KABANATA 21

52 10 25
                                    

Mag-isa at walang makasama
Nag-aabang kung sino man ang kakausap
Nagtatanong kung bakit nga ba nandito

Kinakabahang nakatitig si Louise sa lalaking nasa stage at kumakanta. Ilang taon na ba nang huli niya itong marinig na umawit? Matagal na ring hindi siya nito nakantahan.

Paglingon, ikaw agad ang nakita
'Di maiwasan na ikaw ay titigan
Nag-iisip kung pa'no lalapit sa'yo

Hindi niya maalis ang paningin sa lalaki. Nakatitig din ito sa kaniya habang nakangiti. Napakasarap pakingganang malamig niyang tinig. Pamilyar ang iyon sa kaniya.

Hindi namalayan, bigla na lang
Nagkatabi at nagtawanan
Sa isang iglap, nagkayayaan

"You're here, now. Sana hindi ka na umalis," bulong niya.

Ooohhhhhhhh

Sumayaw
Kasabay ang masaya na tugtugan
Itaas ang kamay
At sabay magtatalunan
Ikaw at ako, parang atin ang mundo
Atin ang mundo

Natapos ang kanta na magkahinang lang ang kanilang mga mata. Pareho silang nangungulila sa isa't-isa. Na-miss niya ang mga ngiti at mga tingin nito. 

"Thank you so much, Juan Chael!" ani MC.

Nagpaalam si Kyzha kay Pablo na magpupunta ng banyo. Nakatutok lang ito sa mga sumunod pa na performers.

"Who told you to wear that?" inis na sabi ni Ken. Nakasalubong niya ito bago siya makalabas ng CR.

Kinabahan siya sa mga tingin nito. Alam niyang galit ito base sa itsura niya. "Look, baby. We're on a party, anong gusto mong isuot ko? Baro't saya?"

Napapikit na lang si Ken at sinubukang pigilan ang inis. "Yeah. Pero wala bang mas mahaba d'yan? Kulang na lang mag-underwear ka na lang. Pinagtitinginan ka nila. Mamaya makasapak pa 'ko nito."

"Hey! As if lalapit sila sa akin takot lang nila kay Kuya," paliwanag pa niya.

Narinig niyang magmura ito. "Sana hindi ka na nagsuot ng ganiyan. Hindi na kailangan. Pinahihirapan mo 'ko!"

"What? Pinahihirapan? Ano bang ginagawa ko sa 'yo?" naguguluhan niyang sabi.

"Sh*t!" tanging nasabi ng binata bago siya nito hinila at ipinasok sa isang cubicle. He grabed her waist and claimed her lips. Kyzha felt a little bit shocked at first but she responded his kisses. She placed her arms on his nape while carressing his soft hair. Ken gentle touched her back without cutting the kiss. 

"Sh*t!" Napahinto sila nang marinig ang boses ni Pablo sa labas ng CR.

"Zen? Zen, are you there?" anito.

Napatingin si Kyzha kay Ken. Magkayakap pa rin sila habang kabado. Bumilis ang tibok ng puso ni Kyzha hindi lang dahil kasama niya si Ken, kung hindi dahil baka mahuli sila ng kuya niya.

"Kuya?" pareho silang nakahinga nang maayos nang marinig si Jhoana.

"Have you seen, Zen?" tanong nito.

"Yeah. Kasama niya si Jea," anito.

"Are you sure?" nagdududa pa si Pablo.

Kinabahan sila nang marinig nilang may maglakad papunta sa gawi nila at kinatok ang cubicle kung nasaan sila. 

"Labas na," nakahinga si Kyzha nang marinig ang kakambal niya. Humiwalay siya kay Ken at pareho silang lumabas ng cubicle. "Next time, learn to control. Buti na lang sinundan kita."

"Thank you," nahihiyang sabi ni Ken.

"Sumunod ka na sa akin, Zen. Baka mahuli pa kayo ni Kuya. Ayoko nang maulit 'to, Ken. She's my sister," pagbabanta ni Jhoana na nauna ng lumabas.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon