KABANATA 89

30 6 41
                                    

Nataranta si Jea nang mabasa niya ang chats sa GC nila.

May sarili silang GC na mga girls simula nang isa-isa silang mag-leave sa GC nila kasama ang SB19.

GC ng mga Sinayang

Jhoana: Best nasaan na kayo? Kayo na lang ang hinihintay.

Kyra: Kaya nga. Parang ang layo ng bahay niyo sa university. Kayo pa late.

Louise: 'Wag kang maniwala. Wala pa nga si Ken.

Kyzha: Lagi namang late 'yon.

Jhoana: Naks! Naalala mo?

Kyzha: Gaga! Nagsasabi lang ako ng totoo.

Jea: Ito na nga. Na-late kasing gumayak si Ate Kim. Hinihintay ko na lang siya rito sa baba.

Louise: Felling ko ayaw niya talagang sumama.

Kyra: Samed.

Jea: Sige na. Andito na si Ate Kim. Papunta na kami diyan.


Agad siyang nag-off line nang makitang pababa na si Laude. May dala itong maleta at tamad na bumaba.

"Akala ko matagal ka pa, eh," sabi niya.

"Ayoko nga sanang sumama. Kung hindi lang mahirap ang requirements kay Miss Luna, baka nagpaiwan na 'ko," tamad nitong sabi. 

Naglakad na sila palabas ng bahay matapos tawagan ang daddy na nasa Cebu at bilinan ang mga kasambahay. Agad silang sumakay sa sasakyan at nagpahatid kay manong sa univesity.

INIP na naupo si Pablo sa shuttle kung saan sila sasakay papuntang airport. Nasa bandang pangatlong upuan siya sa gawing kaliwa malapit sa bintana.

Maaga silang nakarating pero hindi pa sila makaalis dahil wala pa sina Laide, Jea at Ken.

Naagawa ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone niyang nakakunekta sa kaniyang pocket wifi.

SB19 💙

Stell: Sino pa kulang? Baka ma-late tayo sa flight natin?

Jah: Excited, Stell? Wala pa nga si Ken.

RJ: Gisingin niyo na lang ako 'pag nasa airport na. Inaantok pa ko.

Pablo: You should have stayed in our house. Sumama ka pa kung matutulog ka lang naman pala.

RJ: Sayang exempted. Basta gisingin niyo na lang ako.

Josh: Bukas pa tayo makakaalis, bukas pa darating si Ken HAHAHAHA

Ken: Malapit na ko.

Stell: Kanina ka pa malapit. Naunahan ka pa nila Laude.

Pablo: They're here? Sasama siya?

Jah: Hindi maiiwan sila kaya nandito. Ihahatid lang tayo.

Pablo: Da*n you, De dios!

Josh: Punta na lang kami sa tabi mo, Pablo. Para tayong tanga. Magkakalapit lang tayo, dito pa tayo nag-uusap.

Jah: (2)

Pablo: Kayo lang nag-chat. Nag-reply lang ako. Awit.

Lumapit na sina Jah sa gawi niya at humanap na ng puwesto. Ilang sandali pa ay pumasok na rin ang mga babae at pumwesto naman sa kabilang bahagi ng shuttle.

"Kumpleto na ba?" tanong ni Miss Luna na nakasuot ng itim na Jacket at blue skinny jeans.

"Miss Luna, bagay po sa inyo 'yong naka-civillian. Lagi po kasi kayong naka-uniform kahit may event," sabi ni Stell.

Napairap si Miss Luna saka itinuloy ang sasabihin. "Well, mukhang kumpleto na kayo. P'wede an tayong umalis."

"Kasama po kayo?" tanong ni Jah.

"Malamang. Siya manager niyo," mataray na sagot ni Jhoana.

"Ooohhh! Burn!" sabi naman ni Louise na napapangiti.

Napayuko na lang si Jah at inasikaso abg cellphone niya.

"Wala pa po si Ken saka si Miss CJ," sabi naman ni Josh habang inaayos ang upo.

"Sa airport na sila tutuloy. We'll use their private plane. Baka nga nandoon na sila," sabi ni Miss Luna saka naupo sa bandang unahan at sinensyasan ang driver na lumarga na.

Wala silang imikan sa byahe. Walang gustong magsalita sa kanila bukod pa sa may kaniya-kaniya silang ginagawa sa cellphones nila para malibang sa byahe.

"Shit!"

Nakuha ang atensyon nila nang sumigaw at umatungal si Jea. Magjng ang boys ay napalingon sa gawi nila at mukhang nag-aalala.

"Napano ka?" tanong ni Laude na inalis pa ang air pods niya.

"Si Maxpein at Deib, nag-break na!" maiyak-iyak niyang sabi.

"'Yun lang pala, best," napapailing na sabi ni Jhoana.

"Teka, sino si Maxpein at Deib?" tanong ni Stell. Katabi nito si Kyra. Nakapuwesto sila sa tapat ng upuan ni Jea at Laude.

"Fictional characters sa binabasa niyang story sa Wattpad," si Kyra na ang sumagot.

"'Yon lang naiyak ka na?" natatawang sabi ni Stell.

"Ang tatag kasi nila, tapos magb-break pala sila," nakanguso pa ring sabi ni Jea.

"Gano'n talaga. Sa totoong buhay nga naghihiwalay at niloloko ng lalaki ang girlfriend niya, sa story pa kaya?" sabi ni Laude.

"Ooohhh! Awit," sabi ni Kyra.

Naiyuko ni Pablo ang ulo niya. Alam niyang may kasalanan siya noon, kaya tanggap niyang magagalit ito sa kaniya.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang airport. At dahil sa private plane nina Ken sila sasakay ay dumiretso na sila agad doon at hindi na sila hinigpitan masyado ng security.

Inayos muna nila ang mga gamit nila bago sila naupo. Gaya sa shuttle, sa bandang kaliwa ang mga lalaki, at sa kanan naman ang nga babae.

"Akala ko andito na si Ken," sabi ni Josh na nag-aayos ng ng bag niya.

"Asa ka naman do'n. Baka nga tulog pa 'yon hanggang ngayon," sabi naman ni Jah.

"Palibhasa eroplano nila 'to," sabi ulit ni Josh.

"Hinahanap niyo ko?" bungad ni Ken na nagpanganga sa mga tao sa loob mg eroplano.

"Ay, sira na ulo mo. Bakit nakaganyan ka?"

A/N

Halloo. Pasensya na hindi ako nakapag-UD kanina. May ginawa lang ako. Medyo marami kaya hindi ako nakapag-type. Anyway, sana ayos lang kayo. Keep safe, mga mare. 😘










HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon