Dalawang araw nang nagmamasid sina Laude, Pablo, Stell at Kyra. Tumutulong din ang iba para makahanap ng impormasyon para matulungan si Jea.
"Malapit na nating malaman kung sino 'yong gagong may gawa no'n!" sabi ni Laude. Kasalukuyan silang naglalakad ni Laude papuntang music room.
"Sana nga. Kawawa naman si Jea. Sabi ni Jhoana problemado raw," sagot ni Kyra.
"Kahit sa bahay tahimik siya. Mabuti na lang nasa business trip sina tita, kung hindi patay," sabi ni Laude.
"Bakit kaya niya ginawa 'yon. Baka naman si Sofia?" alanganing sabi ni Kyra.
"Sa tingin ko hindi. Harapang lumaban si Sofia. Saka ano namang ginawa ni Jea sa kaniya? Hindi ba dapat ako muna ang inuna niya?"
"May punto ka. Pero..."
Naputol ang sasabihin ni Kyra nang hilahin siya ni Laude patago sa malalaking halaman. Napakunot ang noo niya nang senyasan siya nitong manahimik. Na-gets lang niya ito nang makita ang tinitingnan ni Laude.
"Are you kidding me? Matapos mo 'kong iwanan, now you're here saying you want me back?" ngiting asong sabi ni CJ. Nakasuot ito ng black corporate attire na fitted skirt ang pang-ibaba.
"CJ, I'm sorry. I didn't mean to do it. You have no time for me, that's why I asked for space," paliwanag ng lalaki. Nakatalikod ito kaya hindi nila makita ang mukha nito.
Ay dito pa gumawa ng eksena? Nice, luma-love life.
"You asked for space but you have never returned!" galit na sabi ni CJ.
"I told you, my mom had a cancer. I wad wrong when I left you behind. That's why I'm here, begging you back."
"Damn you, James! Alam mo kung gaano kahirap para sa akin lahat. Nawalan ako ng time, yes. But that wasn't supposed to be your result to leave me. Namatay ang parents namin sa aksidente. Ako na lang at si Ken. Dalawa na lang kami. You can never blame me for choosing my brother over that fu*king time you're asking!"
Lumapit ang lalaki at sinubukang hawakan si CJ pero umatras ito. "I'm sorry. I didn't mean everything which happened. I want us back."
Ngumisi si CJ. "You left me. You ruined me. You ruined everything about me. You made me become a monster. Now, you're here asking and expecting me to be back?!"
"Maybe you're just confused," sabi ng lalaki.
"No! I'm not! Kung 'yan ang pinunta mo rito, makakaalis ka na!" Lumakad si CJ at pumasok sa opisina nito.
Lumakad naman ang lalaki at umalis na sa lugar na iyon.
Nagkatinginan sina Laude at Kyra.
"Kaya pala bitter si Ate CJ?" sabi ni Kyra.
Tanging kibit balikat lang ang naisagot ni Laude. Hinila na niya ito sa tinataguan saka naglakad sila papuntangusic room.
Napangisi si Laude. "If that's here reason, maybe.we can help?" taas kilay niyang sabi.
"P'wede. Pero sabihan natin sina Stell. Baka magalit 'pag nakipagkita tayo sa ex ni Ate CJ."
"Tama. Saka baka kilala nila 'yon," sagot ni Laude.
Wala pang tao nang marating nila ang music room. May nakita silang kahon sa ibabaw ng lamesa.
"Ano 'to?" sabi ni Kyra na hawak na ang kahon.
"Tingin," ani Laude na nakitingin na rin. "Oh, may pangalan mo. Baka galing kay Stell," pang-aasar niya pa.
"Si Bal talaga, sana hindi na nag-abala. P'wede namang-"
"Ay gago! Ano 'yan?" sabi ni Laude matapos makita ang laman ng kahon.
Nabitiwan iyon ni Kyra at nanginginig ang kamay na dinampot ito. Rose na nakatanggal sa tangkay nito at may dugo.
"L-Laude, si Ate Rose," naginginig niyang sabi.
Tumakbo agad si Kyra palabas kaya naman sinundan siya ni Laude.
Mabilis nilanh narating ang labas ng university at pumara ng taxi.
"Anong meron sa Ate Rose mo?" tanong ni Laude.
"Laude, kami na lang dalawa ng ate ko. Bata pa lang kami nang iwanan kami nina mama sa ampunan. Kaya hindi p'wedeng may mangyari sa kaniya," naiiyak na sagot ni Kyra.
"Busit na mangkukulam na 'yon. Nagsisimula na naman," inis na sabi ni Laude na ang tinutukoy at si CJ.
Habang nasa daan ay ikinuwento ni Kyra kay Laude ang nangyari kung bakit niya iniwasan si Stell. Napag-alaman niya na nagpadala si CJ ng mga threat kay Kyra. Tinatakot ito na aalisin lahat ng investments ng mga Suson sa kompanya nila at pahihirapan ang ate nito kung hindj nito hihiwalayan o lalayuan si Stell dahil sagabal daw ito sa career nito. Dahil sa kompanya lang sila umaasa at dalawa na lang sila ng ate niya ay napilitan siyang sumunod sa gusto nito.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa company ng ate niya. Mataas ang building nito. Agad silang sumakay sa elevator at pinidot ang floor ng opisina ng ate niya.
Pagdating nila sa tamang floor ay pumasok agad si Kyra sa opinsina ng ate niya at taka namang napatingin ito sa kapatid.
"Oh, Ky, wala kang pasok?" anito na nakatingin sa pinipirmahang papeles.
"Wala bang nangyari, ate? Wala kang pinuntahan? 'Yung investment na-cancel na ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Napatawa ang ate niya. "Paranoid. Anong investment? Saka hindi ako umaalis. Ayos ako. Ikaw ayos ka lang?"
Yumakap si Kyra sa ate niya. "Akala ko may masama nang nangyari sa 'yo."
Hinaplos nito ang buhok niya. "Walang mangyayari sa akin, Ky. Hindi p'wedeng may mangyari sa akin kasi walang mag-aalaga sa 'yo. Kaya pumasok ka na kung ayaw mong kutusan kita," pagbibiro nito.
"Grabe ka sa akin, ate," reklamo ni Kyra na humiwalay na sa ate niya.
Ipinakilala muna ni Kyra si Laude sa ate niya bago sila umalis at bumalik na sa university.
"Mukhang may naglalaro sa atin," wala sa sariling sabi ni Laude.
"P'wedeng sa atin na lang muna 'to? 'Wag mo munang sabihin lalo na kay Stell?"
Tumango lang si Laude hanggang sa makabalik na sila sa music room. Nakapamaywang si Stell habang nakahalukipkip naman si Pablo nang mabungaran nila.
"Saan kayo galing?" inis na sabi ni Pablo.
"Wala. Kumain," Laude.
"Nagpuntang library," Kyra.
Nagkatinginan sila dahil hindi tugma ang sinabi nila.
Tumaas ang kilay nina Stell at Pablo. Sumenyas si Laude at siya na ang sumagot. "Investigating. I guess malapit na namin makilala kung sino ang nasa likod nito," pagsisinungaling niya.
Malapit naman na talaga nilang makilala. In fact, isang step na lang ay lalabas na kung sino ang totoong may kasalanan, pero sa nangyari kanina kay Kyra at pakiusao nito, napilitan na siyang hindi magsabi ng totoo.
A/N
Halllloooo! Magandang gabi. HAHAHHA ito na ang UD ko para sa hapong ito. Nawa ay naguluhan kayong lalo. HAHAHAH charot. More UD later. Medyo nasa 3/4 na tayo ng story.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...