Napabalikwas si Kyra sa kama niya nang mabasa ang chat sa kaniya ni Stell. Tiningnan niya ang oras at pasado alas otso na pala ng umaga.
Bal ❤️
I'm sorry, Kyra. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang ituloy 'yong mayroon tayo. I'm sorry. I'm ending this. Let's break up.Magre-reply pa sana siya pero saktong pagkakita niya sa message na iyon ay naka-block na siya rito.
Ay! Gago, bakit?
Unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi siya makapaniwala na matapos ang ilang taong relasyon nila ay bibitaw na ito.
Totoo naman. Nitong mga nakaraang araw ay palagi silang nag-aaway ni Stell. Madalas ay wala na rin itong oras sa kaniya dahil sa expansion ng restaurant business nito.
Nayakap na lang niya ang sarili. Hindi siya makapaniwalang hihiwalayan siya ni Stell at sa chat pa.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" tanong ng ate niyang si Rose.
Tumingin siya rito pero sa halip na sumagot ay tumakbo siya rito at yumakap.
"'Wag mong sabihing pinaiyak ka ni Stell? Mapapatay ko 'yon," banta nito.
"Ate, wala na kami. Nakipag-break siya sa akin," humahagulgol niyang sabi.
"Ay, lintek na dinosaur na 'yon! Pagkatapos kang ipaglaban ngayon iiwanan ka?? Siraulo pala 'yon eh. Kailan nakipag-break?" galit na galit nitong sabi.
"K-Kanina lang. Nag-chat siya," sagot ni Kyra sa pagitan ng paghikbi.
"Ay, siraulo nga! Gago ba siya? Sa chat pa talaga nakipaghiwalay? Tawagan monat kakausapin ko 'yong dinosaur na 'yon!" pagalit na utos ni Rose.
"Naka-block na 'ko, ate," walang pag-asang sabi ni Kyra.
Naikuyom ni Rose ang kamao niya habang nakayakap ang kapatid sa kaniya. "Gago talaga! 'Wag magpapakita sa akin 'yon. Sigurado tatamaan 'yon sa akin!" banta pa nito.
Nahinto sila sa pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang mag-ama ni Rose.
"Babe, papasok na 'ko. Si Ronnie," ani Donny na hawak ang anak sa kamay.
Hinarap ni Rose ang asawa. "Sige, babe. Nakuha mo ba 'yong baon mo? Naka-ready na 'yon," aniya habang inaayos ang necktie nito.
Ngumiti si Donny. "Yeah. Nasa kotse na. I need to go. May presentation pa ko. I love you," anito bago hinalikan si Rose sa labi.
Lumuhod ito at hinarap ang anak. "Bahave, little boy. 'Wag bibigyan ng sakit ng ulo si mommy, okay?"
Tumango ang bata. "Yes, dad. I love you."
"I love you," anito saka hinalikan ang anak sa noo. Yumakap pa ito kay Rose bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Rose sa kapatid.
"Yeah. I'll be okay. Itutulog ko lang 'to," sagot ni Kyra bago dumapa at ibinaon sa unan ang mukha habang umiiyak.
Hapon na nang magising si Kyra. Hindi na niya namalayang nakatulog pala siya dahil sa pag-iyak. Naligo muna siya bago nag-check ng phone niya. Doon niya nakita ang missed calls mula kina Laude, Louise, Jea, Kyzha at Jhoana. Napakunot ang noo niya nang mabasa ang text message galing kay Jea.
From Jea:
Ate Ky, bakit hindi mo sinasagot? Nasaan ka ba? Pumunta ka sa restaurant ni Kuya Stell, 'yong malapit sa bahay nina Ate Kim. Nasa rooftop si Kuya Stell, tatalon yata.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...