito at tumingin sa mamahalin nitong relo. "Puwede naman akong mag-excuse. Ako ba pong bahala sa council."

Tumango na lang ang guwardya at hinayaan silang makaraan.

Walang nagawa si Kim kung hindi sumunod kay Josh paakyat ng admin building.

Tahimik silang naglakad hanggang sa nabagot na si Kim. Tumikhim muna siya bago nagsalita habang nakasunod kay Josh. "Saan tayo pupunta?"

Nag-antabay ito sa paglalakad at lumingon sa kaniya. "Sa AVR. Magpapagawa ka ng I.D."

"Mamaya na lang siguro. Maabala pa kita," aniya bago huminto.

Napahinto na rin si Josh at seryosong tumingin sa kaniya. "You should do it now. Malalagot ka kay President 'pag nakita ka niyang walang I.D."

"President?" naguguluhan niyang tanong.

"Yeah. President ng Student Council. Walang patawad iyon. Kaya if I were you, I'll do it now," pagbabanta nito.

Ay. Ano 'to, Hell University? As if takot ako!

"Fine. Thank you pala," sabi ng dalaga.

Nagpatuloy nang lumakad si Josh kaya sumunod na rin si Kim. Bukod sa nabahala siya sa banta nito ay hindi naman niya alam ang pasikot-sikot sa unibersidad

"Thank you saan?" he smiled sweetly.

"Thank you for saving me kanina."

"That's nothing," sagot ng binata."By the way, I'm Josh Cullen. You can call me baby if you want." Naglahad ito ng kamay na tinanggap naman niya agad.

Guwapo nga pero parang malandi naman!

Napataas siya ng kilay kaya naman agad dinugtungan ng binata ang sinabi niya. "Just kidding. Josh na lang".

"Laude," she smiled as she straightly looked at him.

Nakasanayan na s'yang tawaging Kim. Pero dahil bagong lugar, bagong tao, bagong paligid, gusto niyang baguhin ang pagkakakilanlan niya.

Gusto niyang magbago para makatakas sa pinagdaanan niya. Gusto niyang magsimula. Bagong Laude. Mas matatag. Mas matapang. Walang makakaapi o makakatibag. Dahil hindi na siya si Kim, mahina, iyakin at laging tinatapakan.

Siya na si Laude, ang isa pang katauhang nagtatago sa kaniya.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon