KABANATA 39

51 10 5
                                    

Lumipas ang nga araw na awkward pa rin ang samahan nila. Nag-iiwasan pa rin ang boys habang stressed ang girls sa preparations para sa comeback ng SB19 idagdag pa ang pressure na dala nina Miss Luna at CJ.

Bagamat may pressure, lakas loob nang lumalapit sina Ken at Jah sa kambal. Madalas na rin ang sweet gestures nila gaya na lang ng sabay kumain, umuwi at paghahatid sa classrooms nila.

Kahit na intensed ang pakiramdam sa grupo ay hindi naman nawawala ang asaran nila.

"Ayan ayos na. Next na," ani Louise matapos ayusin ang buhok ni Jah.

Ngayon ang assembly at kauna-unahan nilang performance matapos ang nangyari sa kanila no'ng mall show.

Lumapit si Josh sa kaniya. Naka-floral na blue itong polo at nakaitim na pants.

Kinabahan siya. Ngayon na lang ulit siya malalapit dito. Dimistansya kasi siya rito matapos nang nangyari sa mall.

"Kabado?" ani Kyzha na inaayos ang buhok ni Stell.

Inirapan niya ito. "Bakit ako kakabahan? Hello. As if kakaba-kaba itong isang 'to."

Natawa si Stell na inaayusan ni Kyzha habang tahimik na nakaalalay si Kyra. Parang may iniisip.

"Kung magsalita kayo parang wala ako rito ah," sabi ni Josh na pinasalikop ang kamay sa lap niya.

"Ay, nandiyan ka pala. Akala ko display," sabi ni Louise.

"Ang guwapo kong display," sabi ni Josh na napangiti na.

"Yabang," bulong ni Louise.

"Mahal mo naman," sagot ni Josh.

"Mamaya na ang lande. Malapit nang magsimula. Yari na sa mga announcements at speeches nila. Performance na," sabi ni Laude na may hawak na notebook.

"Minsan na nga lang magka-moment," reklamo ni Josh na hindi nakaligtas kay Louise.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Next na." Tumayo na si Josh at iniwan sila.

Dahil tapos na sina Jah, Josh, Stell at Ken si Pablo na ang naupo. Uniwas si Kyzha at nagkuwaring nag-aayos ng damit sa lamesa kaya pumwesto na si Louise para ayusin ang buhok niya.

"Ako na lang," ani Pablo.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Arte nito. Akala mo naman hindi ko kayang ayusin 'yang buhok mo."

Kinuha ni Pablo ang brush at sinuklay ang maiksi at itim nitonh buhok. "Hindi na kailangan. Ayos na 'to. Maayos naman 'ting buhok ko. Saka baka mamaya magselos pa 'yong girlfriend ko," anito saka tumingin kay Laude.

"Nice! Si Pablo bumabanat," pang-aasar si Stell na nagkakabit ng hikaw sa kaliwang tainga.

"Tsk! Ang korni mo. Akala mo naman magseselos ako? Asa," sabi ni Laude na lumabas na nang backstage.

Ilang minuto pa ay bumalik  na si Laude sa backstage. This time may kasunod na ito.

Pumasok ang The Juans sa loob. Mabuti na maluwang ang backstage at nagkasya sila.

Lumapit agad si RJ at yumakap agad kay Jea.

"Ahem!" ani Laude na may hawak na ballpen na parang isasaksak ito ano mang oras.

Humiwalay naman agad si RJ. Lumapit ang The Juans sa kanila at nakipagkamay.

Matagal na nilang kilala ang mga ito. Ayos naman ang grupo nila, mababait pero dahil kay CJ ay kailangan nila itong tratuhing kakompitensya.

"Kamusta?" ani Carl na yumakap isa-isa sa kanila.

"Ayos naman," sagot naman ni Pablo.

Maya-maya pa ay may mga babaeng pumasok at lumapit sa The Juans.

Naunang nagsalita si Chael. "This is Coleen. My girlfriend," pakilala niya.

Nakipagkamay si Coleen sa mga nandoon ganoon din sa mga babae.

"Hi, Ate Coleen. Sorry pala sa nangyari sa mall," ani Louise na tingnan si Josh. Hinintay niya itong humingi ng tawad pero hindi ito nagsalita.

"How's the jealous suitor, my love?" may tonong nanunukso si Chael na sinagot lang ni Louise ng ngiti.

"This si my girlfriend, Nadyne," pakilala naman ni Japs sa babaeng katabi niya. Nakakawit ang braso nito aa binata. Nakasuot ito ng simpleng itim na dress at ngumiti.

"Hello," masayang sabi ni Nadyne na isa-isa ring kumamay at yumakap sa kaniya.

Nakaramdam ng kaba si Jhoana. Hindi niya lubos akalain na magkikita ulit sila ni Nadyne.

Halos parang piniga ang puso niya ng lumapit ito kay Jah at yumakap. Hindi naman tumutol ang binata at nakangiti itong yumakap pabalik.

Hinintay siyang ipakilala nito pero hindi iyon nangyari.

Ilang sandali pa ay nagsalita ang babaeng naka short-shorts at sleeveless na katabi ni Coleen.

"Hi, I'm Jerica. Single and ready to mingle," flirt nitong sabi na agad lumapit kay Ken at nakipagkamay. Alanganin naman itong tinanggap ni Ken na napalingon sa poker face nang si Kyzha at nagbabantang si Pablo.

Agad lumayo si Ken at hinapit si Kyzha. "This is Kuzhay..."

"His girlfriend," deklara ni Kyzha. Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ng babae.

Namayani sandali ang katahimikan kaya si Pablo na ang nagpakilala sa iba. "This is Kyra, Stell's soon to be girlfriend, Jhoana and Kyzha my sisters, Jea, RJ's soon to be girlfriend, Louise, Kyra's cousin..."

"Soon to be mine," pang-aasar ni Carl.

"Hindi natin sure," mayabang na sabi ni Josh

"Aw, possessive. How about that girl?" tanong ulit ni Carl na nakatingin kay Laude na bored na nag-ce-cellphone.

"That's Laude, already mine," straightforward na sabi ni Pablo.

Unalingawngaw ang hiyawan sa backstage. Sinundan ito ng asaran at kuwentuhan hanggang sa tinawag na ang The Juans.

Lumabas na ang mga girls sa backstage para manood, pero pinigilan ni Pablo si Laude.

"Bakit?"

"Dito ka na lang. 'Wag ka nang manood."

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Baka kiligin ka pa sa kanila."

"Ay, siraulo ka na, Braces. Anu naman? Masama?" ani Laude habang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.

"Bawal kang kiligin. Unless, ako 'yung dahilan," seyosong sabi ni Pablo.

"Eww! Hindi bagay sa 'yo," pang-aasar ni Stell na tinawanan naman nina Jah, Josh at Ken.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito kaya sila natigil.

"Fine. Acting like a jealous boyfriend, huh?" aniya na naupo na lang sa sofa at nagkabit ng earphones sa tainga.

"Bago kami magsimula, gusto ko lang i-dedicate 'tong kanta na ito sa taong nagpapangiti at nagpapakilig ngayon sa akin. Alam kong alam mo kung sino ka. I hope one day, I'll be the reasons why you will smile," ani RJ bago nagsimula silang tumutugtog at mag-perform ng "With a Smile".

Halos huminto ang paligid ni Jea. Hindj niya akalaing mabilis siyang magiging komportable kay RJ. Nasa stage ito at tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Hindi maalis ang tingin niya rito hanggang sa hindi na niya namalayan na natapos na sila sa pagkanta.

Matapos mag-perform ng The Juans ay lumabas na ang SB19.

Tulad ng nakasanayan ay nagtitilian at naghihiyawan ang mga nanood.

Una nilang kinanta ang "Tilaluha" na sinundan naman ng "Go up."

Masayang masaya ang mga manonood gayon din ang SB19 na tila ba walang tensyon sa pagitan nila.

"Sige lang. Mag-enjoy kayo ngayon, ngumiti kayo hangga't pwede pa. Siguradong magugulo ulit kayo pagbalik niya," sabi ng babae na tumayo na mula sa karamihan at lumabas na ng auditorium.

A/N

Halllloooo! Good morning! Kamusta? HAHAHA Unang UD para sa raw na ito. Malapit na ang delubyo HAHAHA charot. Mamaya ulit. 😘



HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon