Nagmartsa si Laude paakyat ng stage. Napahinto ang nasa taas niyon ng taas kilay niyang hinarap si Sofia. Maging ang mga manonod ay napatingin sa kanila.
Naestatwa naman ang SB19 dahil biglaan ang paglapit ni Laude rito.
"Bakit ka umakyat?" maarteng sabi ni Sofia.
"Bakit, may nakalagay ba na bawal? Saka sa'yo ba ito?" matapang niyang sagot habang nakapamulsa.
Lumapit siya rito ng paunti-unti. "Talented ka pala. Pati 'pag harot alam mo eh," sabi niya saka masamang tiningnan si Pablo. Agad naman itong tumayo para lumapit sa kanila, pero hindi niya ito pinansin.
"How dare you!"
"Wala ka na bang alam sabihin kung hindi 'How dare you'? Isip ka naman ng iba," pang-aasar niya rito.
"Bakit, ikaw ba may talent?" pangahahamon ni Sofia.
"Mahal, stop it," awat ni Pablo. Pero dahil inis pa rin siya ay hindi siya nagpapigil.
Ngumiti siya. "Tingin mo pupunta 'ko rito ng wala? You're underestimating me, darling. They won't say I'm better for nothing," pang-aasar niya.
Alerto na rin sina Jah, Josh, Ken at Stell dahil alam nilang hindi papatalo si Sofia at kabisado rin nila si Laude. Lahat sila ay umaaktong normal dahil walang nakakaalam sa audience sa nangyayari.
"Hey, girlfriend. You don't have to do it. You have nothing to prove," pamimilit ni Pablo.
Ngumiti si Laude. Naglakad siya at nagtungo sa gitna. "Good morning! Madaling araw na pala. Sorry for interrupting. Alam kong enjoy kayo sa kantahan, but my friend there, Sofia..." itinuro niya ang gawi ni Sofia. "Requested me to sing for you. Ayos lang ba?" tanong niya sa audience.
Hati ang naging tugon nito. May mga pumayag at mayroon din namang hindi. Pero kahit ganoon ay ngumiti siya at nagpatuloy.
Tumingin siya kay Pablo na parang nag-aalala sa kaniya.
"Trust me, Braces. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko."
Lumapit siya kay Stell at hiniram ang gitara nito. Binigay rin ni Josh ang upuan niya para makaupo siya.
"Don't worry, guys. This won't take long. Gusto ko lang pagbigyan itong kaibigan ko," makahulugan niyang sabi.
"Teka, marunong ka?" tanong ni Stell na nginitian lang niya.
Maging ang mga kaibigan niya sa baba ay nagtatanong rin kung marunong siya.
"Wait and see," sagot ni Jea.
Matagal na nang huli niyang narinig kumanta si Laude. Kaya natutuwa siya dahil naisipan na nitong kumanta ulit.
Hindi naman malaman ni Pablo ang gagawin. Gusto niyang magtiwala sa girlfriend niya pero ayaw naman niya itong mapahiya dahil lang may gusto itong patunayan.
Inayos nito ang gitara, ngumisi at nagsimulang mag-strum. Pagkatapos ay nagsalita ulit.
"Ang ganda ng kanta mo, Friend. Nakaka-proud 'yong pagkanta mo ng 'Ikaw at Ako ni Moira'. Now, let me give you my chosen version of 'Ikaw at ako'.
Nagsimula na ulit itong mag-strum. Tumingin ito sa kaniya at tumingin ulit sa gitara bago nagsimulang kumanta.
Hawakan mo ang kamay ko
Nang napakahigpitNapatulala si Pablo kay Laude. Kasabay nang pagkamangha niya sa ganda ng boses nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay nag-slow mo ang paligid at ito na lang ang nakikita niya
Pakinggan mo ang tinig ko
Oh, 'di mo ba pansin?Maging ang buong SB19 ay na-amaze na rin dahil hindi nila akalaing may talento si Laude sa musika.

BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Hayran KurguLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...