"Ate, matagal ka pa ba?" tanong ni Jea habang kumakatok sa pinto ng kuwarto niya.
"Ito na nga. 7 pa naman ang start, 5:30 pa lang," reklamo niya habang sinusuot ang sandals niya. Tumayo siya at kinuha ang sling bag niya at lumabas na.
"Baka ma-traffic pa tayo."
"Wow, chicks!" pang-aasar ni Jea habang nakatingin sa kaniya. Nakasuot kasi siya ng fitted royal blue dress at nag-make up siya ng kaunti.
"Baka may press do'n, gaga," sagot niya.
"Tara na. Nasa baba na si Louise," yaya nito kaya sumunod na siya pababa.
Gaya ng sabi ni Jea ay nasa baba na si Louise, kasama nito si Kyra.
"Sina Jhoana?" tanong niya.
"Sila 'yong designers kaya nandoon na 'yon," paliwanag ni Louise na tumayo na.
Sumunod na sila rito palabas at agad silang sumakay sa kotse nito. Nagtaka pa siya na si Kyra ang magda-drive no'n.
"Bawal siyang mag-drive. Binawalan ni Ssob. Baka raw ma-stress pumangit ang baby nila."
Napatango na lang siya at naupo sa passenger seat. Tahimik na lang siyang nakinig sa mga ito habang nasa daan sila.
Sa likod sila dumaan nang makarating sila sa. venue ng concert. Dumiretso sila sa backstage kung saan nag-aayos ang boys.
"Kala namin hindi na kayo darating," sabi ni RJ na nag-aayos ng polo nito.
"Kasama ka sa concert?" tanong ni Laude kay RJ.
"Guest ako, Ate Kim. Ikaw hindi ka inimbita?" biro nito.
"Hindi, eh. Baka matalbugan ko raw sila," sakay niya sa biro nito.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang members ng The Juans. Kasama ni Josh ang asawa niya, kasama ni Chael si Coleen, si Jerica naman ang kasama ni Carl habang kasama ni Japs ang mag-ina niya.
"Jana!" masayang bati ni Jhoana sa anak ni Japs.
"Tita Ganda!" sabi naman nito at sinalubong ito ng yakap.
"Nice, very good ka," puri nito sa bata.
"But, Tita Idol is prettier," sabi naman nito sabay turo kay Laude kaya nagtawanan sila.
"Yes, she's the prettiest, Jana."
Napalingon sila nang pumasok si Pablo. Napalunok si Laude habang nanunukso naman ang mga tingin ng mga kasama nila.
"A-Ahm, tara na? Punta na kami sa puwesto namin. Good luck!" aniya sabay hila kay Jea at hinanap na ang upuan nila.
"Dito tayo sa VVIP," sabi ni Louise. Iginaya sila nito sa pinkaharap ng stage.
Waah! Si Miss Laude, manood ng concert!
Baka guest siya!
Baka may SB na nag-imbita sa kaniya
Baka si Pablo
Napangiti na lang si Laude at kumaway sa fans niya habang sumusunod sa mga kasama. Gusto niyang mapaatras nang makita ang puwesto nila. Nandoon ang pamilya ng SB19.
Sa totoo lang ay nakilala na niya ang mga ito dahil na rin sa tagal nilang magkakaibigan ng mga anak nito. Pero ang pagkikita nila ng mama at papa ni Pablo ang hindi niya napaghandaan.
"Ate Kim, upo ka na," sabi ni Jhoana. Natabi ito ng papa niya habang katabi naman niya si Kyzha.
In-scan niya ang bakanteng upuan pero ang bakante na lang ay sa pagitan ni Jea at Tita Grace. Naiilang man ay naupo na rin siya sa tabi nito.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...