KABANATA 104

26 6 22
                                    

Inayos ni Laude ang puting gown na suot niya. Abot hanggang sa sahig ang haba niyon na gawa sa mamahaling tela at may iba't-ibang beads na nakatahi doon.

Kinuha niya ang cellphone niya gayon din ang pumpon ng bulaklak na nakapabilog na nakaayos.

Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin. Nakaayos ang mukha at buhok niya. Napangiti siya.

Ilang taon na ba ang nakalipas simula ng araw na iyon? Ilang taon na ba ang nakaraan mula nang manggaling sila sa isla? Ang daming nangyari at lahat iyon ay nakatulong sa kanila para maging maayos sila ngayon.

"Aray?" napainda si Laude nang magising siya at makaramdam ng pagkirot sa ulo niya.

Iginala niya ang paningin at nakita ang sarili sa loob ng isang kuwarto. Gumapang ang takot sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya roon.

Napalitan ng galit ang takot niya nang bumukas ang pinto at iniluwa si Sofia, may kasama itong lalaki.

Pinilit niyang tumayo at lapitan ito pero naposas ang isa niyang kamay sa kama.

"Hayop ka talaga! Anong kailangan mo sa akin?!" galit niyang sabi.

Tumawa ito at tumingin sa lalaking kasama niya. Kinabahan siya sa mga ngiti at tingin nila.

"Anong balak mong gawin sa akin?" matapang niyang tanong.

Ngumisi si Sofia."Easy, Laude. Hanggang ngayon mainipin ka pa rin."

"Ano pa bang gusto mo? Nasira mo na lahat, hindi ka pa ba masaya?" aniya habang masamang nakatingin dito.

Lunapit ito sa kaniya at namaywang. "Hindi pa, eh. Hindi ako masaya, kaya nga kinuha kita. Para maging masaya ko sa gagawin ko."

"Hayop ka! Anong gagawin mo? Pagkawalan mo ko!"

"Babe, tinatakot mo naman siya," sabi ng lalaki na lumapit at umakbay kay Sofia. Nakangiti rin ito.

"Babe mo mukha mo! Tigilan mo ko, Yani. Gagawin ko gusto ko!"

"Fine. Bahala ka. He'll be here in a minute, magagalit 'yon," sabi ni Yani.

"Maganda kung gano'n. Ayoko rin namang makasama 'to nang matagal. Para matapos na," sabi ni Sofia habang nakangisi.

"Ate, magsisimula na 'yong kasal. Ready ka na?" ani Jea. Nakasuot ito ng gold na gown na lagpas sa tuhod. Nakaayos rin ito at may dalang puting rosas.

Ngumiti si Laude. "Siguro?"

"He's already in the venue. Ready ka nang makita siya?" panunukso nito.

Inirapan niya ito. "Kailangan ba dapat ready? Gano'n pa rin ang mukha no'n."

Humakabang na siya at lumabas ng dressing room. Sumunod si Jea sa kaniya at tinulungan siya sa gown niya dahil may kahabaan iyon.

Ilang sandali pa ay nasa dalampasigan na sila kung saan gaganapin ang kasal. Lumapit agad si RJ at yumakap kay Jea. Nakasuot ito ng puting long sleeves na pinatungan ng itim na vest.

"Ate Kim, ang ganda mo lalo. For sure mai-inlove lalo si Kuya Pau," anito.

Inirapan niya ito. Pero hindi nagtagal ay dumating na rin sina Kyzha na nakahawak sa baywang ni Ken, gayon din si Jhoana na nakahawak sa kamay ni Jah. Naka-gold na gown din sina Kyzha at Jhoana habang kahawig ng suot ni RJ ang dalawang lalaki.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon