SIMULA

120 16 4
                                    

Hinihingal na tumatakbo ang babae sa kahabaan ng eskinita. Hindi niya alintana ang dilim ng paligid at malagkit na pawis na tumutulo sa kaniyang leeg.

May humahabol sa kaniya. Hindi siya sigurado pero alam niyang ano mang oras ay aabutan siya ng mga ito.

Napahinto siya sa pagtakbo nang makaramdam siya ng panginginig ng tuhod. Marahil dala ng pagod dahil sa biglaang pagtakbo.

Luminga siya sa paligid. Nagbabakasakaling may tutulong sa kaniya, pero bigo siya.

Katapusanko na ba?

Luminga s'ya muli. Natatakot siyang abutan ng mga lalaking humahabol sa kaniya. Ginabi siya ng uwi at hindi niya lubos akalain na habang naglalakad siya sa kadiliman ay makikita niya ang tatlong kalalakihang nakaitim na jacket. Hindi niya ito namukhaan dahil naka-face mask ang mga ito.

Kinakabahan siya dahil base sa naamoy niya ay nakainom ang mga ito. Natatakot siya sa maari niyang sapitin kung maabutan siya ng mga ito.

Naalarma siya nang may humawak sa braso niya.

"Teka muna, Miss. Magtatanong lang kami," aning lalaking may katangkaran. Napangisi ito dahil naaninang niyang lumiit ang pareho nitong mga mata.

Agad tumahip ang dibdib niya. "Bitiwan mo ko."

Tumawa ang isa pang kasama nito. "Sandali lang naman ito. 'Wag ka nang pumalag." Lumapit ito at tangkang ilalapit ang mukha sa mukha niya.

Dahil sa pagkataranta ay sinipa niya ang ibaba nito at kumaripas siya ng takbo. Kabisado niya ang lugar nila, pero dahil sa gabi na at tuliro siya, hindi niya malaman kung saan siya pupunta at magtatago.

Kabado pa rin siya sa pagtakbo nang biglang may humablot sa kaniya papunta sa isang sulok at parteng madilim. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na niya nalaman na lumapat ang labi niya sa labi ng lalaking humila sa kaniya. Tanging paglaki ng mata niya dahil sa pagkagulat ang nagawa niya.

Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa madilim. Dahil na rin siguro sa pagod ay hindi na niya nagawang manlaban at pumalag.

Naramdaman niya ang pagdating ng mga lalaking humahabol sa kaniya.

"Nasaan na 'yon?" sabi ng isa na nagkakamot ng batok.

"Ang bilis naman niya," dagdag pa ng isa.

Hindi niya magawang gumalaw dahil baka makita siya ng humahabol sa kaniya. Kaya kahit na naiilang siya sa magkalapat nilang labi ay nagtiis siya.

Weh? Nagtiis o gusto mo rin?

"Dito pa naghalikan 'tong mga ito. Tara na nga, nawala na 'yong babae," aya no'ng isa at tuluyan na silang nawala.

Agad niyang tinulak ang estraherong humalik sa kaniya.

"Gago! Bakit mo ko hinalikan? Manyak ka?" galit na sabi ng babae.

Tumaas ang kilay ng lalaki. Nakasuot na ito ng facemask kaya hindi nakita ng babae ang mukha niya.

"Is that how you'll say thank you? I just saved you."

"Save me? Eh ninakaw mo ang first kiss ko!" halos umusok ang tainga ng babae. Hindi rin maaninag ang mukha nito dahil madilim.

Tumawa ang lalaki. "As if I want your first kiss. If I didn't do that, do you think you're safe? Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. Welcome!" sarkastiko nitong sabi.

Naiwang nakamaang ang babae. Iniisip kung niligtas nga ba siya ang ekstrangerong binata o minanyak.


HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon