Maagang nagising si Jhoana. Sa totoo lang ay hindi siya nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi, bukod kasi sa namamahay siya ay naisip niya ang nangyari nang gabing iyon.
Ikinuwento ni Zen at Louise ang nangyari kay Jea. Hindi na raw sila ulit nag-truth or dare dahil na rin bumigat na ang mood kaya pumasok na sila sa loob at nagpasyang mamahinga.
Napakunot ang noo niya nang maramdamang may humampas ng unan sa ulo niya. Lumubog ang kabilang parte ng kama, palatandaang may naupo rito.
"Ano ba naman, Zen. Masakit kaya," reklamo niya.
"Gaga! Kagigising mo lang tulala ka na. Ano 'yang drama mo?" tanong ni Kyzha habang tinutuyo ang buhok. Galing ito sa banyo at halatang kaliligo.
"Inaatok pa 'ko," sagot niya bago magtalukbong.
"Hoy! Ano ka? Gabi ka nang nakabalik, magkukwento ka. Anong nangyari?" tanong naman ni Louise na pilit inalis ang kumot sa mukha niya. Nakabihis na rin ito at halatang nakaligo na rin.
"9 nandito na ko, ah," aniya bago puwestong naupo.
"Alas otso kaming bumalik dito. Isang oras kayong nawala. Anong ginawa niyo?" intrigerang sabi ni Kyzha.
Agad niya itong hinampas ng unan. "Utak mo talaga, may ubo minsan. Wala kaming ginawa. Kung kayo ni Ken 'yon, baka meron."
Binatukan naman ni Kyzha si Jhoana. "Makahampas ka, mas matanda pa rin ako sa 'yo ng 5 minutes. Saka kung kami man ni Ken, wala kaming gagawin no!" depensa nito.
"Kaya pala may cubicle scene kayo!" pang-aasar niya pa.
"Letse ka!" sabi ni Kyzha bago inirapan ang kakambal.
"Ano mag-aaway na lang kayo? Jhoana, magkukwento ka na!" utos ni Louise.
"Ay! Makautos, 'te?" pagbibiro ni Jhoana.
"Magkukwento ka, best?" bungad ni Jea mula sa pintuan. Kasunod nito sina Laude at Kyra. Mukhang lahat sila ay nakaligo na.
"Ayoko, inaatok pa ko," aniya na mahihiga sana pero hinila siya ni Jea at Kyzha. Napairap siya. "Oo na!"
Naglakadlakad si Jhoana sa dalampasigan. Alam niyang hindi no'n mababawasan 'yong bigat ng nararamdaman niya, pero nalilibang siya kaya hindi niya na naiisip 'yong mga nangyari.
Kahit nabasa na ang mga paa at sandals niya, naglakad siya hanggang sa may maramdaman siyang mga brasong pumulupot sa baywang niya. Kasabay no'n ang babang naramdaman niya sa kaliwang balikat.
Napapikit siya. Kahit hindi niya tingnan kilala niya kung sino iyon. Kabisado na ng katawan niya ang amoy at presensya nito.
Napabuntong hininga siya. Hinawakan niya ang braso nito at tangkang aalisin namg magsalita ito.
"Just let me stay here for some seconds, or at least minutes. Na-miss ko 'yong ganito."
Agad siyang pinangiliran ng luha. Hindi niya naisip na kahit galit siya rito ay mami-miss niya ito.
Hinayaan niya ang ganong posisyon nila hanggang sa tumikhim ito.
Gusto kong magpaliwanag sa 'yo, ngunit 'di Kinakausap
Ilang araw mo nang hindi pinapansin, nakatulala sa mga ulapTuluyan nang bumagsak ang luha niya. Parang tinutunaw ang galit sa puso niya ng boses nito.
Alam kong nasaktan na naman kita
Pero 'di ko naman sinasadya
Hinding hindi na mauulit sinta
Sana'y maniwala kaHindi na niya napigilan ang sarili. Hinawakan niya ito sa braso at inihilig ang katawan dito.
Sabihin mo na kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na kung papaano mo, mapapatawadInalis niya ang pagkakayap nito sa kaniya saka ito hinarap. Doon niya lang nakita ang mga luha sa pisngi nito. Parang may sariling isip ang mga kamay niyang pinunasan ang basa sa pisngi nito.
"I'm sorry, sweetie. I'm sorry kung hindi ko nasabi sa 'yo 'yung alam ko. Gusto ko mang sabihin sa 'yo no'n, hindi ko alam kung paano. Hindi p'wede. Kung pinoprotektahan mo si Zen, gano'n din ako kay Ken," sinserong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Kung gano'n, sabihin mo sa akin lahat. Gulong gulo !na ko, Jah. Ang daming nangyari na hindi ko alam. Akala ko kilala na kita, eh. Akala ko alam ko na lahat sa 'yo. Hindi pa pala," may halong pagtatampo niyang sabi.
Hinawakan nito ang kamay niya at seryosong sumagot. "Sige. Sasabihin ko na sa 'yo. Pero ipangako mo na hahayan mong si Ken ang magpaliwanag kay Zen."
Naguguluhan man ay tumango si Jhoana at sumang-ayon kay Jah.
"Gano'n lang 'yong pinag-usapan niyo? Inabot kayo ng isang oras?" gulat na sabi ni Jea.
"Siyempre mahabang paliwanagan 'yon. Kailangan niyang i-explain lahat," sagot naman ni Jhoana.
"Pero bati na kayo?" tanong ni Kyra.
Umiling siya. "Hindi pa."
"Hindi pa? So, makikipagbati ka?" tanong ni Laude. Nakasandal ito sa binatana at nakatanaw sa dagat.
"Ewan. Siguro," sagot naman niya.
"Marupok tawag diyan," pagbibiro ni Louise.
"Teka, ano 'yong ipapaliwanag ni Ken kay Zen?" kyuryosong tanong ni Jea.
Tumayo si Jhoana. Kailangan niyang umiwas dahil wala siya sa posisyon oara sabihin iyon. "Si Ken na lang ang magsabi kay kambal. Wala akong karapatan do'n," sagot niya. Kumuha siya ng damit sa bag at nagtungo sa banyo.
"Hoy! Sabihi mo muna. Curious ako. Hindi ako makakatulog nito," sabi pa ni Jea.
"Maaga pa para matulog, Jea. Saka hayaan mo na si Ken. Kailangan nilang mag-usap. Sala tinatamad na kong magkukwento," sabi pa ni Jhoana bago pumasok sa loob ng banyo para maligo.
"Ang daya talaga," sabi ni Louise.
"Tsismosa talaga kayo. Sige, mauna na ko sa baba. Magluluto ako ng pagkain natin," ani Laude bago lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
"Gising ka na pala. Coffee?" offer ng binata sa kaniya. Nasa harap ito ng kalan at nagluluto ng hotdogs at eggs.
"Ako na," walang gana niyang sabi bago tinungo ang coffee machine at gumawa ng kape niya.
"Can we talk, girlfriend?" malungkot nitong sabi.
"We're talking already," sagot niya habang hinahalo ang kape.
"'Yong seryoso sana," sabi ulit nito.
"Mukha ba kong nagbibiro sa paningin mo?" inis niyang sabi.
Natahimik ito at nag-focus sa niluluto. Hindi na ito kumibo hanggang sa makayari itong magluto at maubos ni Laude ang kape niya.
A/N
Hello. Pasensya na medyo nababawasan ang UD
Medyo maraming gawain eh. Whahahahhaha anyway salamat sa mga naghihintay sa UD ko everyday. Sana masarap ulam n'yo.🌾

BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...