"Gutom ka na ba?" tanong ni Pablo kay Laude.
Ilang minuto na kasi silang naghihintay kina Jah, pero wala pa rin sila dahil naiipit sa traffic at mahaba pa ang pila sa Jollibee.
"Ayos lang. Hintayin na natin sila. Hindi pa naman ako gutom," sabi ni Laude pero hindi naman nakisama ang kumakalam niyang sikmura.
Napangiti si Pablo. Kinuha nito ang container at inilabas ang pagkain doon. Ipinatong nito sa lamesa ang mga pagkain at niyaya siya.
"Let's eat," yaya nito. "Hindi masarap ang Sinigang 'pag malamig na."
Walang nagawa si Laude kung hindi ang maupo na at sumabay rito. Niyaya na rin nila si Jea na agad binuksan ang pagkain niya.
"Ano 'yan?" pang-aasar ni Laude sa pagkain ni Jea.
"Adobo?" sagot nito.
"Bakit parang anemic? Kinulang yata sa toyo," pang-aasar nito.
Inirapan siya ni Jea. "At least ako pinagluto, hindi hindi in-order-an lang," pagyayabang nito.
"I can cook anytime I want to. Name any dish at iluluto ko," pagyayabang naman ni Pablo.
"Sana all kakain na," sabi ni Kyzha na pinaringgan sila. Napahinto si Laude sa pagsubo.
"Never mind her. She'll eat once her boyfriends arrives," sabi ni Pablo na sinaamaan ng tingin ang kapatid.
"You like Sinigang? Nice, Kuya. Mahilig ka pala sa babaeng mahilig sa Sinigang? Ate Sofia likes that too, right?" sabi ni Kyzha.
"Shut up!" sigaw ni Pablo. Nawindang lahat ng tao sa loob kaya naman tumahimik na lang si Kyzha.
Hindi nagtagal ay dumating na sina Jah kaya sabay-sabay na silang kuamin.
Naunang natapos sina Pablo. Si Laude na ang nagligpit ng pinagkainan nila habang itinapon naman iyon ni Pablo.
Dahil nahuling kumain ay hindi pa rin tapos ang iba.
"Ayoko ng spicy," reklamo ni Ken nang ibigay ni Kyzha ang spicy chicken.
"Ayoko rin," sabi naman ni Kyzha.
"Ayaw mo? Mahilig ka sa maanghang ah? Saka 'yan ang order mo," komento naman ni Jhoana habang isinasawsaw sa gravy ang chicken niya.
"Ayoko, para akong masusuka," anito.
"Sayang naman, eat that," utos ni Ken.
Dahil walang choice ay sinubukan niya itong kainin. Pero kasusubo pa lang niya at nalasahan ang anghang ay parang hinalukay agad ang sikmura niya.
Dali-dali siyang tumakbo palabas ng music room. Tinungo niya ang CR at doon niya isinuka ang kinain niya.
Nag-aalala namang sumunod sa kaniya si Jhoana. "Zen, bakit?"
Nagtinginan lang silang dalawa. "Wala, tara na. Ayos na ko," sagot ni Kyzha.
6 PM natapos ang rehearsals nila. Tulad ng nakasanayan ay naghiwa-hiwalay nang marating nila ang parking lot para umuwi.
Dahil walang dalang sasakyan si Ken, kotse ni Jah ang ginamit nilang sasakyan para ihatid sina Jhoana at Kyzha.
"Kyra, dumating ba sundo mo? Sabay ako," sabi ni Louise. "Walang susundo sa akin dahil wala si Manong nag-drive kay Daddy."
Napakamot nang ulo si Kyra. "Wala rin. Akala ko may sundo ka, sa 'yo sana ko sasaby," sagot nito.
"I can drive you home," offer ni Josh sa kanila.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...