KABANATA 77

40 6 6
                                    

Bagot na bagot si Jea sa discussion ng teacher nila. Hindi naman siya tamad mag-aral pero sa nga oras na iyon ay parang gusto niyang hilahin na lang hilahin ang oras.

Nakatulala siya ng tawagin siya ng kalikasan. Bagot na nagtaas siya ng kamay at nagpaalam na lumabas.

Tiningnan pa siya ni Jhoana at sinensyasan niya itong iihi lang siya.

Hakahinga siya ng maluwag nang natapos siyang magbawas. Naghugas muna siya ng kamay bago kumakantang lumabas ng CR.

Napatigil siya nang maramdamang may tao sa likuran niya. Lalo siyang kinabahan ng may itutok itong matalim na bagay sa tagiliran niya.

"'Wag kang maingay. Sumama ka sa amin ng maayos at nang hindi ka na masakatan," sabi nito na nakatutok pa rin ang patalim sa tagiliran niya.

Kahit kabado ay napangisi siya. "Ganiyan ka ba talaga lumaban? Bakit? Dahil ba sa lalaki? Hindi mo ba siya matalo kaya naisipan mong lumaban na lang ng hindj patas? Nakakaawa ka naman."

"Manahimik ka!" inis na sabi ng babae. Galit na galit ito at medyo nadiin ang patalim sa tagiliran niya. Hindi ito nagdugo pero ramdam niyang malapit na itong bumaon sa tagiliran niya.

"Sabi ko na. Kaya ba bumalik ka? Anong gusto mo? Bawiin siya? Pero bakit nadamay ako?" matapang niyang tanong.

"Gaga! Marami ka nang alam kaya damay ka na! Manahimik ka, kung ayaw mong dumanak ng dugo rito!" utos niya.

Pasimple siya nitong hinatak at pwersahan siyang isinama.

May mga estudyantemg nakakita sila pero dahil kilala siya sa university at normal ang kilos nito ay walang naghinala na may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila.

Sumakay sila sa kotse nito.

"Hindi talaga ko nagkamali sa kutob ko. Bakit ka ba umalis? O mali, umalis ka nga ba talaga?" pang-uuyam niya rito.

"Tumahimik ka kung gusto mo pang maabutang buhay ng pinsan mo!" giit nito.

Pinaandar nito ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ang kotse. Naramdaman na lang niya na may tao sa back seat dahil tinakpan nito ng panyo ang ilong niya na naging sanhi ng pagkahilo niya.

PRENTENG nakaupo si Laude sa back seat habang nagmamaneho si Stell. Nakapwesto naman si Pablo sa tabi niya sa passenger seat. T-in-ext naman ni Laude sina Jah na maghintay sa music room.  Baka hindi nila maabutan si Stell kaya iniwanan na nila ang mga ito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Pablo.

"Hindi ko pa alam. Basta alam kong may hindi magandang nangyari," sagot ni Stell na patingin-tingin sa paligid.

Napangisi si Laude. "Sabi na. Hindi mo alam kung nasaan siya. Bakit lumarga ka agad ng wala ka pa namang idea?"

"Nag-text sa akin si Sofia. Nakita niya raw na may kumuha kay Ky," seryosong sabi ni Stell.

"Ano? Paano niyang nakita? I mean wala naman siya sa university hindi ba? Hindi siya nag-aral doon?" taka ni Pablo.

"Nagsisimula na siya. Nagsisimula na ang laro," nakangising sabi ni Laude.

Napalingon si Pablo sa kaniya. "Mahal, anong ibig kong sabihin?"

"Bakit ka naman ite-text ni Sofia? Kailan pa siya naging concerned kay Kyra?" tanong ni Laude kay Stell.

Halos mangudngod sila nang tapakan ni Stell ang preno ng sasakyan.

"Aray! Dahan dahan naman," reklamo ni Pablo.

"Padalos-dalos ka masyado. Ibalik mo 'yong sasakyan," utos niya kay Stell.

Alanganin naman itong tumingin sa kaniya.

"Ipapaliwanag ko mamaya lahat. Basta ibalik mo sa university. Akala ko naman alam mo na. Tatawagan ko sina Jah para magkita-kita tayo sa music room," ani Laude.

Kinuha niya ang phone niya. Tatawagan pa lang sana niya si Jah nang tumunog iyon. Si Jhoana.

"Ate Kim!" sigaw nito sa kabilang linya. Halata sa boses nito na umiiyak ito.

"Bakit? Anong nangyari? May problema ba?"

"S-Si Jea, nawawala si Jea," umiiyak nitong sabi.

"Ano? Paanong pari si Jea nawawala?" inis niyang tanong.

"Nag-CR lang siya, hindi na bumalik. Ate Kim, nawawala si Jea," ulit nito.

Naikuyom niya ang kamao niya. Inaasahan na niya ito, pero hindi niya akalaing ngayon pa.

Magaling ka talaga. Kinuha mo si Kyra dahil alam mong hahanapin namin siya. Para pag-alis namin si Jea naman ang kukunin mo. Siguraduhin mo lang na handa ka.

"Magkita tayo sa music room. Hintayin niyo kami diyan."

Ibinaba niya ang cellphone niya at bumaling ka Stell. "Bumalik tayo. Pati si Jea kinuha niya."

Naikuyom niya ang kamao niya. Sinubukan niyang pakalamahin ang sarili niya pero nabigo siya.

"'Gano'n ba talaga siya kapatay na patay sa 'yo at kaya niyang gumawa ng gano'n sa iba?"

"Huh?" sabay na tanong nina Pablo at Stell.

Hindi na siya kumibo at hinintay na lang na makabalik sa university.

Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang pathway papuntang music room.

Lakad takbo na ang ginawa niya para makarating agad doon. Nakasunod naman sa kaniya sina Pablo at Stell na tuliro pa rin sa nangyayari.

Padabog niyang binuksan ang ang pinto. Inilibot niya ang paningin niya at nakitang kumpleto sila. Sina Kyra at Jea lang ang wala. Lahat ng naroon ay halatang nag-aalala.

Mabilis siyang lumapit sa mga iyon at mabilis pa sa alas kuwatrong sinapak niya si RJ. Gulat na inawat ni Pablo si Laude.

"Mahal, sandali. Huminahon ka," anito habang nakayakap sa baywang niya.

Inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Don't worry, ayos na ko. Kailangan ko lang ma-release ang inis ko."

Naupo siya sa pang-isahang sofa at hinilot ang sintido.

"Hintayin natin ang tawag niya. Tatawag 'yon," aniya sa mga kasamang nag-aalala rin at hindi malaman ang gagawin.

"'Wag kayong mag-alala. Tingin ko hindi niya sasaktan sina Jea. Isa lang naman ang kailangan niya," anito na isa-isa silang tiningnan.

A/N

Hi. Medyo naging action na ang UD natin. hahahah kailangan eh.  Not sure kung may UD pa mamaya. Pero I'll try. Hihihi



HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon