Napangisi si CJ nang makalabas ang dalaga sa opisina niya. Nasa sofa naman si Miss Luna, umiinom ng kape.
"CJ, hindi ba parang sobra na 'yong ginawa mo? Nahihirapan 'yong mga bata," panimula ni Miss Luna.
Ngumisi si CJ. "I told you, kailangan bumalik ang dating SB19. Makakasira lang sila. Kailangan mapabagsak ang kabilang talent camp."
"Kung gano'n naman pala, bakit sila pa 'yong kinuha mong staff? Ang daming iba diyan," tanong ni Miss Luna.
Humalakhak nang tuluyan si CJ. "Luna, kahit sino ang kuhanin ko, posible silang magkagusto. Isa pa, para patunayan sa kanila na wala talagang forever. Lahat ng lalaki manloloko. Hindi totoo 'yang pagmamahal na 'yan. Napatunayan mo naman, 'di ba?"
"Pero hindi lahat ng nangyari sa 'yo gano'n din ang para sa kanila," paliwanag ni Miss Luna.
Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay. "Kaya hindi sila p'wedeng maging masaya, tapos ako miserable? Bakit ba pinagtanggol mo sila?!"
Sumagot si Miss Luna matapos humigot ng kape. "Baka nakakalimutan mong teacher pa rin nila ko."
"At baka nakakalimutan mo ring ako ang nagpapasuweldo sa'yo! Ako ang dahilan kung bakit nand'yan ka! Kayang-kaya kitang palitan!"
Padabog si CJ na tumayo at iniwan si Miss Luna sa loob.
INIP na inip na si Louise sa paghihintay. Nasa garden siya malapit sa music room. Hinihintay niya 'yong ka-text at ka-call niya para sa meet up nila. Pero isang oras na siya roon ay wala pa rin ito. Halos tubuan na siya ng ugat sa paa.
"Busit! Darating pa kaya siya?" iritadong tanong ni Louise.
Ngayon lang siya naghintay ng ganoon katagal. Usually kahit humaharot siya sa iba hindi siya matitiis ng mga ito.
Maliban kay Josh siyempre.
"Hindi na darating 'yong hinihintay mo." Halos mapatalon siya ng may magsalita sa likod ng puno.
"Ano ba 'yan? Bakit ba nandito ka? Panira ka ng moment," bungad niya rito.
Ngumiti lang ito at inayos ang buhok niyang hinahangin. "Nandito ko para sabihin sa'yo na hindi na darating 'yong ka-date mo."
"Bakit marunong ka pa?" mataray niyang sabi.
"Kasi alam ko. Ano ba 'yan, dito ka lang niya ide-date? Sa school? Hindi man lang sa restaurant or sa mall." Tumayo ito sa harap niya at namulsa.
"Pakialam mo ba? Kahit saan kami mag-date, wala ka na ro'n," padiriin niyang sabi.
He smirked. "At sinong may sabing wala? Kaya nga wala kang ka-date, nandito ako."
"Gago! Ano bang pinagsasasabi mo?" inis niyang sabi.
"Bingi ka, Ulan? Hindi na nga siya darating kaya balik na sa music room," maangas nitong utos.
"At bakit kita susundin?"
"Kasi ako ang boss."
"Boss mo mukha mo! Umalis ka na nga. Baka mamaya akalain pa niyang ka-date kita."
Ngumisi si Josh. "Ayos 'yon. Saka hindi na siya darating, kasi sinapak ko na siya. Nandoon, tulog."
Lumakad na si Josh pabalik sa music room.
Dahil sa inis ay sinundan niya ito. "Gago ka ba?! Bakit mo siya sinuntok?!" iritadong sabi ni Louise.
Hindi na nila namalayang nakarating na sila sa music room habang nagbabangayan.
Naagaw nila ang atensyon ng lahat. Nag-aaral ang mga ito dahil may exams sila bago ang sem break next week.
"Kasi gusto ko," cool na sabi ni Josh.
"Ay siraulo ka, Cullen! Sinira mo 'yong meet up namin. Bad trip ka!" sigaw ni Louise.
Isinarado ni Nica ang pinto dahil baka marinig ang sigawan sa labas.
"Bakit kasi kailangan mo pang makipag-meet up do'n?! Mukha naman 'yong hito!"
"Pakialam mo ba?! Bakit mo siya sinapak?!" balik tanong niya rito.
Nakatingin lang ang mga kasama nila sa pagtatalo nila. Mabuti na lang at wala si CJ or Miss Luna.
"Dapat lang siyang sapakin. Saka nasapak ko na, wala ka nang magagawa," simple nitong sagot.
Sinuntok ni Louise si Josh habang abot naman ang ilag nito. "Napakasama ng ugali mo, Cullen! Palibhasa lahat kayo rito may kaharutan na! Masama ugali mo!" halos maiyak niyang sabi.
"Bakit kasi makikipagkita ka pa ro'n?" tanong ulit ni Josh.
Napahinto si Louise sa pagsuntok. Hinarap niya si Josh at tiningnan sa mga mata. "Gago ka ba! Ano bang pakialam mo? Buhay ko 'to, 'wag kang makialam!"
Naikuyom ni Josh ang kamao niya. "Oo gago na kung gago! Pero sasapakin ko pa rin kahit sinong i-date o i-meet mo! Hindi nga ako nagsisi na pinatulog ko 'yung manyak na mukhang hito na 'yon! Naiinis ako!"
"Siraulo ka na nga, Cullen! Wala namang ginagawa sa'yo 'yong tao. Bakit ka ba ganiyan?!" frustrated na ang tono ni Louise.
Nakatulala naman ang mga nanonood sa kanila. Para silang nanonood ng live drama sa itsura ng dalawa.
Napahilamos si Josh. "You wanna know the truth? I did that because I'm jealous! Yeah! Itong maangas na boss ng lahat nagseselos! Putang*na! Naiinis ako 'pag may ka-chat, ka-text o katawagan kang iba! Gusto kong manapak na lang bigla! Nagseselos ako, Ulan! Naiinis ako kasi wala na sa'kin 'yong atensyon mo! Naiinis ako dahil kinikilig ka na sa iba! Now tell me, mali ba 'yong sinapak ko siya dahil pinoprotektahan kita dahil manyak siya?! Mali ba na sinapak ko siya dahil nagseselos ako sa kaniya?! Mali ba 'tong nararamdaman ko?! Kasi kung mali pala, hindi ko na alam kung ano 'yong tama! Gulong-gulo na ko," mahabang litanya ni Josh.
Huminga ito ng malalim saka pinunasan ang luhang hindi niya alam na dumaloy pala. Tinalikuran niya si Louise na halatang nabigla at lumabas ng music room.
Gulat na gulat din ang mga kasama nila kaya wala ring nakapagsalita agad. Humanap si Louise ng upuan at parang nauupos na naupo roon.
"That was intense," komento ni Ken na nakaakbay kay Kyzha.
"Nagkaaminan na nga," sabi naman ni Kyzha.
"Sana all no more," pabiro naman ni Jea.
A/N
Hala. Josh naman. Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag na 'yang si Louise eh. Ayan tuloy. HAHAHAHHA anyway, sana ay nag-enjoy kayo sa UD.
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...