"Anong palabas 'yon? Alam mo ba kung anong ginawa mo?" halos manlisik ang mata ni Sofia sa sobrang inis.
Lahat ng nasa music room ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Sofia maging sa ginawa nito.
Ramdam naman ni Laude ang hapdi sa kaliwang pisngi niyang tinamaan ng palad nito.
Napangisi siya at seryosong tiningnan ang kaharap."Anong problema mo?"
"Ikaw anong problema mo? Kailangan talaga gumawa ka ng eksena ro'n?" gigil na sabi ni Sofia.
Akmang sasampalin ulit ni Sofia si Laude nglang salagin niya ito at mahigpit na pigain ang kamay niya. "Nakaisa ka na. Masyado naman yata kung sasampal ka pa ulit," easy niyang sabi.
Pabalipag niyang binitiwan ang kamay ni Sofia na agad ininda dahil sa diin ng pagkakahawak niya. Hindi pa siya roon nakuntento at sinampal niya rin ito sa pisngi, hamak mas malakas ng sampal nito sa kaniya.
Ngumisi si Laude. "Ganyan ang sasampal. Dama hanggang kaluluwa."
Hindi agad nakabawi si Sofia dahil sa pagkabigla. Hindi niya inaasahang lalaban ito dahil simula nang nag-aral siya sa university na iyon ay wala oang nagtangkang labanan siya.
Hindi pa siya natuwa at sinampal niya naman ang kabilang pisngi nito na pareho sa lakas ng una niyang ginawa. "'Yong una, para sa pananampal mo sa akin. 'Yan para sa pangit mong ugali. Susugod ka rito nang 'yon lang ang dala mo? Weak."
"Guys, awatin niyo. Kuya Pablo, si Ate Kim," sabi ni Jea.
Pero bago pa man niya ito masabi ay nakalapit na si Pablo sa mga ito. Maging ang ibang boys ay nakalapit na rin para awatin sila.
Pigil ni Josh ang pinsan niyang si Sofia habang si Pablo ay nakaawat na kay Laude.
"How dare you!" ani Sofia na lalaban sana pero pinigilan ni Josh.
"Fia, tama na!" galit nitong sabi.
"What? Ako pa ang aawatin mo, Josh? Didn't you see her? She just slapped me twice!" galit na galit nitong sabi.
"Ikaw ang nauna. Pinatulan ka lang ni Ate Kim," pagtatanggol ni Jhoana.
"Shut up! Talagang pagtutulungan niyo 'ko? Ikaw, masyado kang mapapel! Mang-aagaw ka!" sigaw niya kay Laude.
Napangisi si Laude. Inalis niya ang pagkakayakap ni Pablo sa kaniya dahil sa pagpigil. "Talaga? Wala akong inagaw, Sofia. Kasi wala namang sa 'yo!"
"Bitch!" ani Sofia at hahablutin sana ang buhok i Laude, pero humarang si Pablo at galit siyang tiningnan.
"Stop it! Don't you dare hurt her," mahina pero may diin nitong sabi na nagbigay ng kilabot kay Sofia.
"Really? Stop using her! I know you're using her to make me jealous!" deklara nito.
Napahinto siya nang isang malakas na sampal ulit ang dumapo sa kaliwang pisngi niya.
"Gising ka na ba? Stop dreaming, bitch!" nakangising sabi ni Sofia.
"Girlfriend, stop it, please," pagkiusap ni Pablo.
"See? Concerned ka pa rin. Now, tell me I was wrong. Oh! Nakalimutan ko, hindi mo nga pala mahal 'tong babaeng 'to," confident pang sabi ni Sofia.
"Tama na, Sofia. Mag-move on ka na," sabi ni Ken. Pero hindi ito pinansin ng una.
"Sofia, go home, now! Let's go, nakakahiya ka," sabi ni Josh na balak na siyang kaladkarin.
Nagpumiglas naman sj Sofia. "Wait. Just this one."
Lumapit ito kay Laude at kinuha ang cellphone sa bag.
"Don't be too happy, Laude girl. Hindi ka niya mahal."
"Ano bang sinasabi mo?" galit na sabi ni Laude. Nakuyom niya ang palad niya at handa ng sapakin ito ano mang oras.
Pinindot nito ang cellphone niya at nagulat ang lahat sa narinig. Usapan iyon ni Stell at Pablo na halatang ni-record ng palihim.
"Sa'n kayo galing ni Laude?"
"Sa canteen kumain."
"Huwarang boyfriend ka na niyan?"
"Gago!"
"I heard dinala mo siya ro'n? Totoo ba?"
"Yeah."
"Naks! Hindi mo naman dadalhin do'n kung wala lang, boyfriend?" tumawa si Stell.
"Tsismoso ka."
"Mahal mo?"
Ilang sandaling naging tahimik bago narinig ang buntong hininga ni Pablo at sumagot.
"No. Never."
Biglang naputol na ang recording. Parang piniga ang puso ni Laude. Hindi niya in-expect na pagkatapos magtapat ni Pablo sa kaniya nang gabing iyon ay kasinungalingan pala iyon lahat.
Naniwala siya. Umasa. Nagtiwa. Pero parang nabaliwala lahat ng iyon.
"Wait. It's not like that. Let me explain, mahal," ani Pablo na niyakap siya at halos magmakaawa na.
Pinunasan niya ang luha niyang hindi niya namalayang tumulo na.
Kumawala siya rito at tiningan niya ito sa mga mata.
"Mali 'yong iniisip mo," anito.
She bitterly smiled. "Yeah. Mali. Mali lahat ng inisip ko."
Humakbang siya palihis dito at tinahak ang daan palabas. "Jea, uwi na tayo. Sasabay ka ba o kailangan pang tamaan ka sa akin?" banta niya.
"Hatid ko na kayo," offer ni RJ.
"May sasakyan kami," malamig na sabi ni Laude bago tuluyang lumabas.
Walang nagawa si Jea kung hindi sumunod na lang sa pinsan.
"Siraulo ka na ba? Bakit mo ginawa 'yon?" galit na galit na sabi ni Pablo kay Sofia.
"Because I know you still love me, love," maarte nitong sabi.
"Stop it, Sofia! Tara, umuwi na tayo," sabi ni Josh na kinaladkad na ang pinsan palabas.
Naging tahimik ang mga naiwan. Walang gustong magsalita dahil sa takot kay Pablo.
A/N
Ito muna. HIHIHI Mamaya ulit. Kagigising ko lang hahahhaa puyaters ako kagabi eh. Anyway, I hope you're all doing fine. 😘
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...