Ilang araw na silang nasa isla kaya naman bagot na bagot na si Louise. Bukod kasi sa walang signal sa isla, wala rin silang mapaglibangan bukod sa pagtambay sa dalampasigan, paliligo at pagkain.
May TV naman sa bahay nina Ken, pero mukhang sinadya rin na wala itong masagap na kahit anong istasyon. May DVD rin doon pero hindi niya trip ang movies na naroon.
Nilibang na lang niya ang sarili sa garden ng bahay at pasimpleng kinukuhanan ng litrato ang mga halaman kasama na rin ang kaniyang sarili.
"Busy ka?" bungad ni Kyra, kasama nito si Stell.
Umirap siya at itinigil ang pagpi-picture. "Ky, kung dito kayo maglalampungan ni Stell, utang na loob, 'wag dito."
Tumawa si Stell. "Grabe naman sa lampungan. Sweet lang talaga kami ni Bal," anito sabay akbay kay Kyra.
Mariin siyang pumikit. "Utang na loob. Ang sakit niyo sa mata."
"Bitter ka kasi," sabi naman ni Kyra. Naupo ito sa upuang gawa sa rattan, apat iyon at nakapuwesto kasama ang lamesang gawa rin sa rattan.
Walang nagawa si Louise at naupo na rin dahil nauna nang naupo si Stell katabi ng kasintahan.
"Bakit ba nanggugulo kayong mag-jowa?" inis niyang sabi.
"Wow, wala ka ngang ginagawa," sagot naman ni Stell.
"Masamang pumunta rito? Sa'yo 'to, 'te?" tanong naman ni Kyra.
Napatampal na lang sa noo si Louise. "Naalibadbadaran ako sa inyo, kaya p'wede 'wag kayo ritong maglingkisan."
Natawa si Stell. "Bibig ng pinsan mo, Bal. Kanina maglampungan, ngayon maglingkisan. Tawagin mo kaya si Josh para may lumingkis din dito," biro nito.
"Hoy! Tumigil ka nga!" bawal niya rito.
Natawa sina Kyra at Stell habang nakabusangot naman si Louise.
"Hindi pa rin kayo okay?" tanong ni Kyra.
Napakalumbaba siya. "Hindi pa. Hindi ko alam kung paano."
Napangiti si Stell. "Naikuwento naman na ni Jea lahat. Walang kasalanan sina Josh."
Napanguso si Louise. "Tama ka naman. Wala silang kasalanan. Ako pa yata ang mayroon. Ako yata 'yong may pinakamababaw na dahilan sa amin pero parang kami 'yong mahirap magkaayos ni Josh."
Pinitik ni Kyra ang noo ni Louise.
"Aray naman, Faith!"
Nakatanggap ulit siya ng pitik mula rito. "Nakakadalawa ka na ah! Isa pa, kahit nandito 'yang jowa mo, papatulan na kita."
"Ma-pride ka kasi. Ilang beses ka nang gustong kausapin no'ng tao, iniiwasan mo. Ikaw nga dapat ang sumuyo kay Josh eh. Sinabihan mo siya nang manyak no'ng gabing 'yon dahil lang sa sinabi ni Sofia. Dapat siya pa nga ang magalit sa'yo," mahabang sabi ni Kyra.
Napangisi niya. "Congrats! Ang haba ng sinabi mo ngayon?"
"Sira! Seryoso kasi," ani Kyra matapos siyang batukan.
"Aray naman! Nanggigigil na ko sa 'yo ah! Papatulan na talaga kita!" banta niya.
"Seryoso kasi. Bakit kailangan mong iwasan 'yong tao? Wala namang siyang ginawang mali," dagdag ni Kyra.
Napabuntong hininga si Louise. "Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Siguro nahihiya ako dahil mali pala 'yong iniisip ko sa kaniya. King hindi pa nag-break out si Jea hindi ko pa malalaman 'yong totoo. Dapat pala pinakinggan ko siya. Nakailang sampal din ako kay Josh."
"Uso kasi makinig," singit ni Stell.
"'Di kayo na! Sana all, 'di ba? Sana all walang problema," reklamo niya na tinawanan lang ng dalawa.
