KABANATA 25

53 10 24
                                    

Halos masuya si Laude sa usapan sa university. Miyerkules na pero 'yong induction ball pa rin ang usapan ng mga junior at senior high school.

Nakaupo siya sa upuan nila habang nakatulala sa bintana. Wala sa puwesto nito si Kyra kaya naman malaya niyang nakikita ang field.

Oh my! Alam mo naisayaw ako ni Daniel! Ang guwapo!

Same, bff! Pati si Alden sinayaw ako. Ang hot niya!

Mas hot si Eñigo!

Napailing na lang siya sa narinig mula ka kaklase. Maya-maya pa ay nagkagulo sa harapan. May mga tumitili at mayroong parang kilig na kilig.

Hindi rin maalis sa isip niya 'yong Ate CJ na laging bukam-bibig ng mga kaibigan nila.

"Nakakapagtaka, bakit hindi pa nagsisimula si Ate CJ," sabi ni Stell. Nag-uusap sila ni Kyra. Permanente na itong naupo sa tabi ni Stell.

"Baka naman wala namang talagang balak si Ate CJ," sabi naman ni Kyra.

"Knowing her, alam kong mayroon. Narinig mo naman 'yong sabi niya sa ball. May changes daw, Ky," anito habang kumalumbaba at hinarap si Kyra.

Napayuko naman ito dahil nailang siya. "Bakit hindj pa siya umaaksyon. Ilang araw na, Tey."

Napabuga ito ng hangin. "Kaya nga medyo nakakatakot. Mas nakakatakot ang parating na bagyo 'pag tahimik. Hindi mo alam delikado na pala."

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka, 'yan ang panalangin ko

Napakunot ang noo niya. May hawak itong guitara at tumutugtog habang titig na titig sa kaniya.

Anong drama niya? Kala ko hindi na siya kumakanta?

Nginitian siya nito at nagpatuloy sa pagtugtog at pagkanta habang seryosong nakatingin sa kaniya.

At hindi papayag ang pusong ito...
Mawala ka sa aking piling mahal ko iyong dinggin

Nakataas ang kilay niyang tiningnan ito.

Sana all.

Ang swerte niya.

Sana ako na lang

Nagtataka niya itong tiningnan. Pero sinuklian lang siya nito ng matamis na ngiti. Inaamin niya, kinikilig siya sa mga oras na iyon.

At wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa...

Lumapit ito sa kaniya nang hindi pinunuputol ang pagkakatitig nito. Nanatili rin ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Hayop! Anong pakulo ba ito?

At sana naman ay nakikinig ka
'Pagkat aking sasabihing minamahal kita...

Sa puntonh iyon hindi niya alam ang mararamdaman niya. Inaamin niyang may parte sa puso niya na kinilig at masarap sa pakiramdam ang dulot ng ginawa niya.

Inabutan siya nito ng isang bouquet ng puting rosas na hindi na niya napansin kung sino ba ang nag-abot.

"Good morning, boss," anito na nakangiti pa rin.

"Ang haba ng buhok. Sarap gupitin," bulong ni Kyra na nagpatawa kay Stell.

"Good morning. Bakit may paganito pa?" naguguluhan niyang tanong.

Namula ang mukha nito. "Hindi ko kasi alam kung paano ka liligawan. Sabi ni Ken effective daw ito, mukhang hindi naman."

Ang drama!

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon