KABANATA 98

22 6 12
                                    

Third day na nila sa isla pero wala pa.ring nangyayari sa plano ng mga boys. Pinili ni Jea ang sarili niya kaya kahit malungkot ay pinilit ni RJ na ngumiti at maging masaya para rito. Si Jah ay patuloy pa rin ang panunuyo kay Jhoana habang cold naman ang treatment ni Laude. Sina Kyzha at Louise ay hindi pa rin pinapansin sina Josh at Ken kaya naman si Stell lang ang nag-enjoy sa kanila.

"Buti pa si Stell," ani Jah habang pinapanood sina Kyra at Stell na naghahabulan sa dalampasigan. Kasalukuyan silang nakaupo sa buhanginan sa ilalim ng puno ng niyog.

"Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Jhoana?" tanong ni RJ.

Napalingon si Jah kay Jhoana. Kasama nito ang mga girls na naliligo sa dagat. "Pinapansin."

"Anong problema mo, pinapansin ka naman pala?" tanong ni Josh habang kumakain ng hilaw na mangga.

"Hindi pa rin niya ko pinapatawad," malungkot niyang sagot.

"Buti nga ikaw pinansin na," reklamo naman ni Ken habang nagd-drawing ng anime character sa buhangin.

"Susuko na lang ba kayo? At least kayo may chance pa. Ako nga wala na yata," sabi naman ni RJ.

Tumawa si Jah. "Sad boy 'yan?"

Hinagisan siya ni RJ ng buhangin. "Sira! I mean kayo may pag-asa pang mapatawad. Ako na-reject na."

"Sakit naman no'n," pang-aasar ni Josh.

"Sana hindi ka rin patawarin ni Louise," pang-aasar niya kay Josh. Agad siya nitong sinuntok ng mahina sa braso. "Joke lang!"

"Siguro dapat change of plans tayo," suggestion ni Jah.

"Pa'no?" Ken.

Umayos si Jah ng upo. "Kasi hindi nila tayo pinakikinggan 'pag tayo ang kausap nila," panimula niya.

"Oh tapos?" tanong ni Josh.

"Sandali. Patapusin mo muna 'ko. Baka makalimutan ko," reklamo niya. Tumahimik naman sila at nakinig kaya naman nagpatuloy siya. "Nakapag-explain na ko kay Jhoana kaya alam kong nalinawan na siya, kayo hindi pa rin kaya kailangan nilang marinig ang explantation niyo."

"Eh ayaw nga kaming kausapin," reklamo ni Ken.

"Teka lang kasi. Ganito, since kinakausap namin ni Zen lahat maliban kay Ken, si Louise maliban kay Josh, p'wedeng iba 'yong mag-explain sa kanila," masiglang sabi ni Jah.

"P'wede 'yon, dre. Kaso sino?" tanong ni Ken.

"Kami na kakausap kay Louise, tapos si Jah kay Zen," suggestion ni Stell na kadarating lang.

Ngumiti si Josh. "P'wede."

"Kaso si Laude walang gustong kausap kahit sino sa atin bukod kay Stell," singit ni RJ.

Biglang lumungkot ang mga mukha nila. Alam nila na hanggang ngayon ay may galit ito dahil sa nagawa nila noon.

"Si Stell na lang mag-explain kay Laude," suhestiyon ni Ken.

Umiling si Stell. "Sinubukan ko na. Pero ayaw niyang pag-usapan."

Napatingin silang lahat kay Pablo. Seryoso itong tumingin sa kanila. "I want to explain myself to her. Maganda 'yong plano pero mas gusto kong ako mismo ang magpaliwanag sa kaniya. I want to face her. Kung kailan siya ready-ng makinig saka ako magpapaliwanag. Hindi naman ako nagmamadali. Basta maghihintay ako na maging open na siya sa paliwanag ko." Tumayo ito at lumakad patungo sa rest house.

Nagkatinginan ang mga naiwan at pare-parehong nagkibit balikat.

BAGOT na nakaupo si Kyzha sa dalampasigan. Hapon na naman. Wala siyang magawa kung hindi ang panoorin ang paglubog ng araw.

Sa nakalipas na dalawang araw nila sa isla, tanging panood sa paglubog ng araw at payapang dagat ang ginagawa niya. Bukod sa pagtulog at minsang paliligo sa dagat ay ito lang ang ginagawa niya.

"Pareho talaga kayo ng kambal mo. Pareho kayong mahilig sa nature."

Napalingon siya sa nagsalita sa bandang lukuran niya. Naka-long sleeves ito at loose pants. Nakapamulsa ito habang nakatingin din sa kulay kahel na langit.

"Kung may commonalities man kami ni Jhoana, isa ro'n 'yong naa-appreciate namin ang nature," sagot niya.

Napangisi ito. "Yeah. Kaya nga click kaming dalawa."

Naramdaman niyang naupo ito sa tabi niya.

Nanatili silang tahimik hanggang sa naisipan na niyang magsalita. "Ayos na kayo?"

Iniunat nito ang mga paa at sinuportahan ang sarili sa pamagitan ng pagtukod ng mga kamay sa buhanginan. "Hindi pa. Hindi ko alam kung magiging okay pa ba kami. Pero sana. Tingin ko kasi iniisip ka niya."

Napakunot ang noo niya. "Iniisip ako? Ano namang kinalaman ko sa inyo?"

Sumeryoso ito at tiningnan siya. "Pakiramdam ko ayaw niyang siya lang ang maging masaya. Naipaliwanag ko na sa kaniya lahat. Alam kong naintindihan niya naman, pero she's holding back kasi iniisip ka niya."

Napataas ang kilay ni Kyzha. "Are you telling me it's my fault?"

Napailing si Jah. "Hindi. Ang ibig kong sabihin gusto niyang pareho kayong masaya."

Napahawak siya sa sintido niya. "Ano bang kailangan mo, De Dios?"

"I know you don't want to talk about it, pero I'm here to explain Ken's side."

Tatayo na sana siya dahil ayaw niya talagang makinig pero pinigil siya nito.

"Just let me use 3 sentences then after that you decide. Pakikinggan mo lahat nga details or aalis na lang," sabi ni Jah.

Napapikit si Kyzha at naupo na lang ulit. "Fine. Just three sentences. Para matigil ka na."

"Sige. Game," panimula ni Jah.

"One, Ken really loves you," sabi ni Jah.

Umirap si Kyzha. "That's not true."

"Teka, ano 'to exam? True or false?" nakangising sabi ni Jah.

"Just continue. You're not making sense," mataray niyang sabi.

"Two, Ken didn't, doesn't and will never love Sofia."

Tumawa si Kyzha. "Really? That's why he cheated?" sarkastiko niyang sabi.

"Kailangan talaga may side comments? P'wede patapusin mo muna ko?" nakangiting sabi ni Jah.

Umirap ulit si Kyzha. "Fine. Last sentence. Para makaalis na 'ko."

"Ken didn't cheat on you. He was blackmailed," huling linya ni Jah.

Doon nakuha ang interest ni Kyzha. Kahit pigilan niya ang sarili niya may parte sa kaniya ang umasa at naniwala sa huling kataga ng binata. May parte ng pagkatao niya na nagkaroon ng pag-asa.

"What do you mean?" hindi na niya napigilang itanong.

Ngumiti si Jah. "Ibig bang sabihin makikinig ka na sa akin?"

"Ang arte mo, De Dios! Sabihin mo na nga lang. Gusto mong lunurin kita sa dagat?"

Tumawa naman si Jah. "Ang brutal mo na, Zen. Nahawa ka na kay Laude. 'Wag kang palasama ro'n."

"Hindi mo ba sasabihin?" banta ni Kyzha.

"Oo na. Ito na sasabihin na," natatawa pa ring sabi ni Jah.

"Ang saya niyo yata? Did I miss something?"

Pareho silang gulat na napatingin sa dumating.

A/N
Ayyyyyeeeiiiiiihhhhh! I'm back for good mga mare. Whahahahhaha medyo busy talaga ko pero isisingit ko ang UD ko tuwing gabi. Anyway, ilang chapters na lang talaga 'to. Whahahahhaha Patapos na talaga. Wala na tayong magagawa. Pero mami-miss ko ang story na ito.

















HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon