Nagsimula na ang talent showcase ng mga estudyante mula sa iba't-ibang sections. May nag-perform individually at mayroon din naman grupo.
Pinagitnaan ang bawat presentation ng performance ng Theater Arts club kung saan ay nagpakita sila ng sayaw, kanta at stage play.
Natuwa naman ang mga nanood at nakisali pa ang iba sa kantahan at sayawan.
"Moo, sa'n ka pupunta?" tanong ni Jea nang tumayo ito.
"CR lang," bulong niya at umalis na.
Kinuha na lang niya ang phone niya at binuksan ang data niyon.
Jea: Matagal pa ba ang performance? Inaantok na 'ko.
Naghintay siya ng ilang sandali at may nag-seen at nag-reply sa kaniya.
Laude: Umuwi ka na. Text ko si manong gusto mo? 🤨
Louise: Burn 🔥
Jhoana: Wait ka lang, best. Inip na inip? Hindi naman kasali si RJ sa performance 🤭
Jea: 'Di kayo na. 'Pag lang kumanta si RJ, who you kayo sa akin! 🤧
Jah: Hanapin mo 'yung paki namin HAHAHAHAHA
RJ: 'Wag niyong pagtulungan si Moo.
Kyzha: They're just stating facts. Duh! 🙄 Wala ka nga sa program!
Jea: Ate Kim, sila nga, oh! 😭🥺
Ken: Nagsumbong na, yari kayo HAHAHAHA
Nawala ang atensyon nila ng gumitna na si Sofia sa stage. Ibig sabihin ay yari na ang last performance.
"Wooh! That was hot, girls!" papuri niya sa mga babaeng nagsayaw. "Do you want more?!" maarte niyang sabi.
"More!" sagot naman ng marami.
"Ready na ba kayo sa ating last performers?!"
"Yes! Go SB19!" sigaw ng nanonood.
Ngumiti si Sofia at nag-flip ng buhok. "Same tayo. Alam niyong sobrang na-miss kong manood ng performance nila. I miss them, specially him," makahulugan niyang sabi sabay tingin kay Pablo kaya naman lalong nagwala ang mga nanonood. Karamihan ay kinikilig.
"Miss ka raw," bulong ni Laude kay Pablo na nakahawak pa rin sa kamay niya at nakikinig sa kanta sa playlist niya.
"Huh?" walang interest naman nitong sagot.
"Miss ka raw," pag-uulit niya.
Napangisi si Pablo. "I don't care anymore. What I care is you, mahal. Stop it. You're making yourself jealous." Tumahimik na lang siya at umirap.
Hindi ba maka-move on 'ting dikyang 'to? Siya naman ang nagloko tapos humaharot pa. Haliparot na babae. Sarap mong ihulog sa stage at idiretso sa ilalim ng lupa.
"Well, skip muna tayo sa pinakaaabangan nating performers ngayong gabi! May special tayong performer. Hindi siya kasali sa list ko, pero dahil pinsan to be ko naman siya ay pagbibigyan ko na. Ayos lang ba?" pa-sweet nitong sabi.
Hindi naman nagprotesta ang mga estudyante kaya naman nagpatuloy si Sofia.
"Good 'yan. May gusto raw kasi siyang kantahan, kaya naman hindi ko na patatagalin. Let's welcome him on stage. My soon to be cousin, RJ," masigla nitong bati kasabay ng mga tiliian at palakpakan ng mga audience.
Umakyat si RJ sa stage at pumwesto sa gitna kung saan baka puwesto ang mic. "Magandang gabi. Pasensya na hindi ako nakasama sa program pero narito ako sa stage," nahihiya niyang sabi.
"Ay si RJ, nasa stage," sabi ni Jah kaya naman lahat sila ay napalingon na roon.
"Sana all," sabi naman ni Jhoana.
Napakunot ang noo ni Jea. Kanina ay bagot na bagot siya pero sa mga oras na iyon ay na-excite siya.
"Ayos lang! I love you," sigaw ng isang babaeng nagwawala sa kilig.
Mahal ka ba?
Napangiti si RJ na natingin kay Jea. Kinuha niya ang gitara at isinabit ang strap nito sa balikat niya bago umayos para sa pagkanta.
"Pasenya na po, hindi ako prepared. May gusto lang akong kantahan," sabi pa niya.
"RJ, ako ba 'yan?" sigaw ng isang babae.
Isa pa 'tong maharot na 'to. RJ ko 'yan.
Napangiti si RJ. "I am dedicating this song to someone who's completing me everyday. Para hindi ka na nila asarin, I'm here to sing for you."
Ngumiti ito at nagsimula ng mag-strum. Tumingin muna ito kay Jea bago nagsimulang kumanta.
Lift your head, baby, don't be scared
Of thr things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can tryNapangiti si Jea. Hindi man nito lantarang sinabi sa maraming tao na sila, sapat na sa kaniya na kumanta ito para sa kaniya.
"Baka mapunit 'yang pisngi mo best," pang-aasar ni Jhoana na agad niyang inirapan.
Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way"Sana all," sabi ni Louise na pinipitik ang likod ni Josh.
"Queen, masakit. Mamaya 'pag ako na kumanta, himatayin ka diyan," pagbabawal nito kahit hindi ito nililingon. Alam kasi nilang may press sa paligid.
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anywayNapatitig na lang si Jea kay RJ habang kumakanta ito. Iginagala nito ang paningin pero hihinto rin ito sa kaniya saka ito ngingiti.
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this lifeHindi man aminin ni Jea ay kinikilig siya. Bawat tipa nito sa gitara kasabay ng malamyos nitong boses idagdag pa ang sinsero nitong ngiti at tingin, ay nabuo na nito ang araw niya. Napawi na nito ang inis niya.
"Laway mo, best," basag bi Jhoana.
Inirapan niya ito. Doon niya lang napansin na tapos na palang kumanta si RJ at pababa na ng stage.
"Magaling, 'di ba?" tanong ni Sofia sa mga nanonood at lahat naman ito ay sumang-ayon.
"Nasa lagi nila talaga ang magaling sa music. Napakaswerte naman no'n, RJ. Sino kaya? Naalala ko tuloy dati may kunakanta rin para sa akin," maarte niyang pagbibiro. Hindi nakaligtas kay Laude ang tingin nito sa katabi niya.
Sarap alisin 'yong mata. Hampasin kita ng gitara gusto mo?
Nagulat na lang siya nang tumayo na si Pablo. Tinawag na pala ang nga ito sa stage.
"Please, don't over think, girlfriend," bilin nito sa kaniya.
"Whatever," aniya. "Pumunta ka na, tinatawag ka na ni Sofia."
"I won't go there, unless... you promise you won't over think," ulit nito.
Umirap siya. "Fine. Just make sure you won't do anything you would regret in the end."
"I promise," anito bago siya tinalikuran at umakyat na sa stage.
A/N
Hahahaha teka butinin muna natin. Pasensya na medyo lutang ako ngayon. HAHAHHA walang motivation mag-type. Pero ito na, tatapusin na nga. HAHAHAHAHA nahiya ako sa pakindat eh 🤧
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...