KABANATA 50

57 11 28
                                    

Lumipas ang mga araw, at mga linggo. Naging  busy ang SB19 sa iba't-ibang engagements nila. Nadalas ang guestings at interviews nila sa different networks at TV shows. Unti-unti namang nasanay ang mga girlssa trabaho nila bilang staff ng ShowBT kahit kadalasan ay sinusungitan sila nina Miss Luna at CJ.

Patuloy pa rin ang ligawan nina Pablo at Laude kahit madalas silang parang aso't pusa, gayon din sina Josh at Louise. Tuluyan naman nang nagkaayos sina Jhoana at Justin na parang mas tumibay pa ang relsyon dahil sa nangyari sa kanila, habang sina Kyzha at Ken ay lagi pa ring nagseselosan dahil kay Jerica. Madalas din silang nagkakatampuhan dahil sa pagiging moody ni Kyzha pero nagkakaayos rin naman sila dahil sinusuyo agad ito ni Ken. Maging sina Jea at RJ ay going strong ang relationship kahit pa patago ito dahil sa pagbabawal ni CJ dahil sa ibang banda ang binata. Sa kabilang banda ay nag-iiwasan pa rin sina Stell at Kyra. Mas naging tahimik si Kyra habang naging malapit naman sina Stell at Nica.

December na, foundation month na ng university kaya naman busy ang karamihan. Hiniling ng boys na huwag na munang tumanggap ng maraming commitments dahil members pa rin sila ng council at gusto nilang magampanan ang kanilang tungkulin. Isa pa sa dahilan nila ay gusto nilang maging normal na estudyante kahit ngayong foundation month lang dahil ga-graduate naman na sila ng grade 12.

Kasalukuyang naglalakad si Laude papuntang music room, napag-usapan kasi nila na roon mag-meeting para sa one week celebration ng foundation month. Kung tutuusin matagal pa naman iyon dahil first week pa lang ng buwan pero dahil perfectionist si Pablo, kailangan na raw nilang magplano.

Bago siya makarating sa music room ay nakasabay niya sina Louise at Josh. Nagbabangayan na naman ang mga ito kaya napailing na lang siya.

Ganyan din ba kami ni Braces? 

"Sa akin ka na kasi sumabay sa kasal," pangugulit ni Josh kay Louise. Nilalaro nito ang susi sa kaliwang kamay.

"Lolo mo! Ayoko nga. Sabay kami ni Kyra, sabit lang naman kami sa inivitation," sagot ni Louise.

"'Yun nga, sabit lang kayo, kaya kailangan may kasabay kayo. Arte naman nito," sabi ni Josh habang nagkakamot ng makapat nitong kilay.

Umirap si Louise. "Hahanap na lang kami ng ibang kasabay."

"Sino, sige nga? Kay Stell? Hindi nga sila nagpapansinan ni Kyra," maangas na sabi ni Josh habang hinahagis-hagis ang susi niya.

"Basta sa iba kami sasabay. Ayan, kay Mare," baling ni Louise kay Laude.

Napangiwi si Laude. "'Wag niyo kong idamay."

"Basta susunduin kita. December 10 pa lang susunduin na kita, kasi may party sa gabi. Kinabukasan 'yung kasal, eh. Saka 'wag ka nang sumabay kina Laude, istorbo ka pa sa kanila ni Pablo. Si Stell naman, may Nica na yata," pamimilit ni Josh.

"Bahala na nga," pagsuko ni Louise. "Pero, bakit kaya nangkaganoon si Kyra at Stell?"

"Aba, malay ko. Ikaw may pinsan do'n, 'di ba?" sagot ni Josh.

"Oo nga, ako ang may pinsan. Pero hindi ko naman itatanong kung alam ko," inis na sagot ni Louise.

"Ang ingay niyong dalawa. Para kayong aso't pusa," singit ni Laude sa dalawa.

Sabay naman itong napatingin sa kaniya. "Bakit kayo ni Pablo, hindi?" sabay pa nilang sabi.

Magsasalita pa sana sila nang makita nila si Kyra sa gili ng music room. Seryoso ito at may kausap kaya hindi sila nito napanssin.

"Oo nga, Ate Rose... Kaya nga ginawa ko 'yon kasi alam kong 'yon 'yong tama at makakabuti para sa lahat... hindi lang naman 'yong para sa 'yo, ginawa ko 'yon para rin sa kaniya kaya don't feel guilty about it... oo nga, nasasaktan ako, pero pa'nogn gagawin ko? Andito na 'to, ito naman 'yong tamang gawin..."

"Anong tamang gawin?" hindi na napigilan ni Laude ang sariling magtanong.

Tarantang pinatay ni Kyra ang cellphone at alanagnin silang hinarap. "A-Ah wal 'yon."

"Si Ate Rose 'yan? Bakit, may problema ba?" tanong ni Louise.

"W-Wala naman. Sige pasok na 'ko. Mag-start na raw," ani Kyra na naauna nang pumasok.

Nagtinginan ang tatlo bago sumunod kay Kyra. "Parang may mali," bulong pa ni Laude.

Tumayo si Pablo sa gitna nang makumpleto sila. Tumingin muna ito kay Laude bago nagsimulang magsalita.

"We'll set the foundation week on December 14-18. That will be the last week before Christmas vacation. Pero bago 'yon, do you have any suggested dates?" bungad niya.

"Wala. Sakto na rin 'yon para mag-enjoy naman ang students bago magbakasyon, saka mahirap kung masasabay sa kasal ni Japs," sabi ni Josh na nakapadekuwatro ng upo.

"Tama, December 11 ang kasal ni Japs. We can do advance preparation para hindi maging-conflict sa kasal," segunda naman ni Stell na katabi si Nica.

"Girlfriend?" baling niya kay Laude.

"Dito pa naglandian. Kala ko meeting 'to, kuya?" komento ni Kyzha na nakasandal sa balikat ni Ken.

Napataas ang kilay ni Pablo. "I was just asking if she agreed, and look at you," aniya sabay turo sa kanila ni Ken.

Laude sighed. "I have nothing against that, Braces. Besides, hindi naman ako member ng council. I'm here to help. Kung anong mapagkasunduan, doon ako."

Napakunot ang noo ni Pablo. Tinitigan niya pa ito bago nagpatuloy. "Any suggested activities?"

Nagtaas ng kamay si Kyra. "Booths."

"Pero traditional na 'yon, 'di ba? I mean taon-taon na lang may booths," sabi naman ni Nica.

"Exactly. Traditional, meaning hindi mabubuo ang event ng wala iyon, kasi traditional na nga. Nakasanayan," ayaw patalong sabi ni Kyra.

"Why can't we go beyond the traditional? 'Yong bago, 'yung kakaiba," suhestyon ni Nica.

Naibaba ni Kyra ang ballpen na hawak niya. "No. Booths really completed the events even before. Minsan hindi naman kasi kailangang humanap ng iba. Hindi kailangan sumubok ng bago o umasa sa tingin natin ay better. Kasi mas importante pa rin kun saan magiging masaya. Kahit gaano kaganda o kabago 'yon, kung hindi naman masaya wala rin," giit ni Kyra.

"Wooh! Grabe 'yang booth na 'yan, kung saan na yata nakarating," basag ni Jah.

Nanahimik na lang ang dalawa at hinayaan ang iba na mag-suggest.

Sa huli ay natapos ang meeting. Gaya nang napagkasunduan ay mangyayari ito sa December 14-18. Magkakaroon pa rin ng booths pero naisipan nilang magkaroon ng palaro ng lahi kung saan maglalaro ng iba't-ibang larong pinoy ang mga estudyante instead na intrams, nakasama rin sa suhestiyon ang gift giving para sa mga public grade school students, pageants, at ang huli ay year end party kung saan may mga students na magpe-perform.

"Girlfriend, tulala ka 'yata. May sakit ka?" Hinipo ni Pablo ang noo ni Laude. Tahinimik kasi ito hanggang sa makasakay sila sa sasakyan hanggang sa huminto na sila sa tapat ng bahay nila.

Ngumiti si Laude. "Wala, inaalala ko lang si Kyra. Parang may problema siya."

"Kung ano man 'yon, I'm sure hihingi siya ng tulong in case na hindi na niya kaya," seryosong sabi Pablo matapos hawakan ang kamay ng dalaga.

"Feeling ko ayaw niyang humingi ng tulong. Parang may itinatago siya. Nag-aalala ko, Braces," seryoso naman niyang sagot.

Agad siyang niyakap nito. Hinagod nito ang buhok niya. "Okay, if you're that concern, I'll help you find it out. Hindi ako sanay nang hindi ka masungit."

Agad kumalas si Laude. "Bwisit ka talaga! D'yan ka na nga. Panira ka ng moment, Braces!"

Lumabas na siya ng sasakyan at iniwan ito. Narinig niya pa itong tumawa at sumigaw. "I love you too, girlfriend. Ingat ka, magiging future pa kita."

Umiling na lang siya at pumasok sa loob. Narinig pa niya itong bumusina bago tuluyan niyang narinig na umalis ito.

A/N

Hello! Sorry ngayon lang nakapag-UD, may ganap ako kahapon, at busy naman kanina. HAHAHAHA ito na muna. 

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon