Dinner time na pero wala pa rin sa mood ai Kyzha. Kumakalam na ang sikmura niya pero hindi nagpatalo ang pride niya.
Ilang beses siyang na-tempt sa naamoy niyang pagkain pero nagpunta siya sa dalampasigan at doon nag-stay.
Napalingon siya sa dumating. May dala itong plato ng pagkain at inilapag sa buhanginan sa harap niya.
"Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Pinabibigay ni Ken. Alam niyang hindi mo kukuhanin kung siya ang mag-aabot," paliwanag ng binata.
Umirap siya. "What made you think na kukuhanin ko kung ikaw ang mag-aabot, Jah?"
Naupo ito sa tabi niya. "Kasi alam kong gutom ka na. Kanina pa nag-aalala sa 'yo sina Jhoana at Pablo."
Napangisi si Kyzha. "Sa tingin mo mapapatawad ka ni Jhoana dahil binigyan mo ko ng pagkain?"
"No," walang gatol nitong tugon. "Peto at least may time akong masabi sa 'yo na walang kasalanan si Ken. Hindi naman maging sila ni Sofia."
"Wow! Ano ba 'yang sinasabi mo, Jah? Hindi naging sila? Eh lumabas na nga 'yong totoo. Ano, sinasabi mo 'yan para pati ikaw malinis 'yong pangalan dahil pinagtakpan niyo 'yong kagaguhan niya?" walang hinto niyang sagot.
Kumuha si Jah ng bato at inihagis ito sa dagat. "Pa'no ka naman nakasigurong totoo nga 'yong sinabi ni Sofia nang gabing 'yon? Bakit hindi mo muna kasi pinakinggan si Ken. Ikaw 'yong mahal niya at hindi ka niya lolokohin."
Hinarap niya si Jah. "Kahit naging sila man o hindi, hindi no'n mababago 'yong katotohanang nandoon siya nang gabing may mangayri kay Laude! Nadoon kayo, kaya paano mo maipapaliwanag 'yon?!"
"That's another story. That's why you should listen to him, to us. Hindi naman porque 'yon ang nangyari, 'yon na ang totoo. Why don't you all give us a chance to defend ourselves?!" napataas na ang boses ni Jah.
"Nandito ka lang pala. Kumain ka na. Akong nagluto nito, 'wag kang mag-alala," ani Laude na sumulpot mula sa likuran nila. May dala itong pinggang may lamang pagkain. "Alam kong gutom ka na."
Isa sa pinagpapasalamat ni Laude ay medyo nasasanay na siya sa dilim. Medyo kaya na niyang tumagal basta mayroon siyang kasama. Kahit minsan ay naaalala pa rin niya ang nangyari ay nakaka-move on na siya ng bahagya.
Agad tumayo si Kyzha. "Thanks, Ate Kim." Tinanggap niya ang pagkain at niyaya si Laude palayo kay Jah. Pumwesto sila malayo rito at doon kumain.
Ilang sandali pa ay dumating na ang ibang babae. May dalang mga kahoy ang mga ito.
"Hi!" bati ni Jea.
"Para saan 'yan?" Turo ni Kyzha sa mga kahoy na dala nila.
"Gagawa tayong bahay," pamimilisopo ni Jhoana. Agad siyang inirapan ng kakambal kaya naman nag-peace sign ito saka tumawa. "Charot lang! Gawa tayong apoy. Medyo malamig dito, eh."
Sinimulang isayos nina Louise at Kyra ang kahoy at sinubukang gumawa ng apoy. Pero nakailang subok na sila ay namamatay ito dahil sa hangin.
"Ayaw talaga. Letseng kahoy 'to! 'Pag ito hindi nagliyab itatapon ko 'to sa Mars," reklamo ni Louise.
"Kasalanan pa ng kahoy?" bara naman ni Jea.
"Oh, 'di ikaw ang magpaapoy! Kala mo naman madali!" inis na sabi ni Louise.
"Akina nga!" pagyayabang ni Jea. Pero nakailang subok siya pero bigo rin siya.
"Nakayari na ko ritong kumain. Ano, matutuloy pa ba? Baka abutin na tayo ng bukas rito?" tumatawang sabi ni Kyzha habang inilalapag sa buhanginan ang pinagkainan.
