KABANATA 36

36 9 2
                                    

Huminto ang sasakyan ni Pablo sa tapat ng bahay nina Jea. Hindi na nila namalayan ang byahe dahil pareho silang tahimik.

Agad inalis ni Laude ang seatbelt niya. Lalabas na sana siya ng kotse ng hawakan ni Pablo ang kamay niya at pigilan siya.

Napalingon siya rito. Mas kalmado na ang itsura nito kumpara kanina.

"I'm sorry for what happened," anito.

Ay hayop na braces! Totoo ba 'to? Nag-sorry siya.

Taka niya itong tiningan. "Ano?"

Napalitan ng blangkong ang mukha nitong sinsero kanina. "Do you really want me to repeat that, girlfriend?"

"Galit agad? Nagulat lang kasi ako. Teka may sakit ka ba?" Hinawakan niya ang noo at leeg nito. Kasabay ng paghipo niya sa noo nito ang pagtitig niya sa mga mata nito. Parang nag-slow mo ang paligid at tanging mukha lang nito ang nakikita niya.

"Mukha ba 'kong may sakit?" anito na nagpabalik sa huwisyo niya.

Ngumuso si Laude. "Kasi bihira kang bumait. Impakto ka, eh."

Napakunot ang noo nito at seryoso siyang tiningnan. "Akala mo ba madali para sa akin 'yong sabihin 'yon?"

Napataas ang kilay ng dalaga. "Alam mo, Braces, bipolar ka talaga. Ano 'to, utang na loob ko oa 'yang pag-so-sorry mo? Ang paghingi ng sorry dapat galing dito," aniya sabay turo sa bandang dibdib ng binata.

Napahinto ito. Napangiti. "Sorry, then."

Natulala siya nang bahagya. Ramdam niya ang sincerity nito.

"Pero, you shouldn't be saying that to me," mahinahong sabi ni Laude.

"Sa'yo na nga nagso-sorry ayaw mo pa," iritado na naman ang boses ni Pablo.

"Hoy, Braces! I'm trying to be nice here. Hindi ako sanay maging mabait pero sinusubukan ko, tapos gaganyanan mo pa 'ko? Sige sa'yo na 'yang sorry mo. Isaksak mo sa lungs mo," aniya na lalabas na naman ng kotse pero pinigilan ulit siya nito.

Hinawakan nito ang kamay niya at marahan otong pinisil. "Okay, sorry na, girlfriend."

Inirapan niya ito. "Ayan, ganyan. Pero, seryoso. Hindi ka sa akin dapat mag-sorry. Sa mga kapatid mo, at kay Ken. Hindi naman ako involved sa issue niyo."

"What? Bakit ako mags-sorry sa kanila? No way!" tumaas na naman ang boses nito.

"Isa pa talaga, Braces. Pepektusan na kita. Alam mo kasi sila 'yong nasaktan mo, hindi naman ako."

"Bakit ayos ba sa'yo 'yong kay RJ at Jea? Sige, ngayon mo sabihin sa akin 'yan," hamon nito.

Napahilamos si Laude ng mukha. Tumingin siya sa labas na dapit hapon na saka ibinalik ang tingin lay Pablo na animo naghihintay sa isasagot niya.

"Sa totoo lang, naiinis din ako. Ayoko sa pinsan mo para sa pinsan ko. Kadugo mo 'yon, so malamang pareho kayong abnomal," panimula niya. Agad siyang nakatanggap ng dead glare mula rito.

"Nasaktan na si Jea noon. Alam kong kahit hindj sila parehong seryoso ni Josh, nasaktan pa rin siya. Kaya I only want what's best for her. Sana 'yong lalaking hindi siya sasaktan, 'yong lalaking mamahalin siya hanggang dulo. Kaya nga ayoko sa pinsan mo," dugtong niya.

"Grabe ka sa pinsan ko," bulong nito.

"Patapusin mo nga muna ko, p'wede?"

