KABANATA 18

53 9 32
                                    

Tumakbo si Kyra palayo sa mga kasama niya. Hindi niya alam kung bakit parang tinutusok ang puso niya sa tuwing nakikita niya si Stell at ang pinsan niya.

Nasanay siya mula grade seven na nadiyan si Stell sa tabi niya. Kahit tahimik siyang tao ay nagagawa niyang mag-ingay tuwing kasama niya ito.

Natandaan pa niya noong magsisimula na sila sa senior high school.

"Ky, anong strand kukuhanin mo?" sabi ni Stell habang nakaupo sila sa grass field habang pinapanood ang mga kaklaseng maglaro ng volleyball.

Iniunat niya ang paa niya at itinukot ang braso sa damuhan. Nagulat siya nang mahiga si Stell sa huta niya.

"Hoy! Tumayo ka nga riyan. Baka kung anong isipin nila," bawao niya rito.

Tumawa ito. "Ayos nga 'yon. Wala namang problema sa akin kahit anong isipin nila."

Sinamaan niya lang ito ng tingin pero hindi ito nagpatinag.

"Ano na?" pangungulit nito.

Naiilang man ay tumingin siya kay Stell na nakahiga pa rin sa hita niya. "Arts and Design. Kukuha kasi ako ng fashion designing," aniya. "Ikaw?"

Napahawak ito sa baba niya na tila nag-iisip. "Cookery sana. Gusto kong mag-HRM."

"Ayos 'yon. Para naman magkahiwalay tayo. Ang kulit mo eh," nakanguso niyang sabi.

Bigla itong tumayo. "Hindi p'wede. Mamaya may umaligid pa sa'yo."

"Boyfriend kita? Tigilan mo nga ako," aniya na inilagay na ang bag niya sa hita upang hindi na ito makahiga.

"Hindi. Hindi pa. Pero 'pag hindi ka nagka-boyfriend, ako na lang. Liligawan kita," masigla nitong sabi.

"Parang tanga," ani Kyra.

"Seryoso. Kaya Arts na lang din sa'kin. Performing arts, tutal parte naman ako ng SB19. Tapos ikaw ang gagawa ng susuotin namin 'pag may guestings or concerts," excited na sabi ni Stell.

"Ayoko nga," sabi naman ni Kyra.

Ginilo ni Stell ang buhok niya. "Ayaw mo talaga 'kong kasama?" malungkot nitong sabi.

Hindi siya nakasagot. Gusto ko ba?

"Kahit ayaw mo sa akin, hindi naman kita susukuan. Basta magugustuhan mo rin ako," ani Stell saka tumayo na at nakipaglaro sa mga kaklase

"Sabi ko na nga ba nandito ka," bungad ni Louise.

Hindi niya ito nilingon at nakatulala lang sa mga damo sa hara niya.

Niyakap siya nito mula sa likuran. "I'm sorry."

"Hindi mo naman kasalanan, Faith. Nagmahal ka lang," malungkot na sabi ni Kyra. "Saka wala lang 'to. Siguro hindi lang ako sanay na nasa iba na ang atensyon niya."

Kumalas si Louise at naupo sa tabi niya. "Hindi naman napunta sa akin ang atensyon niya. Kahit magkasama kami, nasa iyo ang buong atensyon niya."

Napalingon si Kyra sa pinsan. Naiintindihan naman niya ang gusto nitong sabihin, pero ayaw itong tanggapin ng sistema niya.

"Sinubukan naman namin na kami na lang. Hindi kami gusto ng mga taong gusto namin, kaya nag-try kami. Kaso kahit anong gawin namin wala eh. Si Josh pa rin ang gusto ko, habang siya ikaw pa rin. Desperado na nga yata kami," mahabang sabi ni Louise na may tonong pait.

Lumapit si Kyra kay Louise at niyakap ito. "Willing naman akong magparaya."

Umiling si Louise. "Useless lang ang pagpaparaya mo. Kasi hindi naman namin gusto ang isa't-isa. Hindi kami magiging masaya."

Nahinto ang kadramahan nila nang may maupo sa tabi ni Kyra.

Tumayo si Louise at pinagpag ang sarili. "You two need to talk. Mauna na 'ko."

Matagal na katahimikan ang nangyari bago sila nagsalita pareho.

"Ky."
"Tey."

Napahinto sila nang sabay silang magsalita.

"Mauna ka na," sabay ulit sila.

Kaya naman tumahimik si Kyra at hinihintay na si Stell ang magsalita.

"I'm sorry. Sorry dahil sumuko ako. Alam kong nangako ako sa'yo na hindi kita susukuan. Pero ito 'yung ginawa ko. Tinakasan kita. Napagod ako,"
garalgal ang boses niyang sabi.

Tinitigan lang siya ni Kyra. Lagi namang sinasabi ni Stell na gusto siya nito, pero palaging pabiro.

Iba pala talaga kung seryoso siya.

"Alam ko puro ako biro, pero seryoso ko sa lahat ng sinabi ko sa'yo noon, at seryoso ko ngayon. No'ng sinabi kong gusto kita, seryoso ko. No'ng araw na sinabi kong nagseselos ako kay Ken, totoo 'yon. At no'ng araw na nagako akong iingatan at mamahalin kita, walang halong biro 'yon," dagdag pa nito.

Hinawakan nito ang kamay niya at seryoso siyang tiningnan. "I love you, Te amo, Mahal kita, Ky. Grade 7 pa lang gusto na kita."

Napalunok si Kyra. Hindi niya alam ang sasabihin.

Tumikhim siya at sinabing, "Tey, bakit ako? Ang daming better d'yan pero bakit ako?"

Ngumiti ito at pinisil ang kamay niya. "Maraming better d'yan pero ikaw ang the best. Maraming better pero ikaw ang nandito." itinuro nito ang dibdib niya.

"Ky, hindi kailangan ng reason para mahalin ka, kasi puso ko mismo ang pumili at tumibok para sa iyo."

Napapikit si Kyra ng mariin. "H-Hindi ko alam ang sasabihin ko."

Ngumiti si Stell at hinaplos ang pisngi niya. "Wala kang kailangang sabihin. Just let me love you. Hayaan mo 'kong patunayan ang nararamdaman ko para sa iyo. Willing akong maghintay kahit gaano oa katagal."

Naguguluhan man ay nanahimik na lang si Kyra.Sa totoo lang ay hindi niya talaga alam ang magiging reaksyon. Wala pa kasi siyang karanasan sa ganitong bagay.

"Ky?" Lumingon siya rito. "Nagselos ka?"

Agad siyang nag-iwas ng tingin at itinago ang pamumula ng mukha niya. "H-Hindi ah."

"Okay. Soon magseselos ka rin," anito saka niya hinawakan ang kamay niya at itinayo siya. "Tara na. Baka hinahanap na nila tayo."

"Sige, Stell."

"Nasaan na 'yung Tey? Mas gusto ko 'yon," kunwari ay nagtatamo si Stell.

"Para kang sira. Tayo na nga," sabi naman ni Kyra na hinatak si Stell.

"Talaga? Tayo na?" pagbibiro nito.

Umirap si Kyra. "Ang kulit."

A/N

AYAN kumpleto na. HAHAHA ay kulang pa pala ng isa. HAHAHAH pasyensya na sa ship ba hindi pa lumalayag.hahaha ganon talaga. Soon pa.

Sana ay ayos ang UD ko .

I dedicate this UD to Kyra. Ito na ang gamot sa puso mong sugatan.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon