KABANATA 45

38 7 49
                                    

Busy sa pag-browse ng cellphone si Louise. Katabi niya si Jea na abot tainga ang ngiti. Naupo sila sa sofa dahil wala namang engagement ang boys ngayon. Malapit na rin ang sem break kaya naman busy ang lahat. Maliban sa kanilang dalawa na easy-easy lang.

Nakatutok si Laude sa binabasa niya habang katabi niya si Pablo at kinukulit ito.

"Braces, ano ba? Nagbabasa 'yong tao, eh," reklamo ni Laude dahil kinuha ni Pablo ang notebook niya.

Tumawa ito. "Ay tao ka pala, akala ko Amazona. Ano ba 'tong binabasa mo?"

Masama niyang tiningnan ito saka tinangkang kuhanin ang notebook niya. "Braces, isa! Malilintikan ka talaga sa'kin!"

"Patingin lang," anito at tiningnan ang notebook niya. "Ang pangit naman pala ng sulat mo, ipinagdadamot mo pa," pang-aasar nito. Sa sobrang inis ay binatukan ito ni Laude. "Aray! Girlfriend, you're too harsh!"

"Kapal na mukha mo, Braces! Buti nga ako may notes, ikaw?" taas kilay nitong sabi.

"I don't need notes, girlfriend. The information is stored in my brain. Hindi ko na kailangan niyan," pagyayabang nito.

"Ang yabang. Kaya ka iniwan eh," bulong ni Laude.

"Hindi ako iniwan. Ako 'yung kusang bumitaw," seryosong sabi ni Pablo saka tumayo na at pumasok sa recording room.

Napailing na lang si Louise. "Tsk! Nangangamoy away."

Napalingon naman siya sa gawi ng piano. Nakaupo rito si Ken habang nakakandong si Kyzha.

PDA masyado 'tong dalawang 'to.

"Baby, I told you, wala akong interest sa Jerica na 'yon. Siya lang naman 'yong chat nang chat," nakangusong sabi ni Ken habang  nakasubsob ang mukha sa likod ni Kyzha.

"Sinasabi ko lang naman sa'yo. 'Pag lang nalaman kong ni-reply-an mo 'yung higad na 'yon, pagsisisihan mo, Ken Suson!"

Umuga ang balikat ni Ken, senyales na tumatawa ito.

"May nakakatawa ba, Suson?" ani Kyzha. Tumagilid siya nang kaunti upang maharap ito.

"You're cute when you're jealous, baby girl. Trust me. Wala akong pakialam sa babaeng 'yon," nakangiting sabi ni Ken.

"Promise?"

"Promise. You're my only love, baby."

Napangiwi si Louise. Eww! Masyadong malandi 'tong dalawang ito.

Napailing ulit siya nang makita naman ang sitwasyon nina Stell. Nakaupo si Stell sa sulok malapit sa pinto ng recording room, nakasuot ito ng earphones habang nagbabasa. Mahahalatang umiyak ito dahil maga pa ang mga mata.

Ano kayang nangyari?

Si Kyra naman ay nakaupo sa tabi ni Jhoana. Pareho silang seryoso sa laptop na pareho ring maga ang mga mata. Nasa gawing likuran nila si Jah na parang gustong kausapin si Jhoana.

"Hay! Sige jowa pa. 'Pag nag-away, biglang mag-iiwasan," komento niya.

"Ramdam mo rin pala, Ate Louise. Kanina pa 'yang mga iyan. Nag-iiwasan sina Kuya Stell at Ate Kyra, tapos si Jah gustong kausapin si Jhoana pero iwas din nang iwas. Madalas tumatabi pa kay Kuya Pablo para hindi makalapit si Jah," sagot ni Jea habang nagse-cellphone pa rin.

"May nangyari kaya?" taka niyang tanong.

Hindi pa man nakakasagot ay bigla nang pumasok si Nica. "Guys, parating na si Miss Luna at Ate CJ."

"Thank you, Nica," pilit ngiting sabi naman ni Stell.

Awtomatikong naghiwalay sina Ken at Kyzha habang wala namang nagbago sa puwesto ng iba.

Malaki talaga ang tulong ni Nica sa kanila. Kung hindi dahil dito ay baka matagal na silang nahuli ng mga ito.

Expected na malakas na bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si CJ na as usual ay nakapulang attire habang si Miss Luna ay naka-uniform pa rin.

"Buti nadito kayo lahat," seryosong bungad ni CJ. Matalim niyang tiningnan ang mga nasa loob ng kuwarto.

Bumaling siya kina Kyra at Laude gayon din sa iba pang babae. Iginala niya ulit ang mata niya at huminto kay Kyra. "Sino sa inyo ang nag-post ng isusuot ng SB19 sa event next week?!" galit nitong sabi.

Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Agad na binuksan ni Jea ang phone niya at nakita ang nagkalat na pictures ng susuutin daw ng SB19. "Gosh! Oo nga. Sa official IG naka-post."

Lahat sila ay tiningnan ito at nalamang nadoon nga ang mga damit.

"Shit! Pinaghirapan naming isipin 'yon, tapos ma-s-spoil lang? Sino may gawa nito?" inis na sabi ni Kyzha.

"That's why we're here! Who the hell did this?!" pasigaw ni CJ.

Wala ni isa sa kanila ang sumagot dahil wala walang alam.

Tinitigan ni CJ si Laude.

"What?!"

"You supposed to know it. Hindi ba kayo lang dalawa ang may hawak ng social media accounts?" mataray nitong sabi.

"Wait. Are you accusing us? How the hell I or we did that if we've just seen it at this point?!" inis niyang sagot.

"Then who?!" ayaw patalo ni CJ.

"I don't know! Oo, kami ni Kyra ang may hawak ng accounts, pero p'wede don't accuse us, unless you have your evidence!" Hindi na napigilan ni Laude ang mapasigaw.

"If not, then do something about it! That's your obligation!" sigaw ni CJ bago sila tinalikuran at lumabas na.

"What? Hindi nga kami," inis na sabi ni Laude kay Miss Luna na nasa harap pa rin nila.

"Kung hindi kayo, malamang may sumabotahe sa inyo," makahulugan nitong sabi bago tumalikod at sumunod na kay CJ.

Naiwan silang seryoso at pare-parehong nag-iisip.

"May kilala akong I.T student, baka matulungan tayo," sabi ni Nica matapos ayusin ang makapal niyang salamin.

Lahat sila ay napalingon sa kaniya. Halos lahat sila ay interesado.

"Baka kasi may nag-hack 'yong system kaya na-post 'yon kaninang madaling araw. Baka itinaon na tulog pa tayo," paliwanag nito.

"Tama! Do it now, Nica. Habang hindi pa ko nagdududa sa iba diyan," parinig ni Kyzha.

"Sige. Pupuntahan ko lang sila, baka matulungan tayo," dagdag ni Nica bago tumayo at lumabas na.

"Na-delete ko na 'yong post. Nag-message na rin ako sa head ng fan bases para ma-delete 'yong mga posts ng ibang fans," sabi ni Kyra.

"Thanks, Ky," sabi naman ni Laude.

"Ma-delete man 'yon, nakita na nila. Mabura man alam na nila. Kahit mawala 'yong pictures hindi na mawawala 'yong pictures sa isip ng mga fans. Kasi nangyari na," sabi naman ni Stell.

"Wait. Are we talking about the post here? Parang iba na," pagbibiro ni Josh.

Pero sa halip na matawa sila ay lalong bumigat ang sitwasyon sa loob ng silid.

A/N

Hi! Good morning! Sana good ang morning niyo at masarap ang ulam niyo. HAHAHA Ito na muna. 'Yung nga sagot sa tanong niyo ay isa-isa nating sasagutin HAHAHAHA mahina kalaban




HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon