KABANATA 4

83 12 8
                                    

ANG tagal ni Jhoana. Naiirita na si Kyzha dahil kanina pa ito nagpaalam na pupunta ng CR.

"Wala pa ba?" tanong ni Pablo. Nagtaka si Kyzha dahil isang bakol ang mukha nito.

"Something wrong?" she asked while getting her phone inside her bag.

"Badtrip. Hayaan mo na," alanganing sabi ni Stell.

Tumayo si Kyzha kaya naman agad na napatingin si Pablo. "I'll just go and find Jhoana. Gutom na 'ko kaya susunduin ko na sa CR. Kayo na lang mag-order ng food natin."

Nagsalita pa si Pablo pero hindi na niya ito pinansin at nagtungo na sa CR malapit sa building nila.

Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa CR nang may makabangga siya.

"S-sorry," anito na napayuko.

"Can't you see me? Naliliitan ka sa'kin?" aniya na namaywang sa harap ng babae. "Your name?" nagbabanta niyang sabi.

Gumuhit ang takot sa mukha ng babae. Nabahala ito na baka isumbong sa SC President. "Sorry. Hindi ko naman sinasadya," paliwanag pa niya.

"I said your name!" napasigaw na siya sa inis.

"K-Kyra," nanginginig nitong sabi.

"Wait for the president's summon." Matalim niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"And what the hell your president will do, then?" singit ng babaeng katabi nito.

Hindi pamilyar ang mukha ng babae kaya naisip niyang transferee ito. "At sino ka naman?"

Umangat ang labi nito na parang nang-iinis. "What do you care? Magsusumbong ka sa presidente niyo?"

"Do you know me?" She was pissed.

"I don't... and I don't care who you are," matapang nitong sabi.

Hinawakan ni Kyra ang babae para pigilan ito pero hindi ito nagpaawat.

"May patakaran din ba ang school na ito na 'pag may hindi sinasadyang makabangga ay isusumbong sa council? She even said sorry, yet you want her to be punished? Hindi niya sinasadya!" she shouted.

"How dare you! You really don't know me? Sino ka ba?! Wala kang karapatang sagutin ako ng ganyan!"

"You deserve to be treated this way. I don't care kung sino ka. Ayusin mo 'yang ugali mo para hindi ka nasasagot ng kung sino lang," anito at akma ng aalis. Napahinto ito bago binitiwan ang huling linya, "I'm Laude. Touch me or my friends once, I'll touch you ten times."

Naiwan siyang inis na inis. Mabuti na lang at walang tao sa CR.

That bitch! She will pay for this!

"Why you turned to be like that?" Nagulat siya ng may sumulpot sa likuran niya.

"K-Ken?"

Lumakad ito sa harap niya at sumandal sa wall ng CR.

"Ganyan ka na ba talaga?" anito.

Kyzha gave a sarcastic smile. "You made me like this. Bakit ka pa magtataka?"

"I had no choice. Naipit ako," cold na sagot ng binata.

"Talaga? Totoo ba? And you want me to believe that?!" napataas ng boses niya.

"Hindi ko akalain na may ugali ka pa lang ganiyan," he bitterly smiled.

"Now you know!" aniya. Nilagpasan niya si Ken at papasok na sana sa loob ng CR. Pero napahinto siya sa sinabi nito.

"I never regret I gave up on you."

Nasaktan siya. Parang tinusok ang puso niya. Hindi naman naging sila pero bakit parang pinatay ang puso niya? Lahat ng ala-ala nila, lahat ng mayroon sila, lahat 'yon wala na ngayon. Pero bakit may parte pa rin sa kaniya na nasasaktan?

Minahal ba niya si Ken?

Dahil sa pride, pinigil niya ang luhang parang tatakas na sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim at hinarap ito.

"Really? Parang hindi ka naman nag-enjoy sa piling ko. I can still recall how you've been addicted to my lips. You even beg for me to kiss you," aniya sabay ngiti ng matamis.

Nagtuwa siya at nagdiwang ng makitang nagbago ang ekpresyon nito.

Hindi ka pala nagsisi, pero bakit affected ka?

Lumapit siya rito at inilapit ang mukha sa binata. Ikinawit niya ang kan'yang magkabulang braso sa batok nito. She gave a peck on his lips bago bumulong.

"You will never forget me, Baby. I'm telling you."

Ngumiti siya bago tuluyang pumasok ng banyo. Napahawak siya sa labor at doon pinakawalan ang luhang kanina pa gustong umagos.

"Bakit? Bakit, Ken?"

Inayos niya ang sarili bago tuluyang lumabas ng CR.

"DAPAT hindi mo na pinatulan si Kyzha," sabi ni Louise kay Laude habang kumakain sila.

"Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko. Pinagtanggol ko lang si Kyra. Ikaw nga dapat gumawa no'n kasi magpinsan kayo, 'di ba?" ani Laude habang sumusubo ng petchay.

"Mare, hindi mo kasi naintindihan. Mali 'yong kinalaban mo," dagdag ni Louise.

Napahinto sa pagsubo si Laude. "Bakit? Anak ba s'ya ng presidente ng Pilipinas?"

"Kapatid siya ni Pablo," singit ni Kyra matapos lunukin ang lumpia sa bibig.

Gigil na tinusok ni Laude ang karne sa mangkok niya. "Kaya pala. Kaya parehong salbahe. Magkapatid pala."

"Kaya nga minsan magtimpi ka, mare. Baka mamaya mapahamak ka pa sa mga 'yon. Hindi mo sila kilala," babala ni Louise.

"As if I care. Wala akong pakialam sa mga 'yon. Saka p'wede bang 'wag mo kong tawaging mare. Ang sagwa!"

"Ang arte lang? Simula sa araw na 'to, friends na tayo," pagpupumilit pa nito.

"Ang kulit mo!"

Napangiti na lang si Kyra sa dalawa. Nasanay na siya na silang dalawa lang ni Louise ang magkasama, pero ngayon tatlo na sila.

Nag-aalala lang siya dahil mukhang takaw gulo si Laude. Masyado itong matapang. Baka mamaya mapahamak ito.

A/N

Wala akong magawa, kaya naman ito na. Last update ko na 'to ngayong araw. hahaha totoo na 'to. Sana ay masarap ang tulog niyo.

This chapter is dedicated to Kyzha Zen. 😘



HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon