KABANATA 20

51 10 20
                                    

Bagot na bumaba si Laude sa hagdan papunta sa sala. Ngayon ang induction ball nila pero wala siyang balak pumunta. Kung hindi lang sinabi ni Miss Luna na 50% ng project nila ang attendance hindi siya pupunta.

"Jea, matagal ka pa?" inip niyang tanong. Isang oras na itong naghahanda pero wala pa rin ito.

"Heto na. Inip na inip?" ani Jea na pababa na ng hagdan.

Napatulala siya sa pinsan. "Saan ang lakad mo?"

Naka-maroon itong dress na mermaid cut kaya naman hapit ito sa katawan niya. Agaw pansin din ang V-neck lining niyon na medyo nagpalitaw sa bandang dibdib niya. Nakasuot ito ng itim na wedge at pearl accessories. Nakataas din ang mahaba niyang buhok na bumagay sa light niyang make-up.

"Ikaw ang saan pupunta, Ate Kim? Look at you. Ball ang pupuntahan natin, naka-P.E. uniform ka pa."

Napatingin si Laude sa sarili. "Ayos na 'to. Matutulog lang naman ako ro'n."

Namaywang siya. "Ayusin mo nga 'yang sarili mo. Mamaya nandito na sina Jhoana. Magmumukha kang alaylay namin."

Hindi nga siya nagkamali dahil bumungad ang katulong nila kasama ang mga kaibigan nila. 

Nauna niyang nakita si Kyzha na mukhang napilitan lang na pumunta sa kanila dahil kay Jhoana. Naka-high waist mini skirt itong itim na tinernuhan ng silver off shoulder crop top. Naka stilletoes itong itim rin na pinaresan ng silver na mini sling bag. Makapal ang make-up nito pero bumagay sa maganda niyang mukha. Kapansin-pansin din ang buhok nitong mahaba na kinulot ng malalaki. Bagay rin ang bangle accessories nito.

Nakangiti namang sumalubong si Jhoana na talagang ikinagulat niya. Nawala ang pagkainosente nito sa suot niyang light violet off shoulder backless dress. Hapit din iyon at kita rin ang kurba niya. Sa tanya niya ay naka-three inches white wedge ito ng suot. May hawak itong white hand bag. Pero kahit revealing ang suot nito at bagay pa rin ang simple niyang make-up at tuwid na tuwid nitong buhok na nilagyan lang ng maliit na clip na kamukha ng diamond niyang accessories.

"Hindi ka sasama?" tanong ni Louise. Naka-faded ripped jeans ito at black crop top spaghetti. Naka-boots itong itim habang kumikinang ang silver accessories niya. Inayos nito na messy band ang buhok kaya kitang-kita ang simple pero bagay sa kaniyang make-up.

"Sasama. Nasaan si Kyra?" bored niyang tanong.

"Kasabay ni Stell," Jhoana.

Tinaasan siya ng kilay ng mga kasama. "Are you kidding? Pupunta ka ng ganiyang ang suot?" si Kyzha.

"Anong problema rito? Ayos naman 'to. I'm not naked, anyway."

Hinatak siya ni Louise at kinaladkad papunta sa kuwarto ni Jea. Tinulungan naman siya ni Kyzha dahil naka-dress ang dalawa, hindi makakatulong.

"Ano ba, Louise. Masakit ah! 'Pag nakawala ako, makikita mo, babaliin ko lahat ng buto mo!"

"Ang arte! Sumunod ka na lang. Nakakahiya kung sasama ka sa amin. Kami ang mapapahiya," inis na sabi ni Kyzha.

Pabato siyang iniupo ng mga ito sa kama. Naghalungkat si Louise ng damit ni Jea at ibinato ito sa kaniya. "Isuot mo."

"Seryoso? I can't wear this!" inis niyang sabi. Pero hindi siya nakapalag dahil pinagtulungan siya ng dalawa at puwersahan siyang binihisan.

"'Yan, mukha ka ng tao," pang-aasar ni Kyzha. Sinamaan lang niya ang mga ito ng tingin.

Inayusan din siya ng dalawa. Ginupit nila ang mahaba niyang buhok. "Gago! Bakit niyo ko ginupitan? Siraulo ba kayo?!"

"Bagay sa 'yo, mare. Saka wala nang magagawa, putol na. Umayos ka na lang at urod 'tong kaliwang parte," sabi ni Louise.

Masamang tingin ang ipinukol niya sa dalawa. "Ang arte. We're doing you a favor. Bagsak naman 'yang buhok mo. Isang reklamo mo pa, itatali na kita," banta ni Kyzha.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon