KABANATA 72

25 5 18
                                    

Ipinikit ni Laude ang mga mata niya at hinintay bumaon sa katawan niya ang punyal. Hindi pa siya handang mamatay pero nawalan na siya nang pag-asang makaliligtas pa siya.

Napadilat siya nang makarinig ng katawang bumagsak sa sahig. Nakita niya ang katawan ng lalaki na nakahandusay pero agad ding tumayo.

Natutop niya ang kaniyang bibig nang makita ang kalaban nito. Iwinasiwas pa nito ang hawak na patalim.

"I-Ingat ka," paalala niya rito. Kung kanina ay natatakot siya para sa sarili niya. Ngayon ay mas natakot siya dahil dalawa na sila.

Napasigaw at napamura ito nang madaplisan ito sa braso. Ginantihan niya ito ng suntok sa mukha at malakas na sipa sa tagiliran, kaya naman napahiga ulit ito sa sahig.

"Laude! Girlfriend!"

Nataranta ang lalaki at agad na tumayo at tumakbo nang marinig na may parating.

Agad na lumiwanag ang kuwarto. Nakaupo si Laude sa isang sulok habang umiiyak habang si Ken naman ay may hiwa sa braso.

"Girlfriend?" agad siyang tinakbo ni Pablo at agad na niyakap. "Are you okay?"

Hindi sumagot si Laude at tiningan lang si Ken na pinupunasan ang dumugo niyang braso.

Ngumiti ito sa kaniya. "Ayos lang ako. Malayo 'to sa bituka."

"Sorry, nahuli ako," inis na sabi ni Pablo. Naiinis siya dahil hindi siya ang nakapagligtas sa girlfriend niya.

"Bakit ngayon ka lang? Natakot ako. Akala ko mamamatay na ko," humihikbi niyang sabi.

Pero bago pa makasagot ay pumasok si Sofia. "Oh God! What happened here?" Gulat at tutop niya ang bibig niya.

Parang biniyak ang puso ni Laude. Alam na niya kung bakit nahuli si Pablo. Alam na niya kung bakit nauna pang dumating si Ken sa halip na ang lalaking iniisip niyang magliligtas sa kaniya.

"I'm sorry. She's harassed on the street. Habang papunta ko rito, she's about to be raped. I just helped her," paliwanag nito.

Wala na siyang maramdaman. Manhid na yata siya. Masyado nang masakit ang puso niya.

Tumango na lang siya at tinungo ang cabinet. Kinuha niya ang medicine kit at lumapit kay Ken.

"Ayos lang ako. Wala 'to," tangi nito.

Pero hindi niya ito pinansin ag tingnan niya lang ito nang nakikiusap. Gusto niyang makaiwas sa sitwasyon niya. Gusto niyang makalimot sa katotohanang si Sofia ang pinili niyang iligtas.

Nakuha naman ito ni Ken at sumalampak na lang sa sahig. Ginaya niya ito at dahan dahang nilinisan ang sugat nito.

"Sweet. That scene is really familiar, huh?" sabi ni Sofia. Nakatingin lang ito kina Ken at Laude.

Hindi naman ito pinansin ni Laude at nagpatuloy na lang hanggang sa matapos siya.

"Thanks," simpleng sabi ni Ken.

Tumayo si Laude at ibinalik ang gamit sa cabinet.

"Mahal, let's talk?" pagsusumamo ni Pablo.

Sa puntong iyon alam niyang lalo siyang mahihirapang makipag-usap sa kasintahan. Kita niya sa mga mata nito ang disappointment sa kaniya.

Sana kausapin mo na ko. I can't take this anymore! Da*n it!

"Ate Kim!" Nagulantang sila nang magsidatingan ang mga kaibigan nila.

Alalang-ala ang mga ito at agad na tiningnan kung ayos lang ba si Laude.

"Ayos lang ako. Hindi ako ang nasugatan," walang gana nitong sagot.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon