KABANATA 19

52 10 31
                                    

Last day na ng exam sa university. Hanggang ngayon ay napapailing pa rin si Laude sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Pabalik sina na sila sa classroom nila. Galing sila sa canteen para sa kanilang meryenda. Magkasabay sila ni Louise habang nagliligawan namang nakasunod sina Stell at Kyra.

"Laude, pahiram naman ng notes mo sa Entreprenuership. Hindi pa 'ko nakakapag-review ro'n," ani Louise nang makapasok sila sa classroom.

"Ang tamad mo kasing magsulat tapos 'pag exam sa akin ka aasa?" taas kilay niyang sagot.

Nagpapadyak naman si Louise. "Isang subject lang naman, mare. Napakadamot mo!"

Nagkibit balikat lang siya at nagpatiuna na sa puwesto nila. Sumunod naman si Louise, Kyra at Stell.

"Oy! Ano 'yan?" pansin ni Stell sa nakapatong sa arm chair ni Louise.

Agad nilang tiningnan iyon. May bulaklak na nakapatong sa isang maliit na kahon na kasing laki ng notebook.

"Ayyyyeeeiiiiih! May admirer!" sabay na kantyaw ni Kyra at Stell.

Wala namang ideyang kinuha ito ni Louise at binuksan ang kahon. May laman itong chocolate at maliit na note.

Hi! I hope you're smiling while reading this because your smile completes my day. -J

"Pengeng gunting, Kyra. Gugupitan ko lang 'to," mataray pero pabirong sabi ni Laude.

Malapad ang ngiti namang inirapan siya nito. "Inggit ka lang!"

"As if mahilig ako sa ganiyan. Mas okay sa akin 'yong libro, pagkain, o kaya pera na lang. Hindi mo naman magagamit 'yan. 'Pag nalanta 'yan wala na," sagot ni Laude.

"Bitter mo, Laude. Gusto mo ireto kita sa mga kaibigan ko?" suhestyon ni Stell.

"Buti kung pumasa 'yan sa mga kaibigan natin. Hindi papatol 'yon sa mga lalaki," biglang sumingit si Pablo sa usapan. Kapapasok lang nito sa loob at padabog na naupo sa upuan niya. Kinuha nito ang cellphone niya saka isinalpak ang air pods niya.

"Epal ka talaga, braces. Selos ka lang yata eh," side comment niya.

"I heard you! I'm not jealous. I'm just stating a fact."

Ay hayop na braces! Narinig ako? Ano 'yung air pods niya, display?

"Nice, may bulalak. May suitor ka?" bungad ni Ken na kapapasok lang rin. Kasunod nito sina Josh at Jah.

Medyo naalarma si Stell kaya naman hinawakan niya ang kamay ni Kyra. ""Possessive, dre?" sabi ni Ken.

"Oy! Sana all may chololate at flower. Kanino galing 'yan?" singit naman ni Jah na papunta sa upuan nito.

"Sa suitor niya," sabi ni Laude.

"Sana all ba?" hirit na nang-aasar na naman si Jah.

Ngumiti si Josh at nilapitan si Laude. "Hindi naman niya kailangang mag-sana all. Andito naman ako. I can give her tons of chocolates and dozens of flowers."

Nagsigawan ang mga kaklase nilang nakarinig sa banat ni Josh.

"Umayos na raw kayo. Nag-text sa akin si Miss Luna. Dapat daw ay nakaayos na pagdating niya," cold na sabi ni Pablo na inalis ang earpods at nilabas ang ballpen niya.

Biglang tumahimik ang paligid at umayos na lang sila sa kani-kanilang upuan.

Nayari ang exam at tulad ng nakasanayan ay sabay-sabay silang kakain sa cafeteria. Gaya nang nakagawian ay pi nagdikit nila ang dalawang mahabang lamesa upang magkasya sila.

Magkakatabi sina Ken, Kyzha, Jah, Jhoana at Jea sa bandang kanan habang sa kaliwa naman sina Luoise, Kyra, Stell, Josh at Laude.

Kauupo pa lang nang may tumawag kay Jhoana.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon