KABANATA 78

43 6 43
                                    

Prenteng nakaupo si Laude sa sasakyan. Tulad ng inaasahan ay nag-text ang may pakana at pinapunta sila nina Pablo.

Walang nagsalita sa kanila habang nasa byahe. Tulad ng napag-usapan sumama sa kanila si Stell habang naiwan ang iba sa music room para kung sakaling makabalik sina Kyra. Tumawag naman ng tulong sina Josh at RJ.

Kabado sila habang palapit sa lugar na t-in-ext sa kanila.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang sinasabing lugar. Abandonadong kamalig iyon na malayo sa kabihasanan.

"Ang creepy naman dito," komento ni Stell bago bumaba ng sasakyan.

Bababa na rin sana si Laude nang pigilan siya ni Pablo. "Kami na lang."

Sinamaan niya ito ng tingin bago sumagot. "Tingin mo mauupo na lang ako rito habang nandoon ang pinsan ko?!"

Napabuntong hininga na lang si Pablo saka hinayaan siyang bumaba.

Naglakad sila papasok sa gate. Hinawakan ni Pablo ng mahigpit ang kamay ni Laude. "'Wag kang lalayo sa akin, mahal. Makakapatay ako 'pag may nangyari sa 'yo," bulong nito.

*Hindi naman ako ang kailangan niya," sabi niya sanay irap dito.

"Ano maghaharutan na lang kayo riyan? Ako na lang papasok mag-isa?" basag ni Stell sa kanila.

Lumakad na sila at pumasok ng tuluyan pero bago pa sila makapasok ay may baril na nakatutok sa kaniya.

"Ikaw?" gulat na sabi ni Pablo.

Tumawa ang babae. "May iba pa ba?"

"Nasisiraan ka na. Nasaan si Kyra?" galit na sabi ni Stell.

"Aww. Si Kyra ba? Nandoon natutulog," sabi niya na nakatutok pa rin ang baril. May kasama pa itong dalawang lalaki na may hawak din na baril. "Dalawa lang ang kailangan ko, tatlo kayong dumating. How sweet," pang-aasar pa nito.

"Andito na ko, pakawalan mo na sila," sabi ni Laude.

"Sino may sabing ikaw ang kailangan ko? Ano naman ang gagawin ko sa 'yo? Aww, 'yung ebidenya pala na sa 'yo," anito. Muli nitong itinutok ang baril sa kanila. "Pasok!"

Wala silang nagawa kung hindi pumasok sa loob ng kamalig. Agad pinindot ni Pablo ang mensaheng naihanda na niya kanina para kay Josh. Ito ang go signal para sumunod sila.

Nakita nila sina Kyra at Jea na nakatali. Agad na tumakbo si Laude para kalagan ang mga ito pero napahinto siya ng may baril na tumutok sa ulo niya.

Tumawa ito saka inalis ang baril. "Laude, may kinatatakutan ka rin pala? Oh, takot ka nga pala sa dilim, kaya nga takot na takot ka no'ng gabing iyon."

Ngumisi si Laude. "Alam kong may nagpadala sa akin no'n. Pero hindi ko alam na ikaw pala."

Muli itong humalakhak. "Hindi mo ba in-expect? Masakit bang hindi piliin?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Masakit. Alam na alam mo kasi hindi ka rin naman pinili hindi ba? Kaya nga nagkakaganiyan ka, kasi hindi ka pinili."

Mapait itong ngumiti. "Tama. Kaya kung hindi rin naman ako pipiliin, wala siyang mapipili kahit na sino!"

"Kaya ba na-set-up mo ko? Dahil may alam na 'ko tungkol sa pagkatao mo?" singit ni Jea na nagising na. Maging si Kyra ay nagising na rin.

"Oh, nagising na ang sleeping beauty. Tama ka. Alam kong alam mo na ang pakay ko sa pagbalik ko. Kaya kailangan kitang alisin sa landas, kaso hindi ko alam na magaling pala 'tong pinsan mo. Nalaman agad ang sikreto ko," anito na tinutukan ulit ng baril si Laude. "Ops, nakalimutan ko, ako ang nag-post ng pictures, ako rin ang nagpapadala ng pictures kay Ate CJ, at ako rin ang nagbigay ng recording kay Sofia."

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon