"Still mad?" ani Jah habang nakatingin kay Jhoana. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa music room kung saan nakatambay ang iba.
Hindi nakasagot si Jhoana. She felt guilty. Pero hindi rin naman siya masisisi ng binata dahil hindi naman ito nagsabi sa kaniya.
Hilila siya ni Jah at pumasok sa bakanteng classroom. Isinandal siya nito sa wall at seryosong tiningnan. "Please, talk to me."
Nakaramdam na naman si Jhoana ng pamilyar na pakiramdam. Kumabog ang puso niya habang parang tumatagos ang pagkakatitig nito.
She remained silent. Hindi niya alam ang sasabihin.
"Sweetheart, I'm sorry. Hindi ko agad nasabi sa 'yo. Akala ko kasi magseselos ka 'pag nalaman mog may koneksyon pa kami ni Nadyne. Akala ko..."
Hindi na natapos ni Jah ang sasabihin niya nang magulat siya sa ginawa ni Jhoana.Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Jah. She grabbed his nape and planted a kiss on his lips. Nagulat si Jah pero kalaunan ay tinugon din nito ang halik ng dalaga. He wrapped his arms around her waist while giving her a passionate kiss. Huminto lang sila nang kapusin ng hininga.
Namula ang pisngi ni Jhoana. Hindi niya maintindihan kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin niya iyon. Pero sa huli ay hinalikan siya nito sa noo at niyakap.
"I'm sorry," ani Jhoana.
"No. Ako 'yong dapat mag-sorry. Naglihim ako sa 'yo. Pero no more secrets. Promise," sabi ni Jah na hinalikan pa ang ulo ni Jhoana.
NATAPOS ang exam week at submission ng mga requirements nila.
Hindi naman naging masyadong mabigat ang week na iyon dahil nagkaayos na sina Jah at Jhoana, pero may mga nag-iiwasan pa rin.
Papunta si Jea sa music room kahit sem break na. Kailangan mag-rehearse ng SB19 para sa event nila next week. Mag-pe-perform ang ito kasama ang iba pang PPop groups kaya naman kailangan nilang maghanda.
Hindi pa man siya nakakarating nang may gumayap sa kaniya mula sa likuran kaya naman napatili siya.
"Nagulat ba kita? Sorry, MOO."
Napairap si Jea. "Bakit ba nanggugulat ka? Saka bakit nandito ka? Bawal ka rito," babala ni Jea. Malapit na kasi sila sa music room.
"Na-miss kita, eh. Dumaan lang ako, magiging busy kasi kami today sa rehearsals kaya baka hindi kita ma-text o ma-chat maghapon," paliwanag nito bago siya niyakap.
Napangiti si Jea. "Ayos lang, naiintindihan ko naman. Teka, baka makita ka ni Ate Kim," bawal nito sa pagkakayakap sa kaniya.
Sa halip na lumayo ay lalo itong yumakap. "Pa-charge lang, para mamaya marami akong energy."
"Para-paraan ka lang, eh," sabi naman ni Jea.
Ngumiti si RJ at nagkamot ng makapal nitong kilay. "Sige na, aalis na ko, MOO. Maaga call time namin. Kumain ka ha?"
"Opo, makulit ka talaga," ani Jea.
"Ikaw lang naman 'yong kinukulit ko," sinsero nitong sabi sabay abot ng isang paper bag.
Napakunot ang noo ni Jea. "Teka, ano 'to?"
Ngumiti si RJ. "I tried cooking. I'm not sure kung okay ba 'yong lasa na 'yan. Ganyan kasi 'yong napapanood ko sa K-Drama. Sana magustuhan mo," nahihiya nitong sabi.
Ngumiti si Jea. "Thank you."
"Sige, mauna na 'ko. Don't skip your meal. I love you, MOO," sabi ni RJ bago tumalikod.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...