KABANATA 90

30 7 32
                                    

"Parang naligaw yata 'yong jowa mo, kambal," sabi ni Jhoana.

"Jowa?! Ako? Excuse me, hindi ko 'yan jowa," sabi naman ni Kyzha na padabog na naupo sa puwesto niya.

Nagtatawanan naman ang boys. "Ken, sa'n punta mo? Boracay?" natatawa pa ring sabi ni Jah.

Nakasuot ito ng sando, Hawaiian shorts at naka-shades pa ito.

Lumakad si Ken na parang modelo. "Walang pakialamanan. Ganito porma ko, bakit ba? Saka summer naman ngayon."

"Korea tayo pupunta. Hindi tayo sa Pinas magpe-perform. Bakit ganiyan suot mo?" natatawa na rin si Josh.

"Kayo naman, balot na balot? Hindi bagay sa pupuntahan natin 'yan," nakangising sabi ni Ken.

"Siraulo ka. Maupo ka na nga at tara na," sabi naman ni Pablo.

"Ikaw ba piloto, dre? Makaaya ka," banat pa ni Ken kaya nagtawanan ulit sila.

Hindi nagtagal ay dumating si CJ. Nakasuot ito ng floral summer dress, naka summer hat, at shades.

"Magkapatid nga sila," komento ni Jea.

Ngumiti ito. "Paalis na tayo. Pero bago 'yon, magkakaroon kayo ng seating arrangement."

"What? Ano 'to classroom? Pati ba naman rito?" inis na sabi ni Laude.

"Akong may ari ng eroplano kaya akong masusunod," sabi naman ni CJ.

"Patay, naiwan ko passport ko," natatarantang sabi ni Pablo.

"Hayaan mo na, dre. Wala rin akong passport, iniwan ko. Ayos lang dalawa tayong walang passport," segunda ni Ken.

"Gago! Mahuhuli kayo ro'n," sabi ni Josh.

"Hindi naman kami papahuli," sagot ni Ken.

"Tahimik!" mataray na sabi ni CJ. "Akong mag-aayos ng arrangement niyo. Ready?"

"As if may choice kami," maarteng sabi ni Kyzha at tumayo na.

Halos lahat ng babae maliban kay Kyra ay nag-react nang nakapuwesto na sila. Inayos kasi sila ni CJ ng babae at lalaki.

Tabi sina Jhoana at Jah, Ken at Kyzha, Kyra at Stell, Jea at RJ, Josh at Louise, at Laude at Pablo.

"Wala bang ibang p'wedeng katabi?" inis na sabi ni Jhoana.

"Kambal, palit tayo," sabi naman ni Kyzha.

"Walang lilipat. Ganyan ang puwesto niyo papunta at pabalik. Para tahimik ang maging byahe natin dahil alam kong hindi kayo mag-uusap," makahulugang sabi ni CJ bago naupo sa bandang unahan katabi ni Miss Luna.

"Ate, gusto mo palit tayo?" alok ni Jea.

"Wow! Parang ako pa ang lugi. Sino ba may sabing gusto kong tumabi sa taong nagpahamak sa sariling pinsan niya?" hirit ni RJ bago pumikit na.

Napayuko na lang si Jea at pinilit isawalang bahala ang sinabi ni RJ.

"You want to use my pillow?" offer naman ni Pablo nang ihilig ni Laude ang ulo sa bintana.

"No, thanks. Mas komportamble ako rito kaysa magkaroon ng pabor galing sa 'yo," malamig biyang sabi.

"Malamig pala 'yong aircon. Masarap yatang may kayakap," sabi naman ni Ken.

"Sinong may sabing magganyan ka? Tawagan mo si Sofia, magpayakap ka!" inis na sagot ni Kyzha bago isalpak ang earphones sa tainga niya at nanood na lang ng K-drama.

"Buti na lang good boy ako," sabi naman ni Stell habang yakap si Kyra na nakasandal sa balikat niya.

"Dapat lang. Kung ayaw mong iwanan kita."

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon