"Mukha ba 'kong nagbibiro?" inis na tanong ni Laude.
Natahimik si Pablo at nag-focus sa pagluluto hanggang sa mubos ni Laude ang kape niya. Pinili ni Pablo na manahaimik at tiiisin ang hindi nito pamamansin sa kaniya. Naisip niyang mas mabuti na iyon kaysa umalis ito sa harap niya.
"Malapit na 'tong maluto. Sabay na kayo sa amin?" alok ni Pablo kay Laude.
Balewala namang tumingin si Laude sa kaniya. "Mauna na kayo. Kung gusto nilang sumabay, ayos naman. Sabay na lang kami ni Zen."
Ngumiti si Pablo. "Kung may maganda mang naidulot ang mga nangyari, 'yon ay mas naging close mo ang mga kapatid ko."
"'Wag mong bigyan ng ibig sabihin 'yon," sagot ni Laude bago siya tumayo. Aalis na sana siya pero napahinto siya sa sinabi ng binata.
"Alam kong galit ka pa rin. Pero sana pakingan mo rin ako," sinserong sabi ni Pablo.
"Not now," sabi ni Laude na hindi ito nililingon.
"I will wait, eben it takes forever."
Ngumisi si Laude. "Madaling sabihin 'yan, Braces. Pero mahirap gawin," aniya bago niya ito tuluyang inwan.
NAKAUPO sina Jhoana at Jea sa dalampasigan. Kayayari lang nilang kumain at naisipan nilang maglakad-lakad hanggang sa makaramdam sila ng hapo kaya naupo muna sila.
"Kamusta kayo ni RJ?" tanong ni Jhoana.
Nakatanaw si Jea sa malawak na karagatan. "Gano'n pa rin. Ayos lang naman. Gets ko kung bakit siya nagalit. Nagkaroon siya ng masamang girlfriend."
Tinapik ni Jhoana si Jea sa braso. "Masama agad? Hindi mo naman alam na gano'n ang mangyayari."
Napabuga siya ng mamalim na hininga. "Pero mali pa rin 'yong ginawa ko."
"Kung alam mo lang na gano'n 'yong mangyayari, sure akong hindi mo na sana pinapunta si Ate Kim do'n, best," nakangiting sabi ni Jhoana.
"Hindi mo naman ginusto 'yon, hindi ba?"
Napalingon sina Jea at Jhoana sa nagsalita. Nakasuot ito ng sando at bulaklakang asul na shorts. Inalis nito ang shades niya at matamang tumingin kay Jea. "Nagmahal ka lang naman."
"R-RJ... A-Anong ginagawa mo rito?" natatarantang sabi ni Jea.
"Nandito ko para magalaba," anito. Sinamaan siya ni Jhoana ng tingin kaya naman agad nitong binawi ang sinabi. "Joke lang. Gusto sana kitang makausap." Nakikiusap na tiningna n niya si Jhoana.
"So, ito na 'yong part na aalis ako at iiwan ko kayo, gano'n?" nagbibirong sabi nito.
"P'wede ka namang mag-stay, best. Ayos lang naman sa akin kahit andito ka."
Tumayo si Jhoana at pinagpag ang pang-upo. "Hindi na. Baka makaistorbo pa 'ko," pairap nitong sabi bago umalis.
Mahabang katahimikan ang lumipas bago ito binasag ni Jea.
"Bakit?"
Naupo ni RJ sa tabi niya saka seryosong tumingin sa kaniya. "I just wanna apologize."
Kuot noo siyang tumingin dito. Pilit niyang inaaninag kung sinsero ba ito o nagbibiro lang. Napabuntong hininga siya saka muling tumingin sa dagat. "Wala ka namang kasalanan. Alam kong nagulat ka at nagalit sa ginawa ko no'n."
"Sana ankinig muna 'ko sa 'yo. Sana pinakinggan ko 'yong dahilan mo," sagot nito.
Ngumiti si Jea. "What you did is usual. Kahit ako rin 'yong nasa sitwasyon mo siguro gano'n din ang magiging reaksyon ko. Magagalit din ako, lalayo."
"Kung alam ko lang na gano'n pala, sana hindi ako nagalit," ani RJ.
"Pero hindi mo nga alam. Saka wala rin naman talaga 'kong balak sabihin. Tapos na 'yon, eh. Nakaraan na, nakaraan na pilit kong ibinabaon sa limot. Akala ko kasi hindi na mauungkat." Ngumiti si Jea ng mapait bago tumingin kay RJ. Nakatitig ito sa kaniya.
"Naiintindihan ko na ngayon, moo," anito sabay hawak sa mga kamay niya.
Umiling si Jea. "Sa ngayon, I don't deserve you, RJ. Lahat ng ginawa ko no'n kailangan kong pagbayaran. Naging miserable ang buhay ng ate ko dahil sa akin."
"Pero hindi mo naman sinasadya 'yon," giit ni RJ.
Inalis ni Jea ang pagkakahawak ni RJ sa mga kamay niya. "Sinadya ko man o hindi, kasalanan ko pa rin. I should be responsible for my actions. Kung may natutuhan man ako sa nangyrai, 'yon ay harapin ang mga bagay na ginawa ko, ginagawa ko, at gagawin pa."
"Then, let me be by your side. Sasamahan kitang harapin lahat 'yon," nagsusumamong sabi ni RJ.
Humarap si Jea kay RJ. Nginitian niya ito. "Thank you. Salamat sa pag-intindi mo sa akin. Sobrang saya ko dahil after all those things, naintindihan mo na rin ako. Pero..." she took a deep sigh. "Pero this time, I want to do this alone. Alam kong gusto mo 'kong samahan, kaya lang kailangan ko 'tong haraping mag-isa."
Nabakas ang pagtutol sa mukha ni RJ kaya naman nagpatuloy si Jea. "May mga bagay na masayang gawin ng magkasama. May mga bagay na masarap gawin lalo na kung kasama natin ang taong mahal natin... taong nagbigay ng kulay sa magulo nating mundo. Pero, may mga bagay rin na kailangang gawin at lagpasang mag-isa. Hindi dahil sa gusto nating maging mag-isa, kung hindi dahil kailangan natin 'yong pagdaanan at tapusin ng mag-isa."
Hinawakan ni Jea ang mukha ni RJ. Mapait siyang ngumiti. "I'm sorry for everything. Alam kong nasaktan ka rin... na-disappoint. Pero I need to heal myself. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung anong posibleng mangayari sa atin sa future, but I won't stop you in case you'll fall for another girl. It's my choice. I'm choosing myself. I'm choosing my ate, for now."
Tumayo siya at tinalikuran ang binata. Hahakbang na sana siya palayo nang yakapin siya nito. "Hihintayin kita. I'll wait until you're okay. I promise."
Ngumiti siya. "No. Don't make any promise. Hindi mo kailangang maghintay. Maraming p'wedeng mangyari. Hindi mo kailangang sayangin ang oras mo sa paghihintay sa akin."
"I understand. You chose yourself, your family. Pero hihintayin kita. I'll fix myself while your fixing yours. Pangako, hihintaying kita."
Inalis ni Jea ang braso ni RJ. "If you want to, bahala ka. But, at least don't make any promises, para hindi mo require na gawin."
Lumakad siya palayo rito. This time hindi na siya umiyak. Hindi na niya kailangang umiyak dahil sa dami nang nagawa niya, ngayon niya naramdaman na tama ang desisyon niya.
Hindi mali ang magmahal. Pero sa mga oras na iyon, naisip niyang makapaghihintay iyon. Sa dami ng nangyari, gusto muna niyang ayusin ang sarili niya. Kung darating man ang araw na magmamahal ulit siya, sisiguruhin niyang handa na siya... buo na siya.
A/N
Hello mga mare! Hay sobrang busy. HEHEHE pero ito na nakapag-UD na ulit. Goal kong matapos ito bago ang pasukan. WAHAHAHAHA mamaya ulit. Babush muna.
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...