Natapos ang exam nila ng ganoon pa rin ang sitwasyon. Nag-iiwasan pa rin sina Stell at Kyra, habang si Jhoana ang umiiwas kay Jah. Nakadagdag din sa awkward ng paligid ang nagdaang pag-amin ni Josh kay Louise.
Tahimik na nakaupo si Jhoana at nakaharap sa laptop niyang nakapatong sa mahabang lamesa. Nasa music room siya.
Mag-isa lang siya dahil nag-date si Jea at RJ habang busy naman ang iba sa pagpapasa at paggawa ng requirements nila.
She's finalizing her output in their subject creative writing nang biglanh bumukas ang pintuan.
Nanigas siya nang makita kung sino 'yon. Ilang araw na rin niya itong iniiwasan dahil hindi niya pa ito kayang kausapin at harapin.
May tiwala siya rito, pero masyado siyang nasaktan at nabahala sa mga nakita niya.
Paano kung may anak nga sila? Kailangan ko bang magpaubaya para sa bata?
"Finally, nasolo rin kita. Sweetheart, can we talk?" bungad ni Jah.
Nananatiling naka-focus naman si Jhoana sa screen ng laptop niya. Hindi niya ito pinansin.
Hinawakan ni Jah ang kanang kamay niya. Doon na siya napatingin na gusto niyang pagsisihan. Halos madurog ang puso niya nang makita ang luha nitong una-unahang umaagos mulasa kaniyang mata.
"Please, sweetheart. Just this one," nagmamakaawa nitong sabi.
Nagulat sila nang biglang may pumasok. "Nasaan na ba kasi 'yong-" napahinto si Laude nang makita sila. "Ay, sorry. Nag-uusap pala kayo. Sige tuloy niyo na, lalabas na ko," anito at lumabas at sinarado ang pinto.
"J-Jah, ayos lang sa'kin. No need to explain. I know he needs you. They need-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng lumuhod si Jah sa harap niya.
"Just listen, please. I'll explain everything."
Natagpuan na lang ni Jhoana ang sarili na nakasakay sa kotse ni Jah. Tahimik itong nag-da-drive habang paminsan-minsan ay tumitingin sa kaniya.
Narating nila ang isang malaking bahay. Malapit lang din ito sa subdivision nina Jah.
Bumaba sila ng sasakyan at pumasok sa loob.
Agad nmsilang sinalubong ng bata. "Daddy!"
Sa puntong iyon ay parang gusto niyang mag-back out at bumalik na kang sa university at buruhin ang sarili sa paggawa ng requirements.
Hindi ka ata kayang harapin siya.
Hinawakan ni Jah ang kamay niya habang karga ang bata. Iginaya siya nito papasok sa loob ng bahay.
Bahay mo? Parang feel at home ka.
Dumiretso sila sa garden ng bahay. Naglaro ang bata sa tabi habang naupo naman sila sa nakahanda nang lamesa.
Pinaghandaan? Sana lang maging masaya kayo pagkatapos nito.
Hindi nagtagal ay dumating na si Nadyne. Napakislot sjya at parang gusto na niyang tumayo pero hinawakan no Jah ang kamay niya at pilit na ngumiti.
"Finally, you're here!" malapad na nakangiting sabi nI Nadyne sa kaniya. Niyakap siya nito matapos ay naupo sa tapat niyang upuan.
Masayang masaya?
Hindi siya kumibo o nag-react sa ginawa ni Nadyne kaya napatawa ito. "You really love each other, don't you?"
"Of course," sabi ni Jah na nakangiti.
"Proud na proud?" pang-aasar pa ni Nadyne.
Napabuntong hininga na lang si Jhoana. Hindi niya alam kung isinama ba siya rito ni Jah para magpaliwanag o para pasakitan siya.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...