"Mahirap pala talaga. Akala ko madaling gumawa ng apoy," sabi naman ni Kyra na ibinato na ang isang piraso ng kahoy. "Magsisindi tapos mamamatay rin."
"Ako na, bal."
Napalingon sila kay Stell. Naglalakad ito palapit sa kanila. Wala silang nagawa kung hindi ang ipaubaya rito ang pagpapaapoy.
"Kasi dapat may tiyaga. Tapos 'pag nagsisimula na 'yong apoy, 'wag papabayaan. Kahit may hangin pa dapat bantayan mo at labanan ang hangin para lumiyab. Parang love, dapat iniingatan, inaalagaan, at pinanghahawakan. Kahit may bagyo pa, kung talagang mahal mo, lalaban ka," sabi nito habang nagpapaapoy.
"Kyra, ilayo mo sa akin 'yang boyfriend mo. Baka mabalatan ko 'yan ng buhay," singit ni Laude.
"Ay, grabe siya! Sure ka na riyan?" pagbibiro ni Stell. Nakatanggap agad siya ng nagbabantang tingin. "Joke lang. Sabi ko nga titigil na."
Hindi sila naghintay ng matagal ay nakapagpaapoy na si Stell.
"Yehey!" masaya nitong sabi.
"Thank you, bal. Ang galing mo talaga," nakangiting sabi ni Kyra sabay yakap kay Stell.
"Respeto sa walang jowa," sabi naman ni Jhoana kaya naman nagtawanan sila.
"May jowa ka naman. LQ nga lang kayo," sabi naman ni Jea.
"Bakit, mayroon ba rito na hindj LQ bukod kay Kyra?" hirit ni Jhoana.
"Ano, pustahan? Kay Jea ko," pagbibiro ni Louise.
"Kay kambal ako," sakay naman ni Kyzha.
Nagtawanan sila hanggang sa may maiisip si Louise. "Spin the bottle tayo?"
"Pass," sabi ni Laude. Medyo lumapit siya sa apoy lara mabawasan ang panlalamig niya.
"Game!" sabay-sabay namang sabi ng iba.
"Kayo na lang," sabi ni Laude na nahiga sa buhanginan at tumingin sa langit. Isa ito sa na-miss niyang gawin simula nang matakot siya sa dilim. Madalang niyang makita ang kalangitan. Pero dahil sa isang tao ay nagawa niya ulit masilayan ang ganda ng langit tuwing gabi. Nang dahil sa kaniya, unti-unting nalabanan niya ang mga takot niya. Pero hindi niya akalaing ito ang magiging dahilan ng poot sa puso niya.
Naalarma siya nang may presensyang naupo sa tabi niya. "Na-miss kong tingnan ang langit kasama ka."
Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Pero kasabay nito ay ang punyal na parang tumutusok sa damdamin niya.
Hindi niya ito kinibo at nanatili lang na nakatingin sa langit.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang dumating na rin ang iba pero pumwesto ito medyo malayo kina Kyzha. Pero ramdam ang presensya nang mga ito. Tila ba gusto ng mga itong lumapit sa gawi nila.
Kinuha niya ang cellphone niya at isinalpak ang air pods sa tainga niya. Ayaw niyang pakinggan ang lalaki sa tabi niya. Gusto niyang makapag-isip at magkaroon ng katahimikan kahit panandalian lang. Gusto niya munang makalimot.
Sa kabilang banda, huminto ang bote kay Kyzha.
"Truth or dare?!" tanong ni Jea.
"Dare," matapang nitong sagot.
A/N
Yahoo! Pasensya na at ngayon lang nakapag-UD. I had so many things to do kaya medyo inuna ko 'yon. HIHIHIHI Anyway, I'm back. Gusto ko sanang matapos ang story ko no'ng 15, pero hindi talaga kaya. HAHAHAHA Belated happy monthsary pala sa "How to Deal with an Idol!" 17 na, 15 dapat iyon, WHAHAHAHHAHA kaya lang ngayon lang ako nakapag-UD. Sana natandaan niyo na ang plot ng story. WHAHAHAHHAHA 'yon langs. Sana kumain na kayo.
🌾
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...