Natahimik ito kaya nagpatuloy siya. "Bata pa si Jea, kaya todo protekta ko sa kaniya. Pero no'ng nakita kong masaya siya sa pinsan mo naisip kong sino ba 'ko para hadlangan siya sa bagay na magpapasaya sa kaniya, 'di ba? Lalo kanina no'ng nakita ko si Jhoana at Kyzha, naisip kong hindi na kailangang humantong pa roon si Jea. Malaki na siya, kaya hahayaan ko na lang siya. Babantayan ko na lang ang pinsan mo at siya ang babalatan ko ng buhay oras na paiyakin niya si Jea," seryoso nitong sabi habang nakatingin na sa labas.

"Teka. Bakit pati si Jhoana?" tanong ni Pablo.

Nilingon ni Laude si Pablo saka hinawakan ang kamay nito. "Babae ang kapatid mo. Maganda. Ideal. Sa tingin mo hindi malabong may magkagusto sa kaniya? Paano kung halimbawa magustuhan siya ni Jah?"

"What? May gusto sa kaniya si Jah?" inis na sabi nito.

Kinurot niya ang malabong braso ng binata. "Aray naman, girlfriend! Bakit tinotoo mo na yata?"

"Siraulo ka kasi, Braces. Hindi ko sinabing gusto siya ni Jah. Ang sabi ko, paano lang. Possible."

"Madaling sabihin sa'yo 'yan kasi hindi mo alam kung anong nangyari dati," seryosong sabi ni Pablo.

Kumalumbaba si Laude sa dashboard at hinarap ito. "Bakit ano bang nangyari noon?"

Hindi pa ito nakasagot. "Is it related to Sofia?" tanong niya.

Medyo kinabahan si Laude sa magiging sagot nito. May idea na siya pero naratakot pa rin pala siya kung dito mismo manggagaling ang sagot.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Napabuntong hininga si Laude.

As if sumagot 'tong braces na ito.

"It's okay. Don't answer it. Mauna na ko," aniya na lalabas na ulit sa sasakyan.

"I'm not yet ready. Hindi ko pa kayang sabihin sa'yo lahat, girlfriend. But, I promise, I'll tell you once I'm ready."

Humarap si Laude sa binata at tipid na ngumiti. "I understand, boyfriend."

Bumaba na siya at pumasok sa bahay.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Kinakabahan pa rin siya pero iba 'yong kabang ito sa kabang naramdaman niya noon.

What's with yoiu, Braces? Bakit ganito?

Naupo siya sa sofa at hinintay ang pagdating ni Jea.

Kabado ito nang pumasok sa loob.

"Bakit ngayon ka lang?" aniya habang nakatingin sa wall clock. Eight PM na.

Nanginginig ang boses ni Jea. "Pinakalma pa kasi namin si Zen, Ate Kim. Iyak siya nang iyak."

Tumayo si Laude. "Ate Kim, sorry na. 'Wag mo kong balatan nang buhay. Wala naman kaming ginawa ni RJ. Hindi kami nag-kiss. Holding hands lang."

"Para kang tanga, Jea. Mabuti naman at ayos na si Kyzha. Anyway, kbow your limitations. Kung magpapaligaw ka sa pinsan ni Braces, dito na lang sa bahay. Baka mabalian ko pa 'yon kung makikita kong saan ka niya dinadala," anito na lumakad na at umakyat sa taas.

Ano raw? Hindi siya nagalit? So ayos lang sa kaniya?

Halos magtatalon si Jea nang ma-realize na ayos na kay Laude 'yong sa kanila ni RJ.

Love na talaga kita, Ate Kim. Sana magka-jowa ka na para mabait ka na lagi

A/N

Hi. Kamusta kayo? Maulan ngayon ah. Sana ay ayos lang kayo  mga mare. Hehehe medyo light ang UD natin ngayon. HAHAHAHA heavy kanina eh. Sana ay nagustuhan niyo. 😘😘



HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon