Natapos ang weekend nang hindi nagpapansinan sina Laude at Jea. Maging pagpasok nila ng school ay hindi sila nagkikibuan kahit pa sabay silang pumasok.
Mabigat sa pakiramdam ni Laude. Hindi siya sanay na hindi sila nagpapansinan kaya naman medyo bothered siya. Lalo siyang na-bother nang pagdating niya sa room ay ganoon ang sitwasyon.
"Hi, boss," bati sa kaniya ni Josh na may hawak ng cellphone. Katabi nito sina Jah at Ken na parehong busy sa cellphone at pareho ring napapangiti.
Abnormal na yata ang mga tao rito.
Pinuntahan niya ang upuan niya pero nagulat siya nang may nakadukdok sa upuan ni Kyra. Wala siyang choice kung hindi ang tumabi roon dahil doon ang puwesto niya.
"Hoy, kuya! Kay Kyra 'yang upuan mo." Kinalabit niya ito para lalong magulat. Nagtagpo ang mga mata nila. Hindu malaman ni Laude kung bakit parang tumalon na naman ang puso niya.
"I'll take this seat. Wala akong upuan," ani Pablo na itinuro ang upuan niyang katabi ni Stell. Nakaupo rito si Louise.
Napairap siya. "Bakit kailangan dito ka pa umupo? Wala bang space?" reklamo niya.
"We have our arrangement at wala akong mauupuan. Ayoko diyan sa kabila mo, gusto ko malapit sa bintana," bagod niyang sabi.
"Ako rin, boss. Tabi ako sa 'yo," nakangiting sabi ni Josh na naupo naman sa kanan niya.
Napakunot ang noo niya. "Saan uupo si Kyra?"
Itinuro ni Josh si Kyra na nasa tabi naman ni Jah.
Napahilamos siya ng mukha. Hindi makapaniwala na makakatabi niya ang dalawang asungot.
Naging tahimik lang siya at nag-obserba. Mukhang hindi nagpapansinan ang magpinsan. Siguro dahil sa relasyon ni Stell at Louise.
Napansin din niya ang paglingon ni Louise sa gawi nila. Akala niya ay galit ito pero hindi naman dahil ngumingiti pa ito sa kaniya.
Bago mag-break time ay may seat work sila. Magsasagot na sana siya pero naubusan ng tinta ang ball pen niya.
"Ay, malas!" tatayo na sana siya pero may nagpatong ng ball pen sa arm chai niya.
"Take this. That's my extra pen. Hindi ka na aabot sa oras kung lalabas ka pa para bumili," anito na seryoso nang nagsasagot.
May sakit ba 'tong braces na 'to? Bakit parang ang bait niya naman?
"Napapangiti ka r'yan, boss? Dapat sa akin ka lang ngingiti," nagpapa-cute na sabi ni Josh.
Napangiti na siya ng tuluyan. "Bakit masamang ngumiti?"
"Oo, masama kung hindi ako 'yung dahilan," ani Josh na mukhang kinikilig pa.
"Hindi mo pag-aari ang pagngiti, Cullen. Ngingiti siya kung gusto niya. Hindi mo hawak kung mangiti man siya sa iba," komento ni Pablo.
Sasagot pa sana si Josh pero tumayo na si Laude at nagpasa ng seat work bago lumabas. Naiwan silang masama ang tingin sa isa't-isa.
Hindi nagtagal ay lumabas na sina Kyra at Louise na halatang hindi pa rin nagpapansinan.
Lumakad sila papunta sa cafeteria at hinanap sina Jea at Jhoana. Nakasanayan na rin kasi nilang sabay-sabay kumain.
Nakita nila ito sa sulong lamesa kasama sina Jah at Ken, pero medyo gulat siya nang makita si Kyzha na parang may kakaiba.
Naupos si Louise sa tabi ni Ken habang si Kyra sa tabi ni Jhoana. Tinabihan naman ni Laude si Kyra dahil parang ayaw umusog ni Jea habang nakatabi kay Ken si Kyzha.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...