SPECIAL CHAPTER 2

33 6 16
                                    

"Zen, matagal pa ba?" inip na tanong ni Jhoana. Nakaayos at nakabihis na ito para sa kasal.

Umirap si Kyzha. "Madaling-madali, Jhoana? P'wedeng relax ka lang?"

"Baka ma-late na tayo. 3 pm start, 2:50 na," ani Jhoana.

"Mauna ka na. Inaayos ko pa 'tong lipstick ko,aarteng sagot ni Kyzha.

"Kanina pa tayo tapos ayusan ng make-up artist. Nakatapos na rin 'yung pictorial," dagdag pa ni Jhoana.

"Susunduin naman tayo kung magsisimula na," baliwala nitong sagot.

Nakapamaywang na si Jhoana. "Nakakahiya kung magpapasundo pa tayo."

Napairap ulit si Kyzha. "Mauna ka na kung gusto mo, kambal. Excited makita si Jah?"

"Nagsisimula na po ang entourage," bungad ng isa sa mga wedding organizers kaya naman napatayo na si Kyzha at napangiti.

"Papunta na," anito saka nginitian si Jhoana.

Nagsisimula na nga nang dumating sila sa venue. Si Jea na ang naglalakad sa altar suot nito ang puti nitong gown.

Iginala ni Jhoana ang paningin niya. Nakapuwesto na sina Kyra at Laude. Nakasuot si Kyra ng kulay Pink na gown habang sky blue naman ang kay Laude. Nandoon din si Nadyne na naka light yellow ng gown kapares si Jana na yellow din ang suot. Nasa tabi rin nito si Sofia na pula naman ang suot.

Napangiti siya nang makita si Josh, katabi nito Louise na nakaputing gown, karga nito ang baby nila na si Baby Crein. Naalala pa niya kung gaano kasaya si Josh nang makita nito ang baby nila. Napaiyak ito sa sobrang saya.

Napatingin naman siya sa mga boys. Kumpleto ang mga ito. Nadoon sina Stell, RJ at Japs. Nasa gawi rin nila si James at Ate CJ karga si Cassey, ang panganay nilang anak.

"Natulala ka na. Ano, lalakad ka ba o mauuna na ko sa 'yo?" bungad sa kaniya ni Kyzha.

Napakurap siya. Usapan nila ay mauuna siyang lalakad kaya naman pumwesto na siya.

BUMUKAS ang pinto ng chapel at inulawa niyon si Jhoana. Suot nito ang pa-baloon nitomg wedding gown na mahaba ang ladlaran. Sleeveless iyon na V-neck ang desenyong napapalamutian ng iba't-ibang beads at diamonds. Nakataas ang buhok nito na nilagyan ng maliit na korona kung saan nakasabit ang belo nito.

Napatulala si Jah. Kasabay ng pangiti niya ay ang luhang tumulo sa pisngi niya. Ito na yata ang isa sa pinakamasayang araw niya sa buhay niya.

"Sad boy 'yan?" pang-aasar ni Yani sa bandang likuran niya kaya naman pasimple niya itong tinapik.

Habang palapit si Jhoana na sa kabila ng ngiti sa labi ay makikita ang kislap ng luha sa mga mata nito ay ang pagbilis ng pintig ng puso niya. Inayos niya pa ang puti niyang suit kahit hindi naman iyon gusot.

"'Wag mong ipahalatang kabado ka, dre," sabi ni Ken habang tinatapik ang balikat niya.

Ilang sandali pa ay nasa harap na niya si Jhoana. Katabi pala nito si Pablo at mama nito.

"Ikaw ng bahala ka kapatid ko, dre," bilin ni Pablo bago iniabot ang kamay nito sa kaniya. Nakipagbeso muna siya sa mama ni Pablo bago inalalayan si Jhaona paakyat ng altar.

Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang chapel. Dahan-dahang lumakad si Kyzha suot ang off shoulder nitogg wedding gown medyo mababa ang neckline. Kapansin-pamsin din ang balloon type na ladlaran nito na lagpas lang hangang tuhod sa harap pero sobrang haba naman ng sa likod. Manipis ang belo nito kumara kay Jhoana pero kasing haba niyon ang mismong gown. Mas puti ang gown niya na puro diamonds at burda ang disenyo. Nakaputi rin siyang gloves at stilettos.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon