KABANATA 52

47 9 42
                                    


Maagang natapos ang party nang nagdaang gabi.

Dahil sa nangyari ay hindi nagpansinan sina Ken at Kyzha habang kabaligtaran naman sina Louise at Josh na halos hindi na napahiwalay. Tahimik namang naki-party sina Jhoana at Jea kasama sina RJ at Jah sa isang sulok habang maagang natulog si Kyra kaya mag-isa si Stell sa isang stool. Sa isang lamesa naman ay ang away bating sina Laude at Pablo.

Kinaumagahan ay maagang gumising ang lahat. 10 Am ang simula ng kasal kaya naman kailangan nilang gumayak ng maaga upang hindi mahuli sa kasal.

Isa-isang naligo at inayusan ang girls ng make-up artist na pinadala nina Japs. Kasalukuyang inaayusan si Jea at Jhoana habang sina Kyra at Louise ay tapos na.

Isasalang na rin sana si Laude pero natapunan siya ng liquid foundation sa kamay kaya kinailangan niyang magpunta sa banyo para maghugas.

Doon niya naabutan si Kyzha na nagsusuka sa lababonat namumutla. Kaliligo lang nito. Nakasuot pa ito ng white robe at nakalagay pa ang towel sa ulo.

"Ayos ka lang?" tanong niya rito.

Umayos ito ng tao at kinalma ang sarili. "Yeah." Naghugas ito ng kamay.

"Kung hindi maganda 'yong pakiramdam mo, p'wede ka namang magpahinga na lang."

"Nice. Concerned, girlfriend?" pagdidiin nito sa huling salita bago tuluyang lumabas. Napailing na lang si Laude ay naghugas na ng kamay.

Tulad nang napausapan ay sa venue na lang sila magkikitakita. May malaking garden sa ancestral house kung saan gaganapin ang kasal.

Kapansin-pansin ang ganda mg ayos ng paligid. Napapalamutian ito ng pinaghalong puti at rose gold na kulay dahil ito ang motif. Maging ang mga upuan at kurtinang nakalaylay na sumasabay sa hihip nh hangin ay ganoon din ang kulay. Nakadagdag din ng ganda ng paligid ang rosas na puti, pula at pink. May red carpet sa gitna kung saan daraan ang kasali sa kasal at arko sa gitna na puno ng puti at pulang rosas kung saan maaring magpa-picture.

Lahat sila ay ginawang abay nina Japs. Bukod sa mga kabanda nitong The Juans na kapares ang mga girlfriends nito ay isinama na rin sila dahil napalapit na rin ang mga ito nang mag-perform sila minsan.

Si Jea ay kapareha si RJ, si Chael at si Coleen, si Josh at ang asawa nito, si Carl at si Jerica, si Louise at Josh,  Jhoana at Jah, Ken at Kyzha na magkaaway pa rin, Laude at Pablo at Kyra sa Stell. 'Yong kapatid ni Japs naman ang magiging best man habang ang maid of honor ay hindi pa nila nakikita.

Pinaayos na sila ng pila dahil ano mang oras ay magsisimula na.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang wedding march. Naunang naglakad si Japs. Nakasuot ito ng puting coat at puting sapatos. Sinundan naman ng kapatid niya na pareho rin ng kulay ang suot.

Sumunod dito ang bible, ring at coin bearers na nakaputi rin ng coat at sinundan ng flower girls na rose gold naman ang mga gowns. Sa huli nito ay si Jana na masayang inihahagis ang mga talulot ng rosas.

Sumunod naman kay Jana ang mga ninong ang ninang na may suot ng puti at rose gold na damit. Susundan naman ito ng mga abay na nakasuot ng cream sa lalaki at rose gold din sa mga babae na may iba't ibang tabas habang may hawak na bungkos ng pula at sariwang rosas.

Lumakad na si Chael at Coleen pagkatapos nito na sinundan naman nina Josh at nang asawa niya.

"Hi, Kenny," maarteng sabi ni Jerica kay Ken na nasa likod lang nila. Hindi siya pinansin nito kaya naman dumikit ito sa binata. "Bakit ayaw mo 'kong pansinin? Hindi mo ba nagustuhan 'yong kagabi?"

"Shut up! Layuan mo ko kung ayaw mong magkagulo rito," banta ni Ken.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin ni Kyzha.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon