KABANATA 9

55 10 18
                                    

BIYERNES na kaya naman medyo nakahinga si Laude dahil nakatapos siya ng isang lingo na wala siyang nababalatan ng buhay.

Ayos naman ang mga nagdaang araw. Hindi na lang niya pinapansin si Pablo dahil kumukulo ang dugo niya rito.

Hanggang ngayon naiisip pa rin niya kung bakit nagkawatak-watak ang magkakaibigan. 

Pero hindi ibig sabihin ay interesado ako sa kaniya o sa kanila. Curious lang.

"Boss," bati ni Josh habang sinabayan siyang naglalakad. Isa ito sa mga gusto sana niyang iwasan pero lagi itong sumusulpot at mangungulit sa kaniya kaya naman nasanay na rin siya.

"Bakit na naman?" 

Ikinawit nito ang braso nito sa braso niya. Madalas niya itong gawin, no'ng una ay inaalis niya pa, pero ngayon ay nasanay na rin siya.

"Ang sungit mo talaga, boss. Saan ka ba pupunta?" tanong niya. 

Walang lingong sinagot niya ito. "Malamang uuwi na. Uwian na, eh."

"Eh bakit dito ka gagawi? Hindi naman dito ang daan? Saka nasaan sina Louise?" nakanguso nitong sabi.

Ngumisi si Laude. "Ang dami mong tanong. Teka, bakit hinahanap mo sin Louise?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Sina nga, 'di ba? Sina. Ibig sabihin plural," paliwanag nito.

"Defensive. Nauna na silang umuwi, kaya pupuntahan ko si Jea," walang gana niyang sagot.

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. "J-Jea? Bakit?"

"Sabay kaming uuwi, pinsan ko siya," ani Laude.

Agad natigilan si Josh.

"Bakit? Hindi ka na sasama? Mabuti naman."

Bago pa man makasagot si Josh ay may narinig silang nagtatalo malapit sa garden. Nagkatinginan sina Josh at Laude at nagtago sa punong malapit doon.

 Lalo silang nagkatinginan ng mapagsino ang nag-uusap.

"Mag-usap nga muna kasi tayo," sabi ni Justin.

Napabuga ng hangin ang kausap nito. "Jah, nag-usap na tayo kanina, 'di ba?"

"Usap na ba iyon? Halos para kang nakakita ng multo 'pag nakikita mo ko," nagmamaktol na sabi ni Jah.

"Nagmamadali kasi ako kanina, Jah," alanganing sagot ni Jhoana.

Naikuyom ni Jah ang kaliwang kamao. Pilit pinapakalma ang sarili. "Eh, 'yung mga texts ko, 'yung chats ko, bakit hindi mo sinasagot?"

Napalunok si Jhoana. Nag-iwas siya ng tingin bago ito sinagot. "Busy kasi ako, Jah."

"Dahil kahit busy ka sumasagot ka, nagsasabi ka. May problema ba tayo, Jhoana?"

Napahawak si Jhoana sa sintido niya. "I have to go."

Tinalikuran niya ito at akma nang aalis pero nahawakan ni Jah ang braso niya. "Iniiwasan mo ba ko?"

Napalunok si Jhoana. Hindi niya alam ang isasagot niya. Totoong umiiwas siya sa lalaki. Alam niyang si Nadyne pa rin ang gusto nito. 

Simula pagkabata magkasama na sila at laging si Nadyne ang bukam-bibig niya. Alam niyang si Nadyne ang first love niya. Pero kahit ganoon ay nagkagusto pa rin siya kay Jah. 

Ngayong natauhan na siya ay ayaw na niyang masaktan. Kaya naman umiwas siya.

"Si Pablo ba? Kung si Pablo kakausapin ko siya. Binabawalan ka ba niya? Si Kyzha ba?" seryoso nitong sabi. Mahihimigan ng galit at inis.

Binawi niya ang kamay niya rito. "Hindi. Wala silang kinalaman dito, Jah. Hindi kita iniiwasan. Nasanay ka lang na sa 'yo umiikot ang mundo 'ko. Nasanay ka lang na laging nasa tabi mo 'ko. Inuuna ko lang ngayon ang priority ko, Jah. Priority na napabayaan ko noon. Kaya kung tinatanong mo ako kung iniiwasan kita, hindi. Busy lang ako sa bagay kung saan ako dapat," matapang na sabi ni Jhoana.

Tinalikuran niya si Jah at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon. 

Nagkatinginan naman sina Laude at Josh. Hindi nila akalaing masasaksihan nila ang ganoong eksena, kaya naman hinintay muna nilang makaalis si Jah. Sinundan ni Josh si Jah habang hinanap na ni Laude si Jea.

NAPANGITI Si Kyzha nang makita ang papalapit na si Ken. Katulad ng dati ay cold ang expression nito.

Agad siyang lumapit sa isa niyang lalaki at niyakap ito. Nagulat man ang lalaki pero gumanti rin ito ng kayap.

Halos manlaki ang mata niya nang gumapang ang kamay nito patungo sa likuran niya pababa sa bandang puwetan niya kaya agad siyang kumalas dito.

"Bastos!"

Ngumisi ito sa kaniya. "Bakit, gusto mo naman 'yon hindi ba? Kaya nga niyakap mo ko, eh."

"Ang yabang mo! Manyak ka na nga, mayabang ka pa!"

Napaatras siya ng lumapit ito sa kaniya. "Gusto mo naman na manyakin ka, 'di ba? Ano? Tara sa langit"

Napaatras siya lalo habang lumalapit ito sa kaniya. Yayakapin na siya nito ng biglang may humila rito. Wala pang ilang segundo ay nakahandusay na ito sa sahig at putok ang labi.

"Gusto mo pala sa langit, gusto mo tuluyan na kita?" galit na galit na sabi ng lalaking sumapak sa kaniya.

"Gago ka ba, Suson?! Siya itong lumapit sa akin."

"Gago! Kahit lumapit siya sa 'yo kung may respeto ka sa babae, hindi mo siya babastusin," sabi pa nito bago ulit sinapak ang kabila niyang pisngi.

Naalarma naman si Kyzha. "Ken! Tama na," awat niya rito. Niyakap niya ito galing sa likuran upang mailayo sa lalaki.

Napahinto si Ken nang makita si Kyzha na halos maluha na. He sighed sevral times.

Matapos mapakalma ang sarili ay inalis niya ang mga braso ni Kyzha sa baywang niya. "You should have not done that, Zen!"

Gusto niya pa itong pagalitan pero naalala niyang wala siyang karapatan sa dalaga.

"Huwag mong ibaba 'yang sarili mo, dahil lang sa hindi na tayo p'wede. Kahit paulit-ulit kang magpanggap hindi na no'n mababago ang lahat. Sa susunod wala na ko rito para ipagtanggol ka. Deal with it, Zen. Malabo nang maging tayo," anito bago iwanan si Kyzha.

Napamura siya habang pinapahiran ang luhang nag-uunahang umagos sa pisngi niya.

Should I give up? Hindi na ba talaga p'wede?


A/N

Hello mga mare. Pagpasensyahan niyo na ang update ko ngayon. hahaha medyo masakit ng bahagya.

No dedication at the moment. HAHAHHA

P.S. Pupunta si Laude kina Pablo sa next update. Abangan...


HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon