KABANATA 103

42 6 22
                                    

Natutop ni Laude ang ulo niya. Hindi niya akalain na sasakit na naman ng ganoon ang ulo niya.

Sinubukan niyang bumangon pero umikot ang paningin niya kaya naman nanatili muna siyang nahiga.

"Masakit?" bungad na tanong ni Jea. Kapapasok lang nito sa kuwarto nila. May dala itong pagkain sa tray.

Hinilot niya ang sintido niya. "Oo. Ang sakit ng ulo ko."

"Ayan, sige. Inom pa," anito.

Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang nangyari.

Hindi ito ang unang beses niyang uminom at malasing. Sa katunayan ay pangalawang beses niya na ito, no'ng birthday ni Jea sa probinsya ang una. At base sa naranasan niya noon at ngayon, naalala niya pa rin ang ginawa niya kahit na lasing siya.

Natawa si Jea. "Ano, naalala mo na ang ginawa mo kagabi?"

Napailing siya at napasabunot sa sarili. "Ang sakit ng ulo ko!"

"Ayan kasi. Saan mo nakuha 'yong alak? Naubos mo 'yong isang bote, ate," ani Jea. Nakita nina Stell ang pinagbasyohan ng alak sa kusina.

"Nakita ko sa cabinet. Naisipan ko lang naman. Para makatulog ako, kaso naubos ko pala," psliwanag niya habang minamasahe ang sintido niya.

"Naalala mo na lahat ng ginawa at sinabi mo kagabi?" ani Louise na sumulpot mula sa pinto. Kasunod nito sina Jhoana at Kyzha.

"Si Ky?" tanong niya habang iginagala ang paningin.

"Nasa CR, naliligo. Humigop ka muna ng sabaw, ate, para mawala naman ang amats mo," sabi ni Jea habang inaabot anh tray ng pagkain sa kaniya.

Tumawa si Kyzha.  "Grabe ka palang malasing, Ate Kim."

"Nakakatakot siyang malasing," komento naman ni Jhoana.

"Para siyang nasapian kagabi," sabi naman ni Kyra na lumabas ng banyo. Nakabihis na ito at tinutuyo na lang ang buhok.

Napatutop na lang si Laude ng noo. "Stop it. I don't wanna here anything about last night."

"'Wag mo 'kong mag-English-English diyan. Nasa Pilipinas tayo," panggagaya sa kaniya ni Louise.

"Gago! Tigilan niyo ko. Lalong sumasakit ang ulo ko sa inyo!"

"Tara inom ulit?" pang-aasar ni Kyzha.

"Buset kayo! Umalis na nga kayo.  Maliligo na ko pagkakain ng umagahan," aniya.

Tumawa si Jhoana. "Ala una na, Ate Kim. Tanghalian na."

Nagulat siyang tumingin ng relo. "Oo na. Hintayin niyo ko sa dalampasigan. Ligo tayo bago umuwi. Uuwi na tayo bukas ng madaling araw."

Nakangiting lumabas ng kuwarto ang mga kasama niya. Tinapos niya ang pagkain at kahit na hilo pa ay pinilit niyang maligo para gumaan ang pakiramdam niya.

Matapos ang isang oras na pag-aayos ay bumaba na siya. Dinala muna niya ang pinagkainan niya sa kusina.

Gusto na yata niyang umatras nang makita ang mga nandoon. Nasa kusina sina RJ, Stell, Josh, Jah at Ken. Mukhang kayayari lang ng mga itong magligpit.

Tatalikod na sana siya nang makita siya ni RJ. "Ate Kim!"

Wala sa sariling tumuloy na siya. Nagpunta siya sa sink at doon tahimik na hinugasan ang piangkainan niya.

Nanatili siyang tahimik habang ginagawa iyon. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito.

"'Yong kagabi pala..." panimula niya. Hinarap niya ang mga ito habang pinupunasan ang nga kamay niya. "Medyo nalasing ako."

"Medyo lang?" pagbibiro ni Stell kaya natawa siya.

Sumeryoso naman si Josh. "Sorry about what happened before. Ang laki ng paghihirap mo dahil sa ginawa namin no'n."

"Sorry, Laude. Hindi namin alam na ganoon ang pinagdaanan mo dahil sa nangyari no'n," dagdag ni Ken.

"Kung hindi ka siguro namin binigla no'n, baka hindi sa'yo nangyari 'yon. Sorry," sabi naman ni Jah.

"Ako rin, sorry. Ako yata ang may kasalanan," singit naman ni Stell.

Napakamot si Laude sa kilay niya. "Ang totoo nagalit ako no'ng una. Hipokrito ko kubg sasabihin kong hindi. Pero no'ng narinig ko kay Kyzha 'yong nangyari, naisip ko, wala naman kayong kasalanan. It's actually no one's fault. Hindi sa inyo, hindi kay Jea. It happened because it's meant to happen." Napabuntong hininga siya. "Hindi ko naman agad maibabalik 'yong dati. Medyo naiilang pa rin ako, pero time will heal everything."

"Si Pablo pala," alanganing sabi ni Stell.

Nagpangiti si Laude. "Takot talaga kayo sa braces na 'yon. Pero hindi pa siguro sa ngayon. It will take time para bumalik lahat sa dati."

"Sige mauna na ko. Maliligo raw kami sa dagat. Uuwi na tayo, 'di ba?" aniya sa mga boys.

"Ano? Kayo lang ang maliligo? Sama kami," ani RJ.

"Sige, sunod na lang kayo?" nakangiti niyang sabi bago lumabas ng bahay.

Hindi pa man siya nakalalayo nang may maamoy siyang kemikal. Napahawak siya sa sentido niya dahil nakaramdam siya ng hilo. Humanap siya ng makakapitan pero unti-unting nanlabo ang paningin niya. Hanggang sa maramdaman niyang babagsak na siya.

Ipinikit niya ang mga mata niya at hinihintay ang pagbagsak niya sa lupa. Pero nakaramdam siya ng mga bisig na sumalo sa kaniya bago parang binuhat siya nito at unti-unting nagdilim ang paningin niya.

NAGSASABUYAN ng tubig sina Jhoana at Jea nang dumating si Jah. Kasunod nito sina Stell, Ken, RJ at Josh.

"Hindi man lang kayo nagyaya?" ani Jah na agad lumapit kay Jhoana.

"Alam naman naming susunod kayo," sagot naman ng kasintahan.

"Aagawin mo na naman si best. Nagba-bonding kami," reklamo ni Jea.

"Bakit kasi hindi mo pa lapitan 'yang si RJ?" singit naman ni Louise na nakapasan na sa likod ni Josh.

"Queen, 'wag kang malikot, ang bigat mo," reklamo naman nito.

"Teka, si Ate Kim?" tanong ni Kyzha.

"Baka kasama 'ying kuya mo? Baka nag-uusap?" ani Kyra.

"Pero nauna sa amin si Laude na nagpunta rito, bal. Si Pablo naliligo pa yata," sagot naman ni Stell.

"Malay mo nagkita sila. Baka nag-usap. Grabe si Laude kagabi, eh. Ang lakas ng tama niya," natatawang sabi ni Josh.

"Gano'n pala malasing 'yon. Sa susunod 'wag niyo nang painumin," sabi naman ni Ken.

"Sa susunod, i-check mo kung may alak sa cabinet," sabi naman ni Kyzha. Nagtawanan na lang sila habang inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Oh, ayan na pala si kuya. Teka, bakit hindi niya kasama si Ate Kim?" ani Jhoana.

"Baka kasunod niya," sabi naman ni Jah.

Lahat sila ay pawang nakatingin kay Pablo. Nakasuot ito ng sando at jersey shorts. Nakatingin ito sa kanila at diretso sa paglalakad.

"Si Laude?"

Sabay sabay silang nagtinginan nang marinig ang pasigaw na tanong nito.

"Hindi ba kayo ang magkasama?" tanong ni Stell.

"Huh? Kabababa ko lang," nagtataka nitong sabi.

A/N

Wahhhh 🤧 Last UD ko na ito today. Bukas na ulit. Last two or three chapters na langs. WAAAAHHH 🤧 I can't. Pero kailangan. Anyway, salamat sa lahat ng readers na nakarating sa part na ito. See you sa next story. 🥳

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon