Kasalukuyang nag-aayos ng gamit si Pablo para sa flight nila papuntang Korea kinabukasan. Kinuha niya ang cellphone niya nang tumunog ito.
Nakita niya ang chats ng mga kasama sa GC nila. Napabuntong hininga siya. Silang boys na lang at si Kyra ang natira roon dahil nag-leave na ang girls.
Stell: Excited na 'ko! First trip namin ni Bal.
Josh: Ikaw na may lovelife.
Jah: Paano kaya natin sila makakausap?
Pablo: I don't know. I just hope they won't ignore us.
Ken: Kaya nga aalis tayo, para makausap natin sila.
Jah: Hala! Paano kung magpe-perform tayo ro'n?
Stell: Tama.
RJ: Ang ingay niyo.
Josh: Lagay mo sa spam 'tong GC.
Ken: Sino'ng may sabing matatrabaho tayo ro'n?
Pablo: Malamig ba ro'n ngayon? Hindi ko alam dadalhin kong damit.
Jah: Malamig. Parang sila.
RJ: Gago kasi kayo.
Josh: Kala ko maingay kami, bakit nakikisali ka, RJ?
Stell: Siraulo kayo. Magdala ka na lang ng jacket para sure.
Ken: 'Wag kayong magdala ng jacket. Pang swimming dalhin niyo.
Josh: Gago! Sige mag-perform ka ng naka swimming trunks.
Ken: Hindi nga tayo magpe-perform. Kulit.
Pablo: Ano magbabakasyon? Awit.
Jah: Gusto mong pagalitan tayo ni Ate CJ.
Ken: Bahala kayo. Basta magdala kayo ng pang-swimming.
Stell: Bakit? May resort ba tayong pupuntahan sa Korea?
Josh: Ay! Gago, nag-off line na si Ken.
Pablo: Sige na. Mag-aayos na rin ako. Maaga pa tayo bukas.
Nahiga na siya sa kama nang matapos mag-empake. Hanggang ngayon naalala pa rin niya ang nangyari noon.
Nagulat siya nang una niyang makita si Laude. Hindi lang dahil sa lagi siya nitong kinokontra at tinatapatan kung hindi dahil malinaw sa alaala niya ang mukha nito.
Sana pakinggan mo 'ko. Sana hayaan mo 'kong magpaliwanag.
NAKAILANG biling baliktad na si Laude. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Alas tres na ng madaling araw at alas otso ang flight nila pero hanggang ngayon ay dilat ang mga mata niya.
Ayaw siyang patulugin ng alala ng nakaraan. Akala niya ay ayos na siya, pero dahil sa isiniwalat ni Sofia ay muling namariwa ang sugat sa puso niya.
Inabot siya ng gabi sa plaza dahil magkikita sila ni Jea. Natatandaan niya pa ang oras ng pagkikuta nila. Alas sinco, pero pasado alas otso na ay wala pa ito. Kaya naisipan niyang unuwi na. Pero habang pauwi siya ay may lumapit naman sa kaniyang mga lalaking naka-face masks at oarang nakainom.
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...