NAPAG-USAPAN nilang gumawa ng bonfire matapos kumain. Sina Pablo at RJ ang gumawa ng apoy habang sina Josh at Stell naman ang naghanda ng pagkain nila.
"Sasama ba tayo?" tanong ni Jea sa mga babae.
"Sama tayo," yaya ni Kyra.
"Palibhasa nandoon ang jowa mo," komento ni Jhoana.
"Bakit kasi hindi ka makipagbati kay Jah? Nagkausap naman na kayo, ah," pang-aasar ni Kyra.
"Bibig mo, sarap tahiin," sagot ni Jhoana.
"Tara. Gusto kong pumunta sa dagat," sagot naman ni Kyzha.
Napangisi.si Jhoana. "Himala! Nagkausap lang kayo ni Jah gusto mo nang sumama sa kanila."
Umirap si Kyzha. "Ayan ka na naman. Itigil mo nga 'yan."
Hindi na nila namalayan na nagawi na sila sa mga boys sa pagitan ng pagbabangayan nila.
"Nandito na pala sila," sabi ni Josh.
"Wala, picture lang namin 'to," sagot naman ni Jhoana.
"Nahawa ka na kay Jah. Corny na rin," sagot ni RJ na agad naman niyang inirapan.
Pumwesto sila sa harap ng bonfire. Magkakatabi ang mga babae gayon din ang mga lalaki. Nakahanda na rin ang mga pagkain at soft drinks nila.
"Teka, si Laude?" tanong ni Pablo.
Luminga si Jea bago sumagot. "Baka naiwan sa kusina, kuya. Ayaw yatang sumama."
Natahimik ang lahat nang makita nilang mapayuko si Pablo at naging malungkot. Naging maingay lang nang nagsimulang tumugtog si Ken ng gitara. Hindi nila napansin na may hawak pala itong gitara.
Tumikhim si Stell bago tumingin sa kanila. "Alam kong medyo awkward 'tong gagawin ko, pero kasi uuwi na tayo sa isang araw, kaya gusto ko sanang haranahin 'yong nag-iisang taong nagpasa sa akin... 'yong isang tao na nagkulay ng mundo ko. Magaling siyang mag-drawing kasi siya ang gumuhit at nagkulay ng pagkatao ko." Sinensyasan niya si Ken at nagsimula itong magtipa sa gitara. Tumingin ito Kyra na katabi lang naman niya saka nagsimulang kumanta.
Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
that you'll find your way to meNapatulala na lang si Kyra habang masaya ang puso niyang nakikinig kay Stell. Sanay naman siyang marinig ang magandang boses nito, pero tuwing kakanta ito para sa kaniya ay larang hinehele ang puso niya. Para siyang nakaririnig ng mga anghel mula sa langit.
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle, it happens
'Though I searched for an explanation
Only one thing it could be...Hinawakan ni Stell ang kamay niya at seryosong tumingin sa mga mata niya. Kasabay ng mga letrang binibigkas nito ay ang tibok ng puso niyang bumibilis dahil sa masarap na pakiramdam na hatid ng awitin nito.
That I was born for you
It was written in a star
Yes I was born for you
And the choice was never ours
If it is the power of the universe conspire to make you mine
Until the day I day
I've last the day that I was born for you..."Malapit na tayong umuwi, bal. Kaya naisip kong kantahan ka. Sana nagustuhan mo," ani Stell bago iabot ang mga bulaklak na mukhang pinitas nito sa garden nina Ken.
Napangiti si Kyra matapos tanggapin ang bulaklak. "Thank you, bal. Alam mo namang magugustuhan ko lahat basta ikaw ang may gawa."
"I love you, bal."
"I love you too, bal."
"Sana all," bulong na lang ni Louise. Nagtawanan naman sina Jea at Jhoana dahil narinig nila ito.
"Parinig ka, 'te?" tanong ni Jhoana.
"Ano? Wala naman akomg sinasabi," palusot naman ni Louise.
"Hindi lang naman ako 'yongmay harana. Sana all no more," makahulugang sabi naman ni Stell.
A/N
Wahhhhh! nakakapanibago na 3 UDs na ko. Whahahahhaha Anyway, try kong mag UD pa mamaya. Maulan dito sa amin. Hihi keep safe pala sa inyo nga mare. Maulan diyan for sure. Ingats kayo. 😘
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...