Campaign period na para sa Student Council election. Dalawang party lang ang magkakalaban dahil tulad ng inaasahan ay natakot lumaban ang iba.
Tumakbong SC president si Pablo. Kasama niya sa party niya si Stell, ang kan'yang vice president, Louise secretary, Jhoana bilang muse at si Kyzha ang campaign manager nila.
Tulad ng nasabi na ay tinapatan sila ng partido nina Laude. Si Laude ang president, habang si Josh naman ang vice president. Noong una ay sa escort siya pero bigla na lang itong nagboluntaryong maging bise. Si Jea dapat ang muse pero dahil ayaw niyang makalaban ang kaniyang best friend ay nag-secratary siya. Si Kyra ang nilagay nila sa treasurer habang nag-volunteer si Ken bilang escort nang malaman nitong excuse sa klase ang mga tatakbo para mangampanya. Sa huli, napagkasunduan nilang si Jah ang maging campaign manager.
Dahil sa pagod at init ay naupo muna si Jhoana sa isang bench sa tabi ng puno. Sakto naman na nandoon din sina Jea, Ken at Jah na mukhang may hinihintay.
Lalagpas na sana siya nang tawagin siya ni Jea.
"Best! Bakit mag-isa ka?"
Nginitian niya ito bago sumagot. "Naiwan pa sila roon sa room ng grade 7-3. Tapos naman na ako. Gumagawa na lang sila ng request kaya nauna na ko, ikaw?"
"Hinihintay rin namin sina Ate Kim. Maupo ka muna," ani Jea. Umusog ito ng kaunti para makaupo siya.
"Salamat," sagot niya.
Pinili niyang manatiling manahimik. Ayaw niyang kausapin ang mga kasama dahil na rin umiiwas siya kay Jah.
Maya-maya ay nagpaalam na ang mga ito dahil pupunta na raw siya sa meeting place nila.
Bakit ba kasi hindi niya makalimutan si Nadyne? Bakit hindi niya mapalitan si Nadyne sa puso ni Jah?
Nagbalik sa kaniya 'yong araw na nadurog ang puso niya, 'yung araw na nakumbinsi niya ang sarili niyang wala ba talaga siyang aasahan pa kay Jah.
Nakita niyang tumutugtog ng gitara si Jah habang kumakanta, kaya dahandahan siyang lumapit dito. Katabi niyo si Stell na parang tinuturuan pa si Jah. Napahinto ito.
"Ang galing mo na talaga. Sigurado 'kong mapapasagot mo 'yon 'pag nagtapat ka," ani Stell habang tinatapik ang braso nito.
"Sana nga. Matagal ko na 'tong gustong sabihin kaso natotorpe ako. Pero totoo na, magtatapat na ko sa kan'ya mamaya," nakangiti nitong sagot.
Biglang napalingon si Stell sa gawi niya. "Jhoana, nand'yan ka pala."
Ngumiti siya. "Oo, kararating ko lang. Ano 'yong ginagawa niyo?"
"Wala. Nagpa-practice lang. Magpe-perform kasi kami mamaya," sagot ni Jah.
Nginitian niya lang ang dalawa at nakipagkulitan dito. Iniisip niya kung sino ba 'yong tinutukoy nila.
Pagkatapos ng klase ay pumunta siya sa ilalim ng puno malapit sa field. May usapan sila na magkikita roon kaya naman nagmadali siya.
Halos madurog ang puso niya ng makita si Jah kasama si Nadyne. Nakangiti sila pareho habang tumutugtog ng gitara at kinakantahan si Nadyne.
Bakit ba hindi niya naisip na may gusto si Jah kay Nadyne? Bakit ba siya umasa na magugustuhan din siya nito kung simula pa pagkabata nila ay si Nadyne na ang bukambibig nito? Ang tanga niya dahil iniisip niyang hindi magkakagusto si Jah sa mas matanda sa kanila. Ano lang ba 'yong apat na taon?
Mula ng araw na 'yon ay best friend na lang ang naging turing niya rito.
"Anong arte 'yan? Umiiyak ka?" Nabigla siya sa pagsulpot ni Kyzha.
"W-Wala. Nagpa-practice lang ako. Baka kasi paartehin din ako gaya ng pinagawa nila sa ibang tumatakbo," pagsisinungaling niya.
Ngumisi ito. "You're a bad liar, Jhoana."
Iniwan siya nito sa puwesto niya. Ipinikit naman niya ng mariin ang mga mata niya habang pinapakalma ang sarili.
NAIINIP na nakaupo sina Laude sa bleachers sa gym. Hinihintay nila ang mga kasama nila na kumuha ng magagamit sa stock room para sa pagkakabit ng tarpaulin.
"Matagal pa ba?" iritang tanong ni Josh.
"Easy, VP. Hindi p'wedeng ill-tempered 'pag VP," sabi ni Ken.
"Nagkakabit na kasi ng tarpaulin 'yung kabila. Baka may gustong masilayan," pang-aasar ni Jah.
Nahinang sinuntok siya nito sa braso. "Gago! 'Wag mo kong iparehas sa 'yo."
"At least ako aminado. Ikaw?" dagdag pa nito.
Tumayo si Laude. Tiningna siya ng mga kasama niya. "Susundan ko na. Baka bukas pa tayo makayari."
Hindi na niya hinihintay ang sagot ng mga ito. Mabilis niyang tinungo ang stock room.
Kinapa niya ang ilaw pero napangiwi siya nang malamang sira iyon.
Agad niyang hinanap ang kakailanganin niya. Medyo madilim kaya naman nahirapan siyang maghanap.
"Sinusundan mo ba talaga 'ko?"
Halos mapatalon si Laude nang marinig ang boses mula sa gawing kanan niya. Kahit medyo madilim ay alam na niya kung sino ang kasama niya sa loob ng stock room.
Bakit nandito 'tong braces na 'to?
"Mahiya ka nga sa balat mo. Nandito ko kasi kailangan ko ng magagamit sa pagkakabit ng tarpaulin namin," nainiis niyang sabi habang kinakapa ang nakasalansang mga bagay sa estante.
Napangisi ito at lumapit sa kaniya. Inilapit nito abg mukha niya para magpantay ang tingin nila.
Kitang kita niya ang magagandang mata nito na para bang nay itinatagong kalungkutan.
"Talaga? Bakit naman ikaw pa ang kumuha? Wala kayong lalaking kasama?"
Napaatras siya ng bahagya. Naririnig na naman niya ang puso niyang parang nag-o-over speeding na naman. "K-Kanina pa namin sila inutusan. Kaso wala pa sila kaya ako na ang kukuha."
Gusto niyang mainis. Hindi niya alam kung bakit ba kailangan niyang magpaliwanag sa braces ba ito.
"O dahil alam mong nandito ako?" naghahamon niyang sabi.
"Hoy, braces! Ang kapal mo talaga hano! Pusang itim ka talaga eh! Hari ka ng kahanginan sa mundo!" inis niyang sabi.
Hindi pa siya roon nakuntento. Sa sobrang inis niya ay itinulak niya ito. Pero dahil madilim at medyo nakayuko ito ay bigla itong nawalan ng balanse.
Humanap ito ng kakapitan pero napakapit ito sa braso niya kaya naman nasama siyang bumagsak sa sahig.
Nagtataka siya dahil hindi siya nasaktan. Pero nanlaki ang mga mata niya ng matagpuan ang sariling nakadagan dito habang magkadikit ang kanilang mga labi.
Kumabog lalo ang puso niya. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam ang gagawin niya. Tanging alam niya lang ay ang magkadikit nilang mga labi at magkapatong nilang katawan.
"Pablo, matagal ka pa ba..." hindi na naituloy ni Stell ang sasabihin sa eksenang nasaksihan niya.
Agad na tumayo si Laude at nagkamot ng ulo. "Mali ka ng iniisip. Hindi ganoon 'yon," anito habang nagmamadaling tumakbo palabas ng stock room.
"What?" ani Pablo na mukhang masama ang timpla.
A/N
Hallooooo. Nawalan ng power kaya naman ngayon lang nakapag-UD. hahaha sino kinilig? Sana ayos oa kayo nga mare. Hindi ko na kailangan ng dedication. Malamang may nahimlay na naman. Hehehe Wait na lang sa next UD. 😘
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...