KABANATA 79

27 5 16
                                    

Natapos ang buong lingo nang maayos. Idinala si Nica sa isang psychologist at doon ipina-counsel dahil sa sobrang obsession niya kay Stell.

Nasa kalagitnaan ng rehearsal ang boys nang may tumawag kay Jea. Lumabas siya dahil maingay bago sinagot ang tawag.

"Hello, sino 'to?" aniya dahil hindi nakarehistro ang numero.

"Hi, Jea. Miss me?" anang boses ng lalaki.

"Ay! Gago ka! Bakit ka tumawag? Saan mo nakuha ang number k?" takot niyang tanong.

"Easy. Ang dami mo namang tanong. Parang wala naman tayong pinagsamahan niya," sagot ng lalaki.

Napahawak siya sa sintido niya. "What do you want?"

"You?" sagot nito.

"Come on! Hindi ako nakikipagbiruan. Busy ako," inis niyang sabi.

"Wow! Parang dati lang kinikilig ka pa sa akin. May bago na ba?" pang-aasar nito.

"Gago! Lubayan mo ko ha! Malalagot ka talaga kay Ate Kim!" banta niya.

"Ako? O ikaw?" pananakot nito.

"Fu*k you!" inis niyang sabi bago pinatay ang tawag.

"Sino 'yon? Bakit parang galit na galit ka?" takang tanong ni Laude. Kalalabas lang nito at nagtataka siyang tiningnan.

"W-Wala, Ate Kim. Wrong nunber yata," sabi niya bago pumasok sa loob.

Napailing si Laude at pumasok na rin sa loob. Naupo siya sa sofa kung saan nakaupo si Jhoana. Busy ito sa cellphone niya hanggang sa makatanggap ito ng text.

From: +639908380838
May alam ako na hindi mo alam. Gusto mo bang malaman?

Napakunot ang noo niya. Hindi niya malaman kung may nangloloko ba sa kaniya o nagpa-prank. Tumingin siya sa paligid pero walang palatandaan na isa sa kanila ang nagpadala ng mensahe.

Nagre-rehearse ng kanta ang boys, habang magsusulat sina Kyzha at Louise. Nagd-drawing naman si Kyra habang nakatulala si Jea.

"Sino 'yan?" pasimpleng tanong ni Laude.

Nagdalawang isip pa si Jhoana kung ipapakita ba niya iyon pero pinakita rin niya sa huli.

"'Wag kang nagpapaniwala sa ganiyan. 'Pag ba sinabing violet ang kulay ng orange maniniwala ka? Baka maulit lang 'yong nangyrai kina Kyra," anito na tumayo na. May dala itong inumin at ibinigay kay Pablo na kayayari lang mag-rehearse.

Wala siyang nagawa kung hindi ang lapitan na rin si Jah at bigyan din ng tubig.

"Queen, bakit ako hindi mo binigyan ng tubig? Hindi ka man lang maging sweet," reklamo ni Josh na lumapit kay Louise at yumakap rito.

"May kamay ka naman. Busy ako," sagot ni Louise.

"Aww, kawawang Joshie," pang-aasar ni Stell.

"Dre, lalabas kami ni Zen mamaya. Ayos lang ba?" pagpapaalam ni Ken.

"Just make sure she'll ve home before eight," deklara ni Pablo.

"Ang bilis naman," reklamo ni Ken.

"Ihatid mo siya before eight or 'wag na kayong mag-date?" taas kilay na tanong ni Pablo.

"Oo na. Before eight," talunang sabi ni Ken.

"Sweety, p'wede rin tayong lumabas?" masiglang sabi ni Jah. Tumabi ito kay Jhoana at nilaro ang mga daliri nito.

Agad naman ngumiti si Jhoana at tumango.

"Mag-ingat kayo, Ken, Jah. Baka may press. Yari kayo sa akin 'pag na-bash 'yang mga kapatid ko," banta ni Pablo.

"Kaya pala ako ayos lamg na na-bash," ani Laude bago ito inirapan.

"Hey!" Lumapit si Pablo at naupo sa tabi niya. "I can protect you from them. Besides, ayos naman na sa kanila."

"Same as what you did for me before?"

Napalingon ang lahat kay Sofia na bigla na lamg pumasok sa loob ng music room. Nakasuot ito ng short shorts at balck crop top.

"Ano na naman ba 'to, Fiya?" inis na tanong ni Josh.

Napangiti si Sofia. "Hey, cousin. Aren't you supposed to thank me? I just save their lives."

Hindi sila nakakibo. "Thanks," si Stell na ang nagpasalamat.

"How about you, Laude? Didn't you know how to say thank you?" maarte nitong sabi.

"Why? Did you save my life nor my cousin's life?" sarkastiko nitong sabi.

"I just saved your friends life," giit nito.

"Really? Nandoon ka ba? Niligtas mo ba sila? Baka naman kasabwat ka kasi alam mong nawala si Kyra?"

"Kayo na nga itong tinulungan, kayo pa ang matapang?"

"Wow! Anong naitulong mo? Kahit hindi mo nakita si Kyra, tatawag si Nica kay Stell," diin ni Laude.

"Mahal, tama na. You're too harsh," saway ni Pablo.

"Ako pa ang harsh? I'm just stating possibilities here. Don't be too obvious that you're defending her!" inis niyang sabi sabay tayo at labas ng kuwarto.

"Fiya, please lang, umalis ka na. Lagi na lang may gulo 'pag nandito ka," pakiusap ni Josh.

Masama ang loob na lumabas na rin si Sofia ng music room.

Maagang pinalabas sina Laude. May rehearsal pa ang boys pero dahil badtrip siya ay hindi niya binalak na manood. Tinungo niya ang gate ng university at nagpasyang maglakad na lang dahil maaga pa naman.

Huminto muna siya sa park nang makaramdam siya ng pagod. Naupo siya sa swing at doon nagmuni-muni.

Bad trip ka naman, Braces! Bakit ba lagi ko na lang 'tong nararamdaman? Hindi ba p'wedeng kalimutan na lang ang nakaraan? Bakit ba hindi pa maka-move on ang dikyang 'yon?

Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang may maramdaman siyang nakatingin sa kaniya.

Napatayo siya sa swing at iginala ang paningin. Hindi siya maaring magkamali, may nakatingin sa kaniya.

Natutop niya ang bibig niya nang makita kung sino 'yon.

Gago! Bakit nandito siya?

Kabado siyang humakbang ng mabilis nang maramdamang palapit ito. Dumoble ang paghakbang niya dahil alam niyang siya ang pakay nito.

Shit!

Bumilis ang pagkilos niya. Hindi na niya nakikita ang dinadaanan niya dahil sa madalas niyang paglingon sa likod dahil sa takot na maabutan ito.

Napainda siya nang may mabunggo siya. Napasalamapak siya sa lupa at medyo mahilo siya.

Nangilid ang luha niya nang iangat niya ang paningin niya at makita kung sino ang nakabangga niya.

A/N

Oo na. Pabitin na. HAHAHAHA tanggap ko na po iyon mga mare. Anyway, may next UD pa. HAHAHA wait lang at ako'y medyo maraming ginagawa. Adios.








HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon