Mabilis lumipas ang mga araw. Naging maayos naman ang pag-aaral ng SB19 maging nina Laude kahit pa napadalas ang engagements ng mga ito.
Hindi na rin naging mahirap sa kanila dahil bukod sa wala na si Nica at hindi na sila pinaghihigpitan ni CJ dahil na rin sa pagbalik ni James sa buhay nito.
February na at ilang araw na lang ay Valentine's day na. May pre-Valentine's Day concert ang SB19 kaya naman busy ang mga ito sa rehearsals.
Kasalukuyan silang nasa studio at doon nag-re-rehearse ng dance prod nila.
Nakaupo ang girls sa mahabang sofa habang kaniya kaniya sila ng ginagawa. Si Laude ay natutulog habang sina Kyzha at Kyra ay nagba-browse ng Twitter nila. Si Louise ay nagbabasa ng Wattpad habang si Jhoana ay pasimpleng kumukuha ng litrato ng mga kasama. Nakangiti naman si Jea habang ka-text si RJ.
From Moo:
Sige na, moo. Mayre-record na kami. Nagagalit na si Kuya Carl. Nag-away kasi sila ni Jerica kaya tuloy sa amin nagsusungit. Ingat ka ha? I love you 😘Nakangiti niyang itinago ang cellphone niya pero kalalagay pa lang niya sa bag nang tumunog ulit ito.
From: +639071208380
Hey, Jea! I wanna talk to Kim. Give me her number.To: +639071208380
Sinabi ko na sa 'yo, tigilan mo na kami. Nananahimik na kami.From: +639071208380
I told you. I will just apologize. Please, let me see or qt least talk to her .To: +639071208380
Gago! Sino niliko mo? Alam ko na ugali mo!B-in-lock niya ang numero saka inis na ibinalik ang cellphone niya sa bag.
"Inis na inis ka, best? Sino 'yon? Nag-away kayo ni RJ?" takang tanong ni Jhoana.
"H-Huh? Wala. Naubusan lang ng load. Nakalimutan kong magpa-load kanina," ani Jea.
"Timang ka ba? Naka-plan 'yang cellphone mo? Paanong mauubusan ka nv load?" natatawang sabi ni Jhoana.
"Eh, gusto kong magpa-load eh," sabi pa niya.
Nagkibit balikat na lang si Jhoana at natatawang binalingan ito. "Sabi mo, eh."
Nanatili silang tahimik habang pawisan na ang boys sa pagre-rehearse. Nagpahinga muna ang mga ito sandali matapos ang 150 na ulit.
Lumapit naman agad ang girls at nag-offer ng towel at energy drink.
"Thanks, baby," sabi ni Ken bago tanggapin ang towel ay inumin ang iniabot nito. Gayon din naman ang ginawa ng iba pa.
Medyo natahimik sila dahil nadalang ang pagpunta ni Sofia sa studio o sa music room para manggulo. Maging si CJ ay hinahayaan sila basta tago ang relationships nila maliban kina Laude at Pablo gayon din kina Kyra at Stell.
Napahinto si Kyzha nang tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa mga kasama bago siya lumabas at sinagot ang tawag.
"Hello?" bungad niya sa kausap.
"Hello, sister dear. May balita ba?"
"A-Ate Sofia? Napatawag ka?" walang gana niyang sagot. Hindi na kasi siya nakikipag-usap pa rito simula nang mangyari ang panggugulo niya sa music room. Naisip din niya na hindi na niya dapat tulungan si Sofia na makipaglapit sa kuya niya dahil masaya na ito kay Laude.
"Don't you miss calling me? Wala bang balita sa kuya mo?"
"Ate Sofia, sa tingin ko tama na. I mean, tigilan mo na si kuya. He's happy now."
"What? So pati ikaw tatalikuran mo ako? I thought sa akin ang boto monat hindi ro'n sa Laude na iyon!"
Napabuntong hininga siya. "Yeah. My vote will always be given to you. Pero ayoko nang makialam. Kahit boto ako sa 'yo, kung ayaw ni kuya, do you think it will work?"
"Boba! Kaya nga tutulungan mo ko. We need to get rid of that girl?"
"Maka-boba, Ate Sofia. Sino ba ang mas boba sa atin? Ako na ayaw kang tulungan, o ikaw na hindi makaintindi?! You can't remove her from the picture because she's already the spot. Unlike you, matagal nang nawala," inis niyang sabi. Naiinis siya na napagsabihan siya nito nang masama kahit pa natulungan niya ito noon.
"So you're not helping me?! Do you think I'll let all of you be happy while I'm miserable?!"
"You're making yourself miserable, Ate Kim. Move on! Hindi lang si kuya ang lalaki sa mundo!"
Napahalakhak si Sofia. "Wow! Look who's talking here. Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? Bakit hindi mo ba ginawa kay Ken 'yan?"
Napahimto siya. May punto ito.
Pero magkaiba kayo ng sitwasyon, Kyzha. Si Ken, hindi taken at alam mong ikaw pa rin ang mahal. Si Pablo, may mahal nang iba.
"Magkaiba naman tayo ng sitwasyon, Ate Sofia. We just broke up because of kuya."
Lalong napahalakhak si Sofia. "Really? Yeah, mag-break nga pala kayo kasi tumutol si Pablo gayon din si CJ. Pero sigurado ka bang 'yon lamg, Zen?"
"If you can't accept it, wala na kong magagawa, Ate Sofia. I did my part, pero ayoko na. Hindi na kita tutulungan," pinale niya.
"Do you think I'll let you become happy. No way, darling. I'll do everything to make all of you regret this."
Pinatay ni Kyzha ang cellphone niya at inis na bumalik sa loob.
Nagre-rehearse na ulit ang mga ito kaya naman naupo na lang siya sa sofa at nag-open ng Facebook.
Hindi pa man siya nagtatagal doon nang may matanggap siyang message request sa messenger.
Secret Reveal?
Agad niyang binuksan ang message nito. Napakunot noo siya nang makita ang litrato na na-send sa kaniya.
Si Ken iyon, nakaakbay sa isang babaeng blurd ang mukha habang may hawak na bola. Nasa isang basketball court ang mga ito. Nakangiti si Ken habang nakatingin sa babae.
Sino ito? Bakit may litratong siya ni Ken? Sino itong babaeng kasama niya.
Kasabay nang pagkunot ng noo niya ay ang kaba naman ng kakambal niya. May mensahe rin itong natanggap mula sa unknown number.
Paano ang gagawin mo kung may tinatago sa iyo ang taong mahal mo? Paano ang gagawin mo kung isa ang taong mahal mo sa makakasakit ng isa sa pamilya mo? Kaya mo bang pumili sa oagitan nila?
A/N
Hallooooo! Pasensya na at ito lang. Masakit ang ulo ko. May migraine na yata ako. Jusko 🤧 Parang binibiyak. Epekto yata ito ng kaka-cellphone at puyat ko. HAHAHAHHAA anyway, sana ay nag-enjoy kayo. 😤
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...