Back to school na. Natapos ang Christmas at New Year na hindi totally masaya si Pablo. Magkaaway sila ni Laude nang nagdaang pasko habang nagkagulo naman nang nagdaang bagong taon.
Ayos na sila ni Laude pero ramdam niyang nagbago ito. Naging tahimik ito kumpara sa dati at hindi na rin siya nito madalas kinokontra.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," bati sa kaniya ni Stell. Kapapasok lang nito sa music room.
"Pakiramdam ko nagbago si Laude," pag-amin niya.
Naupo ito sa tabi niya. "Ayos lang bang mag-comment ako?"
Tiningnan niya lang ito saka siya tumango.
Sumandal ito sa sofa saka humalukipkip. "Hindi mo siya masisisi. Takot na takot siya nang gabing 'yon, at ikaw agad ang hinanap niya. Tingin ko umasa siya na ikaw ang magliligtas sa kaniya, pero hindi ikaw ang dumating."
Huminto ito saglit. Pero nang wala siyang nakuhang tugon ay nagpatuloy ito. "Ikaw ang hinintay niya, pero si Ken ang dumating. Ayos lang sana 'yon kasi nga maa malapit si Ken. Pero ang masakit na part do'n, nahuli ka kasi may inuna kang iligtas. Ang dating kasi, parang inuna mong iligtas si Sofia."
"Pero hindi ko naman ginusto 'yon. Kargo ng kunsensya ko kung nagahasa pa siya," pangangatwiran ni Pablo.
"Nandoon na tayo. Inintindi ka naman niya, 'di ba? Kaya nga hindi ka na niya iniiwasan. Pero kasi nasaktan 'yong tao. Ex mo pa 'to 'yon. Paano kung hindi dumating si Ken?" dagdag pa ni Stell.
Natahimik si Pablo at naikuyom ang kamao niya. Malaki ang pasasalamat niya kay Ken, pero nababahala rin siya sa presensya nito.
"Intindihin mo si Laude, kasi sinusubukan ka rin niyang intindihin. Kailangan mo lang maghintay. Magiging ayos din siya."
Hindi na siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa kamay niyang magkasalikop.
"Pero. Pau." Napalingon siya rito. "Pakiramdaman mo rin si Sofia. Hindi ka pa ba sanay sa kaniya? Hindi natin alam ang galawan niya."
Tumango na lang siya rito at itinuon ang isip kung paano ba niya maibabalik sa dati ang pakikitungo ng girlfriend niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kasama niya. May dala na ang mga ito na pagkain para sa lunch nila.
Iniayos na ng mga babae ang pagkain sa lamesa. Nakahain na nang dumating si Laude. Tipid itong ngumiti at lumapit na sa lamesa.
"Sakto, Ate Kim. Lagi ka talagang sakto tuwing nakahain na," pagbibiro ni Jhoana pero tipid na ngiti lamg ang sinagot nito.
"Nahahawa ka na sa boyfriend mo. Korni ka na rin," sabi ni Kyzha na naupo na.
"Hoy! Hindi korni si Jhoana ah. Kung korni siya sana Mae-is ang pangalan niya," sabi naman ni Jah na malawak ang ngiti.
"Last mo na 'yan ha?" sabat naman ni Josh habang kumukuha ng pagkain.
"Laude, hindi ka ba kakain?" baling naman ni Ken kay Laude dahil nakatayo lang ito at nakatingin sa kanila.
Agad tumalim ang tingin nina Pablo at Kyzha.
"Ayos lang. Katatapos ko lang," sabi ni Laude na lumayo sa gawi nila at naupo na lang.
Napabuntong hininga si Pablo.
"Patience is a virtue. Suyuin mo. Kasalanan mo eh," pang-aasar ni Stell habang inaabot kay Kyra ang pagkaing nakuha na niya para rito.
Kumuha si Pablo ng pagkain niya at pagkain para kay Laude. Dinala niya ito at inalok ang kasintahan.
"Mahal, tara kain," yaya niya rito matapos ipatong ang pagkain sa lamesa.
Tipid na ngumiti si Laude. "Tapos na ko, Braces."
"Sige na, mahal. Hindi ako kakain 'pag 'di ks kumain," pagpupumilit ni Pablo
Napahinto si Laude at agad na kinuha ang pagkain. "Salamat."
"Mahal?" baling ni Pablo pagkatapos nilang kumain.
Lumapit siya kay Laude at inakbayan ito. "Kailan tayo babalik sa dati? Miss na kita."
Hindi nakasagot si Laude. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Alam niyang ramdam nitong naiilang siya.
Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. "I'm not sure. Give me time. I'm trying."
Ngumiti si Pablo at hinalikan siya sa noo. Ikinulong siya nito sa mga bisig niya bago bumulong. "Maghihintay ako, mahal ko. Naiintindihan kita."
Napakalas sila sa paglakayakap ng padabog na bumukas ang pinto. Iniluwa nito si CJ na naka-pink na corporate attire at itim na pointed shoes. Nakasunod dito si Nica na may hawak na tablet at si Miss Luna na mukhang seryoso rin.
Lahat sila ay pumunta sa conference room na kagagawa pa lamang. Naupo sila sa mga upuang nakahilera habang na unahan naupo sina Miss Luna at CJ.
"So, how's vacation? Hindi ako natutuwa sa pinaggagagawa niyo!" bungad ni CJ na halos patayin na sila sa tingin.
"Natutuwa rin ba kami sa 'yo?" seryosong sagot ni Ken.
"Who gave you the permission to talk to me like that?!" gigil na gigil nitong sabi.
"Wala. Hindi ko kailangan ng permission.Gagawin ko ang gusto ko," ani Ken habang nakangisi.
"Stop it! Let's proceed with our business," awat ni Miss Luna.
Tumalim ang tingin ni CJ bago bumaling ulit sa kaniya.
"We're here to know who's the traitor in this group," simula niya. "We've traced the owner of the account and all of you are the suspects," sabi pa nito.
"Bakit naman namin gagawin 'yon? Walang traydor sa amin," inis na sabi ni Laude.
"Hindi tayo sure diyan. Mabuti pa, tingnan natin," ani CJ sabay tingin kay Nica na naginginig naman sa takot.
"O-Opo. May kaibigan kasi akong IT. Sinubukan niyang i-trace ang IP address no'ng nag-post at na-trace niya ang Gmail ng account ng nag-leak ng pictures," paliwanang nito.
"Kung ganoon, nasaan?" sabi ni Stell.
"We'll reveal that. Pero bago 'yon. Tatanggalin kung sino man 'yon. Alam niyo ang patakaran," galit na sabi ni Miss Luna.
Umayos sila ng upo nang pumwesto na si Jea sa gitna. Pinidot nito ang tablet at inilabas ang gmail account nang nagkalat ng pictures.
"No! That's not true. Wala akong kinalaman diyan!"
A/N
Hallooo! pasensya 2 UD muna tayo today. Super tiring nv araw na ito. Inaantok na kom Good night na. Bawi ako bukas. 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...