Tinanghali ng gising si Laude. Dahil Sabado naman ay nawala sa isip niyang may date ngayon si Jea.
Napabalikwas siya ng bangon at agad na naligo dahil init na init na siya.
Sinilip niya si Jea at hinanap sa buong bahay. Tama nga siya. Nakaalis na ito.
Tinawagan niya si Jhoana dahil alam niyang may alam ito. Pero nakakasampung tawag na siya, pero hindi pa rin ito sumasagot.
Letse ka, Jea. Mamaya ka sa akin!
Palakadlakad siya sa kuwarto ng may maisip siyang tawagan.
"Hello?" parang kagigising lang ang nasa kabilang linya.
"Braces! Nasaan ka?" bungad niya.
"Bakit? Miss mo agad ako, girlfriend?" pang-aasar nito.
"Miss mong mukha mo! Nasaan ka kako?" inis niyang tanong.
"Nasa bahay. Sabado ngayon, malamang pahinga," inis nitong sagot.
"Si RJ nand'yan ba?"
"Malay ko? Tanungan ba ko?" iritado nitong tanong.
"Hoy, braces. Hindi ito ang oras para magselos ka. Nasaan ang pinsan mo?" aniya habang nakapamaywang.
"Hindi ko nga alam."
"Alamin mo! Tingnan mo d'yan sa bahay niyo. Tinangay niya 'yong pinsan ko! Nag-date sila," inis na inis niyang sabi.
Nakarinig siya nang pagbukas ng pinto. "Ito na nga, girlfriend. Ang sungit mo."
"Hoy, Braces, mas masungit ka sa'kin. Ikaw nga laging beast mode. Sige na, hanapin mo na. Nanggigigil ako r'yan sa pinsan mo!"
"Tsk! Ito na nga. Relax, girlfriend."
"Girlfriend mo mukha mo! Nasaan na?"
Narinig ni Laude na may kausap ito.
"Wala na raw. Nakaalis na, girlfriend."
"Arrrgggg! Buset! Magbihis ka, sunduin mo 'ko," utos ni Laude.
"Ano? Why would I do that?"
"Susundan natin sila. Sa mall sila magde-date," sabi ni Laude habang nakaipit ang Cellphone at nagpapalit ng damit.
"Bakit ako?"
"Gago! Pinsan mo 'yon. Saka hindi ako sinasagot ni Jhoana. Kaya ikaw na lang. 'Pag may nangyaring masama sa pinsan ko, malilintikan ka talaga sa akin, Braces."
"Bakit hindi mo na lang kasi hayaan? Malalaki na sila," sabi ni Pablo.
"Eh, bakit hindi mo na lang din hayaan si Kyzha at Ken? Tutal matatanda na rin sila," panggagaya niya sa tono nito.
"Iba 'yon," tipid nitong sabi.
"Iba rin yon? Ano sasamahan mo ba 'ko?" inis niyang sabi.
"Let them have their privacy. Hayaan mo na sila," ani Pablo.
"Fine. Nakakainis ka talaga, Braces. Kung ayaw mo 'wag. Si Josh na lang tatawagan ko, may silbi."
Pinatay niya ang phone niya at nagmadaling gumayak. Hindi p'wedeng hindj niya bantayan ang pinsan.
Wala siyang balak tawagan si Josh. Nahihiya siya dahil hindi pa rin siya nito pinapansin. Kaya magco-commute na lang siya.
Pababa na siya ng hagdan ng tumunog ang phone niya.
"Oh?" inis niyang sabi.
"Nandito na ko sa labas, girlfriend. Bilisan mo."
Sasagot pa sana siya pero pinatay na nito ang phone.
Akala ko ayaw niya? Siraulo talaga.
Nakarating sila agad sa mall dahil na rin sa nakasasakyan naman sila. Agad iginala ni Laude ang paningin habang mabilis na naglalakad.
"Girlfriend, can you please walk slowly? Para kang may hinahabol," inis na sabi ni Pablo na nilakihan ang hakbang para maabutan siya. Halos dalawang hakbang pa lang ay naabutan na siya nito.
Inismiran niya ito. "Girlfriend your face!"
NAGPUNTA sina RJ at Jea sa isang mamahaling restaurant sa loob ng mall. Medyo kinakabahan ang binata dahil sa alam niyang broken ang dalaga at baka maikumpara siya nito kay Josh.
Pero masaya siya sa narinig sa dalaga kanina. At least, may aasahan siya rito.
Matapos kumain ay lumabas na sila ng mall. Sumakay sila sa kotse nito at nagbyahe ng ilang oras.
"Lagot tayo kay Ate Kim nito," sabi ni RJ na pinabukas siya ng pinto.
Bumungad sa kaniya ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat.
Ngumiti si Jea. "Ayos lang. I'm sure mag-e-enjoy 'yon."
Hinawakan ni RJ ang kamay ni Jea at naglakad sila sa dalampasigan. "Huh? Pa'nong mag-e-enjoy?"
"Magkasama sila ni Kuya Pau. Sure akong susundan niya ko."
"Paano mong nasabing si Kuya 'yong kasama niya?"
Nagkibit balikat si Jea. "Feeling ko lang."
Nagtagal silang naglakad na magkahaway ang kamay. Ilang minuto pa ay huminto sila at naupo sa dalampasigan. Pinili nila 'yong puwesto na hindi sila mababasa.
"It's my first time to be here," ani Jea.
"Ako man. Honestly, hindi ko alam kung saan kita dadalhin kaya tinanong ko so Jhoana kung saan ka pa hindi nakapunta," nahihiyang pag-amin ni RJ.
Natawa si Jea. "Sana ako na lang 'yong tinanong mo."
"Nahihiya ako," sagot nito.
"Ang lakas ng loob mong bolahin ako, tapos 'pag magkaharap tayo, nahihiya ka?" biro niya rito.
"Seryoso ko no. Seryoso kong maganda ka. Seryoso kong gusto kita. Kasi kagusto-gusto ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iniwan ka niya. Kung ako 'yon, hindi kita binitawan," seryoso nitong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.
Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. "You don't deserve to be miserable. Tou deserve to be happy, to be love. I'm serious, gusto kita. Unag kita ko pa lang sa'yo, gusto na kita. Mahal na nga yata kita. Kasi nakakaramdam ako ng selos 'pag malapit ka sa kan'ya, at masaya naman ako tuwing kasama kita."
Jeanwas speechless. Naging sila ni Josh pero ngayon lang siya pinahalagahan ng ganito. Magaan ang pakiramdam niya sa binata kahit pa kailan lang niya ito nakilala.
"Speechless, huh?" ngumiti ito sa kaniya bago siya hinalikan sa noo. "I know you're shocked. Hindi kita pipiliting sumagot ngayon. Alam kong naguguluhan ka pa at ayokong pagsisihan mo ang isasagot mo. I'm willing to wait."
RJ just hugged her and stayed that way hanggang sa maisipan na nilang bumalik sa kanila.
Just wait. Hindi ko pa alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Gusto kong makasigurado at ayokong masaktan ka kung mali pala ko.
A/N
Hallooooo. Kaya pa ba ng isa pang chapter? HAHHAA sana kaya pa. 😘
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...